PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo addresses rumored engagement to Dominic Roque

Bea on her mom's wish: "Gusto ko na ng mapuputing apo!"
by Jerry Olea
Published Jul 10, 2023
Bea Alonzo and Dominic Roque
Bea Alonzo on her mom wanting her and Dominic Roque to settle down soon: "Siyempre kinukulit na niya ako lagi, halos araw-araw. 'Ano na, kailan ka na?! Gusto ko na ng mapuputing apo! Mga mestiso, mestisa!' Kasi siyempre, ang puti naming dalawa ni Dom, di ba?"
PHOTO/S: Jerry Olea / @dominicroque Instagram

Naba-blind item na malapit nang ikasal ang isang sikat na aktres. Kung si Bea Alonzo iyon, kailan ang kasal nila ni Dominic Roque?

"Lahat ng puntahan ko ngayon, tinatanong nila, 'Uy, totoo ba, engaged ka na?'" lahad ni Bea sa mediacon ng Battle of the Judges nitong Hulyo 9, 2023, Linggo, sa Studio 6 ng GMA Network, Quezon City.

Tampulan ng espekulasyon kung nag-propose na sa kanya si Dominic matapos nilang magbakasyon sa Amanpulo noong Hunyo.

Nag-post si Dominic ng mga litrato ng romantic dinner by the beach nila ni Bea kaya panay ang tanong ng fans nila kung hudyat na itong engaged na sila.

Patuloy ni Bea: "Sabi ko, 'Huwag niyong i-jinx! Hindi pa!' Hindi pa, hindi pa. Siyempre, pinag-uusapan na namin yan.

"Siyempre, 35 years old na ako. Talagang nasa ano na yan, nasa mga plano na yan.

"Ngayon, ang proposal, lalaki ang nagpo-pro… ay, actually hindi! That’s not true. Hindi lang pala lalaki ang nagpo-propose, may mga babae ring nagpo-propose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But in our case, tingin ko hindi ako magpo-propose sa kanya. Tingin ko, siya ang magpo-propose sa akin. Ha! Ha! Ha!"

Read: Dominic Roque hints engagement with girlfriend Bea Alonzo will happen "soon"

Hindi niya kayang mag-propose? Hindi siya ganun?

"Hindi naman. Of course I’m an empowered woman, I can do whatever I want," pagmamatuwid ni Bea.

"It’s just that Dom is the romantic type. Gusto niya, siya yung nanliligaw, siya yung nag-e-effort. At ibibigay ko sa kanya yun siyempre."

Maa-assure ba niyang marriage muna before baby sa kaso nila ni Dominic?

"Yun talaga ang ano ko, e. Ako, traditional kasi ako. Conservative pa rin ako that way,” mabining saad ni Bea.

"Walang masama na mauuna yung baby. Para sa akin, ha, I don’t judge those people. Kaya lang, para sa akin, yun lang talaga ang pinangarap ko.

"Gusto ko munang ikasal, tapos bumuo ng pamilya na kasal na kami. Kumbaga, may blessing na kami ni Lord."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bea Alonzo-Dominic Roque love story: From friends to lovers

ON HER MOM ASKING FOR "MAPUPUTING APO"

Kinukulit ba siya ng mama niya para bigyan niya ito ng apo?

"Paulit-ulit!" mabilis na pag-amin ni Bea.

"Kasi may dalawa na siyang apo sa kapatid ko. "Siyempre kinukulit na niya ako lagi, halos araw-araw. 'Ano na, kailan ka na?! Gusto ko na ng mapuputing apo! Mga mestiso, mestisa!'

"Kasi siyempre, ang puti naming dalawa ni Dom, di ba?"

Alam naman daw ng ina ni Bea na marami pa siyang commitment sa trabaho.

“Si Mama, support lang yun, e. Pero actually, nilalatag ko rin kay Dom," pagsisiwalat ni Bea.

"Siyempre nandun na kami sa point ng relationship na involved na siya pati sa professional life ko siyempre.

"Like, kinukuwento ko sa kanya. Tinatanong ko sa kanya, ‘Sa tingin mo ba, makakabuti sa career ko ito?’

"And of course yung mga advice niya matter. Talagang tini-take ko yun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"There are times na hindi ko tini-take, and that’s okay for him as long as nagkakaintindihan kami.

"But siyempre, malaking-malaking parte siya ng buhay ko, di ba?"

