PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruby Rodriguez reunites with Jose Manalo in the U.S.

Ruby to Jose: "Miss u brad..."
by Nikko Tuazon
Published Jul 8, 2023
Ruby Rodriguez
On Friday, July 7, 2023, Ruby Rodriguez takes to Instagram a photo of her reunion with Jose Manalo. Jose paid Ruby a visit at her office in the Philippine consulate in California, U.S.
PHOTO/S: @rodriguezruby on Instagram

Ikinatuwa ng fans ng Legit Dabarkads ang muling pagkikita nina Jose Manalo at Ruby Rodriguez.

Nitong Biyernes, July 7, 2023, ibinahagi ni Ruby sa kanyang Instagram account ang kanilang litrato na magkakasama.

Base sa background ng litrato, binisita ni Jose si Ruby sa sa Philippine consulate sa California kung saan nagtatrabaho ang huli.

Sa caption, excited na ibinahagi ni Ruby (published as is), "Look who visited me! My buddy legit dabarkads Jose Manalo. Miss u brad [heart emoji] lalo na sa pasalu para sa mga bagets!!!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section, ramdam ang excitement ng netizens at maging ng celebrity friends nina Ruby at Jose sa kanilang muling pagkikita.

Mahigit dalawang taon na ring nakabase sa California, U.S. si Ruby kasama ang kanyang pamilya.

Isa na nga rito si Paolo Ballesteros na miss na rin si Ruby. Comment nito, "Awww misshoo labyuuu."

Umulan naman ng heart emojis sa comments section na iniwan nina Danica Sotto-Pingris, Pauleen Luna-Sotto, Cindy Kurleto, at Cheche Tolentino.

Jose Manalo, Ruby Rodriguez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jose Manalo, Ruby Rodriguez

Ang ibang netizens naman, hiling na umuwi na rin ng Pilipinas si Ruby, maging si Jimmy Santos, at sumama sa Legit Dabarkads bilang hosts ng TV5 noon time show na E.A.T.

Jose Manalo, Ruby Rodriguez

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Jose Manalo, Ruby Rodriguez

Nitong July 1, 2023, ipinalabas ang pilot episode ng E.A.T. sa TV5, na pinangunahan nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon. Ito ay matapos mag-resign ng tatlo mula sa TAPE Inc., ang producer longest-running noon time show na Eat Bulaga!, noong May 31, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: First day of 'E.A.T.' on TV5: a warm mix of old and new tricks, laughs, tears, and hugs

Kasama rin ng TVJ sa kanilang bagong show sina Paolo Ballesteros, Jose Manalo, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, Wally Bayola, Ryan Agoncillo and Allan K.

Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline

RUBY'S EXIT FROM EAT BULAGA!

Matatandaang naging kontrobersyal ang biglaang pag-alis ni Ruby sa Eat Bulaga! matapos ang mahigit tatlong dekada nito sa show.

Read: Ruby Rodriguez opens up about her Eat Bulaga exit

Hindi na nakitang muli si Ruby sa show nang magsimulang itong bumalik mag-live noong June 2020 matapos ang pagpapalabas ng mga replay dahil sa pandemya.

Nang tanungin kung bakit siya umalis sa Eat Bulaga!, ang standard na sagot ni Ruby, "Pakiusap, tanungin ninyo sila."

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ruby noong May 2021, sinabi ni Ruby na may balak na talaga itong mag-file ng leave of absence sa Eat Bulaga! bago pa mag-pandemya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay upang samahan ang anak niyang lalake na si Don AJ na magpagaling sa U.S. Ayon kay Ruby, ang kanyang anak ay may "very rare autoimmune disease."

Nagpaalam si Ruby sa dating president at CEO ng TAPE Inc. na si Tony Tuviera, na mas kilala bilang Mr. T, para sa kanyang naging desisyon. Sabi pa nito sa kanya, "You will always have a home here in Eat Bulaga!"

Read: Ruby Rodriguez reveals son's rare condition made her decide to live in the U.S.

Ayon kay Ruby, hindi nito pormal na na-file ang kanyang leave of absence nang dahil sa pandemya.

Kaya raw ikinagulat na lang din niya na hindi siya kasama sa cast members na pinabalik nang muling mag-live ang Eat Bulaga! sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.

Ang huling proyektong ginawa nito sa bansa ay ang GMA-7 series na Owe My Love na pinagbidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos ang lock-in taping ng show noong March 2021, lumipad na patungong Amerika si Ruby kasama ang asawang si Mark Aquino at ang kanilang dalawang anak na sina Toni at Don AJ.

READ MORE:

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Friday, July 7, 2023, Ruby Rodriguez takes to Instagram a photo of her reunion with Jose Manalo. Jose paid Ruby a visit at her office in the Philippine consulate in California, U.S.
PHOTO/S: @rodriguezruby on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results