Pinatalsik ng management ng isang mall establishment sa Quezon City ang isang security guard matapos nitong ihagis mula sa footbridge ang isang tuta dahilan para ito ay mamatay.
Bahagi ng official statement ng SM City North Edsa na inilabas sa Facebook madaling araw ng July 12, 2023: “The Security Guard has been dismissed and is no longer allowed to service any of our malls nationwide.”
Kinokondenda ng management ang pagmamalupit sa mga hayop.
Read: Chow Chow dog namatay dahil sa heat stroke sa isang pet hotel sa Antipolo
“YUNG TUTA PO BINATO NG GUARD”
Isang netizen, si Janine Santos, ang nag-post ng pangyayari via Facebook noong Martes, July 11, 2023.
Idinetalye niya kung paano inihagis umano ng security guard ang kawawang tuta mula sa footbridge sa labas ng naturang mall.
Mahihinuhang animal lover ang netizen dahil sa kanyang marubdob na post. Base rin sa kanyang kuwento ay nasa lugar siya ng pinangyarihan.
Bungad ng netizen (published as is): “PATULONG PO!!!!!!!!!! UNG TUTA PO BINATO NUNG GUARD DITO SA SM NORTH!!!!!!!!!”
Lahad ng netizen, pinapaalis ng guard sa footbridge ang ilang street children kasama ang kanilang aso.
Post ng netizen (published as is), “…ayaw umalis nung bata. Ang ginawa tinapon nung guard ung aso mula footbridge.
“Hindi tama yan!!!!! Napakalala mo!!”
Hinimok ng netizen na i-share ang kanyang post para “mabigyan ng hustisya yung ginawa dun sa tuta.”
Pagpapatuloy ng netizen may isang lalaki ang kumausap sa guard dahil sa inasal ng huli.
Sagot daw ng guard, “Wala akong pake."

A concerned pedestrian picks up the poor puppy after it was thrown from the footbridge. The puppy did not survive the fall.
Marami raw sa mga nakasaksi sa pangyayari ay nahabag sa tuta.
Kalakip ng post ay ilang kuhang larawan ng naka-face mask na security guard, na siyang naghagis ng tuta; lalaki na siyang kumompronta sa security guard; isa pang lalaki na hawak ang ibinatong tuta na noon ay walang malay.
Read: Kilalanin: Food-delivery rider na sumaklolo sa asong inabandona ng amo

Kinakausap ng nagmalasakit na lalaki (in blue t-shirt and stripes) ang security guard (partly hidden) dahil sa ginawa nitong paghagis sa tuta mula sa footbridge.
Sa comments section, ilang netizens ang nag-update na namatay na ang tuta.
May mga kumastigo sa inasal ng security guard; may mga nag-tag sa mga animal welfare organizations at iba pang mga kinauukulan.
May mga nag-alok ng tulong; may mga natukoy ang mga batang may-ari ng tuta.
Read: Reaction of rescued chimpanzee to seeing sky for first time, priceless!

Ang dalawang batang babae hawak ang kahon lulan ang kanilang tutang wala nang buhay dahil inihagis ng security guard.
Maraming animal lovers ang naantig at nagalit sa pangyayari dahilan para maging viral ang post.
Kaya naman naglabas ng official statement ang mall establishment ngayong Miyerkules.
Narito ang kabuuang statement ng SM North Edsa:
“With extreme sadness, we sympathize with the group of youngsters regarding the incident that happened outside our mall today.
“We have called the attention of the security agency to conduct an immediate and thorough investigation into the matter. The Security Guard has been dismissed and is no longer allowed to service any of our malls nationwide.
“As a pet-friendly establishment, we strongly condemn any acts that endanger or harm the lives of animals.”
Read: Giant cat sa Bacolod City madalas mapagkamalang Siberian Husky
Maraming netizens ang pumuri sa management sa agarang aksiyon nito kaugnay ng pangyayari.
Samantala, may balak ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) kasuhanang security guard dahil sa kanyang ginawa sa tuta.