Isa si Bea sa apat na hurado ng Battle of the Judges. Ang tatlo pang hurado ng talent competition na ito ay sina Boy Abunda, Jose Manalo, at Atty. Annette Gozon-Valdes.

Ang host ay si Alden Richards, na nakatambal ni Bea sa Kapuso prime-time series na Start-Up PH (Setyembre-Disyembre 2022).

Ang pilot episode ng Battle of the Judges ay sa Hulyo 15, Sabado ng 7:15 p.m. sa GMA-7.

Read: Alden Richards reaffirms loyalty to TVJ, original Eat Bulaga! Dabarkads

ON BEA'S NEXT PROJECTS AND FOILED MOVIE WITH ALDEN

Naudlot ang pelikula nila ni Alden na Pinoy adaptation ng 2004 South Korean romance melodrama film na A Moment To Remember.

Joint venture sana iyon ng GMA Pictures, Viva Films at APT. Nag-back out si Bea sa nasabing movie project dahil sa dami ng pinagkakaabalahan niya sa GMA Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Alden, malabo ring magawa niya this year ang nasabing movie with a new leading lady dahil hectic din ang schedule niya.

Naka-line up na kay Bea ang dalawang bagong movie project na ididirek ni Erik Matti.

"Both are different genres. Hindi ko pa ma-share sa inyo kung ano, but very exciting projects," sabi ni Bea.

"I think now, he’s focusing muna on doing BuyBust 2. And then after nun, kami na yata."

Inusisa rin si Bea kung puwede siyang mag-cameo sa seryeng Call My Manager! na idinidirek din ni Erik Matti, pero hindi siya puwede dahil may taping siya.

Meron pa silang Kapuso drama series ni Dennis Trillo, iyong Love Before Sunrise.

Kaya hindi na siya makakatanggap ng iba pang movie project?

"Ang priority ko talaga ay mga project ko sa GMA because I have a contract to fulfill," pagmamatuwid ni Bea.

"So, talagang mauuna sa schedule parati ang GMA. Because nga as I’ve said, meron akong obligations sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But I have two movies and may mga nagpi-pitch naman, awa ng Diyos. Madami namang lumalapit, thank God.

"Kasi marami na rin pong platforms. Like there’s Netflix, there’s Prime, there’s HBO, there’s Viu na maraming content na pini-pitch sa aming mga artista.

"That’s good for the industry actually."

Read: What is Ricci Rivero’s reaction to Andrea Brillantes claiming that he cheated on her?

REUNION WITH JOHN LLOYD?

Sa dami ng ginagawa ni Bea, matatagalan pa ang reunion movie nila ni John Lloyd Cruz na inaasam ng masusugid na tagasubaybay ng kanilang tandem. Not in the near future!

"Oo nga, e. Tanungin mo na lang si John Lloyd," natatawang pag-ayon ni Bea.

"Siya ang mas makakasagot niyan. I think mas siya ang makakasagot niyan kaysa sa akin.

"Marami na, marami nang actually na-offer sa amin. Kaya lang, ahhhmm, siyempre pareho kaming may say, e.

"Even if I say ‘yes’ to doing it, if he doesn’t like to do that specific project, hindi siya matutuloy. So, dapat siya ang tanungin nyo. Ha! Ha! Ha!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

So it all boils down to the project pa rin talaga?

Napatango si Bea, "Yes, yes! Of course he has things that he wants to do. Marami siyang ideas.

"Na siguro because matagal na kaming hindi nagkakasama sa isang project, baka magkaiba na yung idea namin on what to do.

"Pero I’m sure, one day, magmi-meet din yung ideas namin at yung mga minds namin. After all, we’re very good friends.

"In fact, pumunta pa nga yun nung Larawan, nung nag-perform ako sa teatro. Hindi ko inaasahan.

“So, at the end of the day, kaibigan ko si John Lloyd. So magka-project man kami o hindi, mahal ko si John Lloyd.”

Read: Awra Briguela bar brawl incident: A timeline

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo on her mom wanting her and Dominic Roque to settle down soon: "Siyempre kinukulit na niya ako lagi, halos araw-araw. 'Ano na, kailan ka na?! Gusto ko na ng mapuputing apo! Mga mestiso, mestisa!' Kasi siyempre, ang puti naming dalawa ni Dom, di ba?"
PHOTO/S: Jerry Olea / @dominicroque Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results