Nag-iilusyon lang ba si Sabrina M. sa paggamit nito sa pangalan ng namayapang aktor na si Rico Yan para sa promo ng kanyang bagong pelikula?
Ito ang malaking katanungan ng publiko nang marinig ang claim ni Sabrina na naging sila ng aktor na pumanaw noong March 29, 2002.
Read: Rico Yan: Gone too soon
Pahayag ng dating sexy star sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters noong July 6, 2023, "About kay Rico Yan, ang image niya kasi is wholesome, habang ako naman ay nagpapa-sexy sa mga pelikula.
"Kapag na-issue kami sa isa’t isa, maraming sasabihin sa akin, kaya mas naging better na itinago na lang namin noong nagkaroon kami ng relasyon."
Dagdag niya, "Ito iyong first time na inamin kong nagkaroon kami ng relasyon. After Claudine, naging kami, umabot din ng taon."
Inilihim daw nila ni Rico ang relasyon nila para makaiwas sa intriga.
Pagsisiwalat pa niya, alam ni Claudine na naging magkarelasyon sila ni Rico.
Sabi ni Sabrina, "Yes, alam niya. Hindi pa kami nakakapag-usap at nakakapagkita ngayon.
"I think hindi naman magkakaroon ng problema kay Claudine kasi noong naging kami naman ni Rico, tapos na sila.
"Hindi ko naman pinanghimasukan si Rico during the time na sila pa ni Claudine.
"Wala na talaga sila noong pumasok ako sa buhay ni Rico."
CLAUDINE'S REACTION TO SABRINA M'S CLAIM
Labis daw ikinairita ni Claudine ang pahayag ni Sabrina na naging sila ni Rico. Hindi raw ito totoo.
Ayon sa talent manager-vlogger na si Ogie Diaz, balak magdemanda ni Claudine dahil sa pahayag ni Sabrina M.
Sabi ni Oge sa kanyang vlog na lumabas kahapon, July 11, 2023, “Nabubuwisit si Claudine Barretto.
"Oo, balak magdemanda ni Claudine Barretto dahil hindi raw totoo yung sinasabi ni Sabrina M. na aware si Claudine, ginagamit pa si Bobby Yan [kapatid ni Rico].
"E, ang claim pa ni Sabrina M. ay binigyan pa siya ng bulaklak ni Bobby Yan para ilagay dun sa nitso bago isara, hindi rin naman daw totoo."
Read: Sabrina M. shrugs off negative comments after revealing secret relationship with late Rico Yan
Tanong pa ni Ogie, “Bakit Sabrina? Bakit kailangang mag-imbento? Kung gustong magbalik?”
Sabi naman ng co-host ni Ogie’s na si Mama Loi, “Kung gumagawa siya ng story, bakit nga ba si Rico Yan ang naisip niya?”
Sagot ni Ogie, “Ewan ko, dyusko, napaka-gentleman nung tao, yung breeding ni Rico Yan...
"Kahit ako close kay Rico Yan, e, ako nga yung atungal nang atungal dun, hindi nga ako binigyan ng bulaklak. Nag-ilusyon ba ako?"
Mensahe pa niya sa dating sexy star, “Dyusko naman, Sabrina naman, tigilan mo na yan. Baka isipin ng mga tao na, ‘Ano ba yan si Sabrina M., bumalik na naman ba sa bisyo?'
"Dapat kung magbabalik clean slate, huwag kang gagamit ng ibang tao. Ipahinga mo yang idea mo na yan."
Ang tinutukoy ni Ogie ay ang pagkakakulong noon ni Sabrina dahil sa ilegal na droga.
Read: Former sexy star Sabrina M arrested in buy-bust operation
