Inabangan ng marami ang Battle of Noontime Shows noong July 1, 2023: ang unang pag-ere ng E.A.T. sa TV5, ang unang pag-ere ng It's Showtime sa GTV, at monthsary celebration ng revamped Eat Bulaga!.
Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline
Masaya ang main hosts na si Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa pagtanggap ng manonood sa unang episode ng E.A.T.
Read: Review: First day of 'E.A.T.' on TV5: a warm mix of old and new tricks, laughs, tears, and hugs
Ayon pa nga kay Joey ay "lagpas helicopter" ang pagpansin ng viewers sa kanilang bagong palabas.
Read: TV ratings: TVJ prove they are still the kings of noontime shows
Nagpasiklab din ang It's Showtime na historic ang bonggang crossover at pagsasanib-puwersa ng Kapamilya at Kapuso stars.
Read: Review: 'It’s Showtime' gives its all in GTV premiere
Ang Eat Bulaga! naman ay tuloy ang pamumudmod ng cash prizes na sinasabing higit PHP100,000 ang inaabot kada araw.
Read: Review: 'Eat Bulaga!' relaxed amid battle of noontime shows
Ngunit mapapatunayan ba ng datos ang sinasabi ni Henyo Master? Nanalo nga ba sa ratings ang E.A.T. laban sa Eat Bulaga! ng GMA-7 at It’s Showtime ng GTV?
RATINGS EXPLAINER
Ano nga ba ang TV ratings at paano ito nasusukat?
Ang pinakasimpleng paliwanag ay ito ay sukat ng dami ng nanood sa isang palabas sa telebisyon. Kung mataas ang ratings ng isang show, ibig sabihin ay marami ring nanood dito.
Ginagamit ng TV networks ang ratings para malaman kung dapat pa bang pahabain ang show, at ginagamit naman ng mga advertiser ang mga ratings para malaman kung saan sila maglalagay ng ads.
May ilang kilalang TV ratings survey firms sa Pilipinas. Nariyan ang Nielsen Philippines Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) at Kantar Media.
May iba-ibang paraan ng pagkuha ng ratings. Nariyan ang phone survey, kung saan tumatawag ang mga kompanyang nagkakalkula ng ratings sa ilang mga bahay para malaman kung ano ang pinapanood nila.
Mas siyentipiko naman ang pagkuha ng datos via panel homes, kung saan may mga pamilya na ni-recruit ang ratings o survey company para maglagay ng TV box sa kanilang telebisyon na nagmo-monitor ng kanilang pinanonood.
Mabusisi ang pagpili sa mga pamilyang mapapasali sa panel homes, at base ang pagpili sa demographic composition ng total TV audiences sa bansa.
Iba-iba ang data sets na kayang ibigay ng mga survey company from the TV box.

HOUSEHOLD RATINGS
Merong Household Ratings, na porsyento ng nanood ng isang palabas versus the Audience Reach, o total number of audiences.
Halimbawa, kung 100 Million ang Audience Reach, at 10 Million ang nanood, magiging 10% ang porsyento ng Household Ratings. Medyo matagal ma-generate ang Household Ratings dahil malaki ang bilang ng total audiences na covered nito.
OVERNIGHT DATA
Para mas mapabilis ang pagbigay ng TV Ratings data ay merong tinatawag na Overnight Data, na katulad ng Household Ratings ngunit mas maliit ang Audience Reach, para mabilis itong ma-generate.
TOTAL VIEWERS
Meron ding Total Viewers, na actual numbers, at di porsyento tulad ng Household Ratings o Overnight Data.
MORE DATA ABOUT VIEWERS
At dahil siyentipiko nga ang paraan ng pagkuha ng data ay maari ring magkaroon ng data na tungkol sa demographics, tulad ng porsyento ng nanood base sa gender, edad, social status at iba pa.
Maaari ring i-categorize ang ratings data base sa kung nasaan ang audience. Merong ratings sa Metro Manila, Mega Manila, Luzon, Visayas, at Mindanao.

