PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kakai Bautista on love after past traumas

Kakai Bautista admits, "Mukha akong pera."
by Jerry Olea
Published Jul 10, 2023
kakai bautista love life
Kakai Bautista: “Mukha talaga akong pera. Sino ba ang hindi mukhang pera?! Naku! Lahat ng tao, mukhang pera. Dyusko, hindi tayo makakakain kung wala tayong pera. Ano ‘to, di ba? So, depende yun sa tao kung hanggang saan yung pagiging mukhang pera niya, kung gagamitin niya ba yun sa masama o mabuti."
PHOTO/S: Jerry Olea

Hugot ni Kakai Bautista sa Facebook noong Hunyo 4, 2023:

“Minsan gusto din talagang lumandi at mamansin ng lalake pero kapag naiisip ko yung mga bayarin, gusto ko pang ma-achieve para sa sarili ko, NAGIGISING ako sa KATOTOHANANG di ko kailangan ng LALAKE para sumaya.

“KAILANGAN ko PERA.

“Don’t get me wrong, naniniwala padin ako sa Wagas na Pag-ibig. Di na nga lang ako niniwala na kaya kang buhayin ng PAG-IBIG lang.

“Both men and women should be financially independent and stable before going into a serious relationship or marriage.

“BAKIT? Napakapangit pag-awayan ang wala kang ipapangdate, igagastos sa kasal, ipapakain sa mga anak mo, ipapang-aral at ipapang-ospital kung may magkasakit.

“Lalo na ang mga kababaihan. Kailangan financially independent. BAKIT? Kase laging kawawa ang babae sa hiwalayan lalo na kapag wala syang sariling pera.

“Mental, Emotional, Physical and Financial Stability is the KEY to a HAPPY inter-personal relationships whether it is ROMANTIC or PLATONIC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, PagHANDAAN mo ang TUNAY NA PAG-IBIG!”

Read: Kakai Bautista, inaming crush si Stell ng SB19

FAMILY FIRST

Kumusta na si Kakai?

“Mabuti po. Eto, medyo maayos naman,” pagngiti ng Dental Diva noong Hulyo 7, Biyernes ng gabi, sa Beautederm HQ sa Angeles City, Pampanga.

“E, alam niyo naman ako, kung ano lang yung ibigay sa akin, okay naman ako. Hindi naman ako naghahangad…

“Siyempre, dream natin, maraming work. Ako, work-work lang talaga ako. Doon tayo sa kung saan may work, doon tayo.”

Work na lang talaga?

Napatango si Kakai, “Work, tapos family. Happy na, happy na ako ngayon kasi naibili ko na ng bahay yung family ko. Dun sa Laguna, two years ago pa.

“Tapos yung isang good achievement ko this year is nakabili na rin ako for myself. Diyan lang sa tabi-tabi!

“So happy na ako, at least, di ba? Inuna ko muna yung family ko bago ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi niya nararamdaman na may kulang?

“Ayan na naman tayo, e! Wala! Punung-puno pa ako. Punung-puno ako. Masyado akong happy mag-isa ngayon,” sambit ni Kakai.

Read: Kakai Bautista shrugs off “ilusyonada” tag: “Hindi na nga ako masyadong maganda."

Sumuko na ba siya sa pag-ibig?

“Hindi naman ako sumusuko. Sabi ko nga sa isang interbyu with Tito Boy [Abunda] na sobrang happy ko ngayon,” sabi ng Dental Diva.

“Kumbaga, wala na siya sa listahan ko. If ever na mai-in love ako, yun na talaga, gugustuhin ko, yun na talaga!

“So, hindi ako puwedeng pasyunga-syunga ulit na… kesyo gusto akong i-date, nilalandi ako sa phone, bibigay na ako.

“Dyusko! Ang tanda na para sa ganun, hindi pa ba ako natuto?!”

Marami siyang trauma sa love life?

“Ay, oo! Marami akong traumas, pero I consider all those traumas na learnings from my past,” pagbuntong-hininga ni Kakai.

“So, maingat na ako ngayon. Nagdi-date naman ako, may mga kausap naman ako. Pero choice ko lang talaga not to give in into a relationship.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi sabi ko nga, gusto ko pag na-in love ulit ako, talagang wala nang mga issues. Wala nang ganito, OK na, stable na ako. Yung dyodyowain ko, stable na.

“OK din siya emotionally and mentally. So ngayon, ine-enjoy ko lang. Kumbaga, preparing na pero hindi ako nagko-close ng door.”

