Inamin ni Janella Salvador na Star Magic ang pinaringgan niya sa kanyang cryptic tweet noong Sabado, July 8, 2023.
Ang Star Magic ang talent management arm ng ABS-CBN na humahawak sa showbiz career ni Janella.
Read: Is Janella Salvador alluding to Star Magic in cryptic post?
Maiksi pero malaman ang tweet ni Janella: "Ah k. Noted."
Sinamahan niya ito ng star at wand emojis kaya mabilis nahulaan ng netizens na para ito sa Star Magic na naglunsad ng Star Magic Catalogue.
Umabot ng 2.9M views ang tweet ni Janella at may 310 comments mula sa kanyang fans na kung hindi man umalma sa non-exclusion kay Janella sa front cover ay nagbahagi ng show of support sa aktres.
THE ISSUE
Makikita sa magazine-type directory ang kumpletong listahan ng talents ng Star Magic kalakip ng profile at photo shoots ng mga ito.
May spread si Janella sa loob ng catalogue, pero kapansin-pansing hindi siya kasama sa front cover.
Karaniwang nailalagay sa front cover ng Star Magic catalogue ang celebrity A-listers at prized stars ng Kapamilya Network.
Ang kasama sa cover ay sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Joshua Garcia, Gerald Anderson, Kim Chiu, Zanjoe Marudo, at Arjo Atayde.
Naroon din sina Angelica Panganiban, Enchong Dee, Shaina Magdayao, John Arcilla, at Jane de Leon.
Kinumpirma ni Janella na may tampo nga siya sa Star Magic.
Base ito sa ulat ni DJ Jhai Ho sa online show na Marites University kahapon, July 11, 2023.
Sabi raw ng aktres via text message: "Palaban pag tama yung pinaglalaban. Valid naman siguro yung tampo ko [sad face].”
LAURENTI DYOGI APOLOGIZES TO JANELLA
Nakarating na ang isyu sa Star Magic Head na si Laurenti Dyogi.
Sa hiwalay na ulat ni Ogie Diaz sa online show niya na Showbiz Update kahapon, ibinahagi niya ang mensahe ni Dyogi para kay Janella.
Humingi ng paumanhin si Dyogi kay Janella.
Sabi pa raw ni Dyogi, "Last minute may nabago sa layout at kailangan magdadag ng pahina. Marami sila na hindi naisama."
July 8 nang makausap ni Ogie si Dyogi, at hindi pa raw nakakausap noon ni Dyogi si Janella.
Read: Markus Paterson on Janella Salvador: "She's the best relationship I've had."
JC ALCANTARA'S MISTAKEN TWEET FOR STAR MAGIC
Sa kabilang banda, agaw-pansin din noong Sabado ang tweet ni JC Alcantara na "Naol my favoritism, lagi na lang tayong option."
Marami ang nag-akalang patama rin ito ni JC sa kontrobersiyal na inilunsad na Star Magic Catalogue.
Kahapon ay nagbigay-linaw si JC na hindi iyon para sa Star Magic.
Hindi raw niya akalaing mami-misinterpret iyon dahil madalas siyang mag-post ng "ganun about sa life."
"At una never ako nag hangad ng spot para lang masabing may ipagmamalaki nako, baguhan papo ako at marami pakong need iimprove.
"Malayo pako para mag hangad ng ganun. Happy nako kung saan man ako ilagay, at hindi rin po dun about yung post ko."
Nagpapasalamat pa raw si JC sa Star Magic dahil scholar siya ng ABS-CBN sa Enderun College.
Read: Buboy Villar buys SUV, thanks to his savings from pares food-cart business