Read: Eat Bulaga! congratulates TVJ on its new noontime show, welcomes It's Showtime to its new home
TV LANDSCAPE EVOLUTION
Bago mag-pandemic ay madali lang ipaliwanag ang TV ratings.
Sa mga makakaalala, may weekly TV ratings coverage noon ang PEP.ph kung saan nilalathala namin ang TV ratings base sa dalawang survey companies: ang Nielsen at Kantar.
Ngunit marami ang naganap na nakapagpabago sa pagtingin sa TV ratings sa Pilipinas.
Nariyan ang kawalan ng franchise ng ABS-CBN, at pag-develop nito sa kanilang online platforms para sa livestreaming. Nakipag-partner rin ang ABS-CBN sa iba pang mga network para ipalabas ang kanilang mga program.
EMERGENCE OF COMBINED TV RATINGS
Dahil dito, maaari nang mapanood ang mga Kapamilya show sa iba’t ibang channel at websites nang sabay-sabay, o via simulcast. Naging fragmented o watak-watak tuloy ang ratings ng mga show at kailangan nang pagsumahin para makuha ang total ratings.
Halimbawa nga sa It’s Showtime, na mapapanood ng sabay-sabay sa GTV, A2Z, at Kapamilya Channel.
Sumunod din ang GMA-7 sa pag-simulcast ng kanilang mga palabas sa online at iba pang channel, kaya’t fragmented na rin ang kanilang ratings.
DIGITAL STREAMING
May sarili ring measurement ang pagpapalabas sa Internet. Ito ay ang total number of views, at hindi ito isinasama sa traditional TV ratings.
Dahil rin sa pandemic ay natuto ang mga manonood na manood ng mga palabas sa internet.
Dati ay kailangang nasa harap ka ng telebisyon para mapanood ang paborito mong palabas. Ngayon ay puwede mo na itong panoorin sa Internet sa mga susunod na araw.
Naging resulta nito ang pagliit ng mga ratings ng mga palabas.
Dati ay pumapalo sa 50% ang ratings ng mga sikat na primetime shows. Sa ngayon ay parang hindi na ito maaaring mangyari.

Read: Vice Ganda bonds with Kapuso stars Mavy Legaspi, Kyline Alcantara, Ken Chan, Rodjun and Rayver Cruz
E.A.T. RATINGS
Narito naman ang ratings ng E.A.T. vs ratings ng kanilang mga katunggaling palabas na It’s Showtime at Eat Bulaga!, para sa Sabado, July 1.
Panalo ang E.A.T. sa Overnight Data na galing sa Nielsen NUTAM. Dito ay nakakuha ang TVJ-led noontime show ng 8.4% Average Program Rating, versus the 4% rating ng It’s Showtime at 2.6% ng Eat Bulaga!. Base ito sa 8.2 Million na Audience Reach.
Wala pang nailalabas na total Household Ratings ang Nielsen NUTAM sa publiko kaya hindi masasabi kung gumalaw ba ang ratings sa kabuuan ng Audience Reach.
Sa online data na inulat ng LionhearTV online site ay panalo pa rin ang E.A.T. kung pagbabasehan ang total number ng nanood sa livestreaming on both Facebook and YouTube.
Nakakuha ng higit na 532,000 live viewers ang E.A.T., na nangyari noong bandang 12:30 p.m, kumpara ito sa peak na higit na 325,000 viewers ng It’s Showtime.
Ang Eat Bulaga! ay nakakuha ng higit na 1,700 viewers lamang mula sa Facebook pages nina Isko Moreno at Paolo Contis.
Ngunit mas naging consistent ang viewers ng It’s Showtime, dahil noong bandang 2:30 p.m. ay nasa higit 284,000 pa rin ang live viewers nito, habang bumagsak na sa 231,000 ang sa E.A.T.
JULY 3, 2023 RATINGS
Paano naman kaya ang naging ratings sa unang Lunes na episode ng E.A.T.? Ayon sa Overnight Data muli ng AGB NUTAM, panalo pa rin ang E.A.T. sa score nitong 6.3%.
Ang nagbago ay pangalawa na sa ranking ang Eat Bulaga!, sa 3.3%, at pangatlo na lamang ang It’s Showtime, sa 3%.
JULY 7, 2023 RATINGS
Sa ratings ng Nielsen noong July 7, panalo ang E.A.T. sa Metro Manila, habang nangunguna naman ang Eat Bulaga! sa Visayas at Mindanao.
Ang combined ratings ng It's Showtime ay pumangalawa sa Metro Manila, habang pangatlo ito sa ranking para sa Visayas at Mindanao.
Read: July 7 ratings game: 'Eat Bulaga!,' nanguna sa Visayas at Mindanao; E.A.T. panalo sa Metro Manila
Kaya kayang ituloy ng E.A.T. ang namamayagpag nitong ratings sa mga susunod na araw?
Makakahabol kaya ang iniwan nitong Eat Bulaga! sa GMA-7 o ang katunggaling It’s Showtime sa GTV?
Abangan dito sa PEP.ph ang mga susunod na ratings.