Masaya si Ara Mina dahil alam niyang maligaya ngayon ang nakababatang kapatid na si Cristine Reyes sa relasyon nito kay Marco Gumabao.
Read: Cristine Reyes flexes PDA moment with boyfriend Marco Gumabao
Ang hiling niya lang ay patuloy na maging masaya si Cristine at mahalin at alagaan ito ng Viva actor.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara sa media conference ng morning show niyang Magandang ARAw, na ginanap sa Elixir restaurant sa NET25 compound noong July 7, 2023.
"I can see her smile, very happy siya and she deserves it. Sister ko yun, kumbaga sana ingatan, ingatan ni Marco," saad ni Ara.
Personal na kakilala ni Ara si Marco dahil sa kanilang common friends.
Noong 40th birthday celebration niya noong May 2019 ay imbitado pa raw si Marco.
Pero sabi rin ni Ara, "Di pa naipapakilala ni Cristine sa family, sa ibang mga kapatid namin.
"The last time I was with her nung Christmas pa. Kalahating taon na, ganun ka-busy ako, ganun din siya ka-busy."
Mensahe pa ni Ara sa kapatid, "Kita naman tayo minsan, girl."
Puring-puri naman ni Ara si Marco sa pagsasapubliko kung gaano nito pinapahalagahan si Cristine.
"Well, nakakatuwa siya, very open siya, very honest siya. Para siyang si Dave na pinagmamalaki ang kanyang pagmamahal sa kanyang girlfriend o asawa."
Ang tinukoy ni Ara na "Dave" ay ang mister niyang si Dave Almarinez.
Bilang host ng Magandang Araw, inimbitahan daw ni Ara si Cristine na mag-guest sa kanyang show.
"Yes, pero wala pa siyang maibigay na schedule. But definitely magkikita din kami and makakapagbigay yun ng schedule."
ON HAVING HER OWN tv SHOW
Hindi naman napigilan ni Ara ang sariling maging emosyunal sa presscon proper ng kanyang sariling lifestyle magazine show.
"Very emotional ako kanina, it's tears of joy kasi, di ba, you'll never know na darating din pala ang dream project mo after thirty years.
"Bata pa lang ako pinapanood ko na si Oprah [Winfrey]," sabi ni Ara.
Sana raw ay pumatok ang show niya sa mga manonood.
"Very challenging. Hindi ganun kadali kasi iba na ang landscape ng entertainment ngayon.
"Kailangan mag-adjust ka, pero nandun pa rin yung old style na gusto ng pulso ng masa."
Naikuwento rin ni Ara na naranasan niya sa Magandang ARAw na magbigay ng suhestiyon ng shots na kukunan ng cameraman, maging talent coordinator, mag-scriptwriter, at iba pang gawain sa produksiyon para sa ikagaganda ng show.
"Kailangan pagdaanan mo ang ganun para alam mo yung pulso ng show, kasi if you're not hands on your show, hindi rin siya magtatagal.
"Kailangan kung paano ko hinandle ang career ko, at kung paano ako sa pagiging persistent, ganun din ang ginagawa ko sa show.
"I want to give a good show, gusto kong magbigay ng magandang show sa mga tao.
"Health, wellness, nagdi-DIY tayo sa paggawa ng scrap kung wala kang budget. Yung mga di nakukuhanan, di napi-feature ng mga shows."
Pinaghahandaan daw niya talaga ang programa bago siya sumalang sa taping.
"Yes, I read, nagri-research ako through our phone. Kasi the problem with me, sa two pages pa lang inaantok na ako. Ngayon may mga audio book.
"Kumbaga, lahat ng aspects ng life... Di lang sa mga nababasa, lahat ng mga na-experience ko, good or bad, yung good ise-share natin para makapaghatid ng good vibes sa mga viewers."
Ang unang guest ni Ara sa Magandang ARAw ay ang dating kasamahan niya sa That's Entertainment at ultimate hunk actor na si Piolo Pascual.
Two parts ang episode na unang mapapanod sa July 15, 4:00-5:00 p.m., Sabado, sa Net25.
"Dream ding makasama ko siya sa work and I'm very happy, sobrang generous siya sa pagbigay ng kanyang schedule.
"Pinapaganda namin talaga yung show kaya hinintay namin si Piolo."
Read: Kris Aquino reveals breakup with Mark Leviste
ARA'S LUCKY CHARM
Masaya si Ara sa takbo ng kanyang career.
Kasama siya sa Ang Litrato, ang drama film tampok si Ai-Ai delas Alas. Nagsu-shooting din siya para sa Poon, isang horror film kung saan kasama niya sina Janice de Belen, Lotlot de Leon, at Jaclyn Jose.
Ongoing din ang kinabibilangan niyang sitcom na Jack and Jill na umeere sa TV5.
"Yun nga ang sinabi ko, e, akala ko nung mag-aasawa ako mababawasan ako ng projects, wala nang kukuha sa akin.
"But I think my Bebe is my lucky charm dahil sunud-sunod ang projects. Strike while the iron is hot.
"And I can say life begins at 40, kasi 40 ako ikinasal. Nagkaroon ng dream show ko kung kailan 40-plus na ako, di ba?"
Read: Awra Briguela bar brawl incident: A timeline
FAMILY LIFE
Dalawang taon ng kasal si Ara kay Dave, dating CEO ng Philippine International Trading Corporation.
Read: Ara Mina-Dave Almarinez's love story: What prayers and patience can do
Nagpapasalamat si Ara dahil tanggap at mahal ni Dave ang anak niyang si Amanda. Si Amanda ay anak ni Ara sa ex-boyfriend na si Patrick Meneses.
"Masaya, yun ang isa rin sa nagustuhan ko sa kanya. It's a no-no pag ang lalake di tinanggap ang anak mo. Yun ang plus factor sa kanya.
"May daughter din ako sa kanya, si Kirsten, so talagang nagko-complement ang modern blended family. Close din sila Kirsten saka si Mandy."