"MUKHA TALAGA AKONG PERA"

Sa mga hugot niya sa Facebook, ang dating sa iba ay mukha siyang pera.

“Mukha talaga akong pera. Sino ba ang hindi mukhang pera?!” halos labas-litid na bulalas ng Dental Diva.

“Naku! Lahat ng tao, mukhang pera. Dyusko, hindi tayo makakakain kung wala tayong pera. Ano ‘to, di ba?

“So, depende yun sa tao kung hanggang saan yung pagiging mukhang pera niya, kung gagamitin niya ba yun sa masama o mabuti.

“Di ba, mukha akong pera kasi maraming umaasa sa akin at marami akong gustong matulungan, lalo na yung family ko.

“Siyempre di ba, uunahin natin yung pamilya natin, di ba? Kapag marami kang pera, marami kang mapapasaya. Totoo yan, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung hangga’t kaya ko, tutulong ako. Saka ako kasi, ang goal ko ngayon, mapasaya ko yung mga magulang ko saka yung mga kapatid ko.

“Kasi gusto kong makapag-travel kami. So, mukha akong pera. Magtatrabaho ako!

“Recently kasi, first time kasing umalis ng papa ko abroad, kasi 70th birthday niya. So, trineat ko sila ni Mama sa Hong Kong.

“First ever nila yun. Business class sila, tapos hindi naman bonggang hotel. Alam mo yun, para lang maranasan nila.

“Kasi ako, travel nang travel. E, di ba, pag magulang natin, gusto nila yung, ‘O, birthday… nak, perahin mo na lang.’

“Sabi ko, ‘This time, hindi, aalis tayo, Ma. Alis tayo, Pa.’”

TRIP TO HONG KONG

Apat silang nag-HK. Kasama nila ang isang pinsan ni Kakai.

“Pinasyal ko lang talaga si Mama’t Papa sa Disneyland. Kasi, yung pinsan ko, first time din niya,” lahad ng singer-comedienne.

“So, sabay ko lumaki yung pinsan ko. Hindi pa siya nakakaalis ng bansa. So, first time niyang umalis ng bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, nag-Disneyland kami, namasyal kami, kumain kami ng masarap. Kasi parang ako naman yung travel nang travel dahil nga privilege ko yun sa work, di ba?

“Marami akong chances to travel because of my work, my job. So ngayon, medyo maayos na.

“Hindi na kami hikahos sa buhay. So it’s time naman to pasyal ko naman yung aking family.”

May panahon na si Kakai para sa kanyang sarili, at sa kanyang mga mahal sa buhay.

“Marami akong time. Nag-start kasi ako, pre-pandemic, pangako ko, every year aalis talaga ako. Magta-travel talaga ako alone,” pagtatapat ni Kakai.

“So, kung meron man akong kikitain na mga friends, doon ko na kikitain sa ibang bansa. So, ginagawa ko siya every year.”

Anong bansa ang paborito niyang puntahan?

“Ahhh Europe. So na-in love talaga ako sa Europe.”

Sa Asia?

“Ay wala! Philippines, charot! Ha! Ha! Ha! Ha!” mataginting na halakhak ni Kakai.

“Siyempre, favorite ko, Japan. Thailand ba gusto mong marinig? Thailand ba? Masarap ang pagkain dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, lahat naman sa Asia na bansa, konti na lang hindi ko pa napupuntahan. Vietnam, Cambodia, Laos.

“Pero nakapunta na ako ng Malaysia, ng Thailand, ng Indonesia, nakapunta na ako.”

Masaya ba ang experiences niya sa Thailand?

“Oo naman. Masarap ang pagkain.”

Ano ang binabalik-balikan niya sa Thailand?

“Pagkain! Ha! Ha! Ha! Ha! Masarap kumain dun. Sa kalye lang ako kumakain dun. Kasi mas masarap sa kalye.

“Talaga, yung mga mukha niyo talaga, pag sinabing Thailand?! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” pagtawa pa ni Kakai.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kakai Bautista: “Mukha talaga akong pera. Sino ba ang hindi mukhang pera?! Naku! Lahat ng tao, mukhang pera. Dyusko, hindi tayo makakakain kung wala tayong pera. Ano ‘to, di ba? So, depende yun sa tao kung hanggang saan yung pagiging mukhang pera niya, kung gagamitin niya ba yun sa masama o mabuti."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results