“Totoo ba ‘to?”
Ganito raw ang pakiramdam ng former Star Patroller na si Marie Lozano kaugnay ng pagpanaw ng ABS-CBN veteran showbiz reporter na si Mario Dumaual, 64.
Si Mario ang mentor ni Marie pagdating sa pagiging entertainment reporter.
Pumanaw si Mario dahil sa septic shock noong July 5, 2023.
Pero bago iyon, sumailalim muna siya sa angioplasty dahil sa heart attack.
Habang nagpapagaling, nagkaroon siya ng infection, kaya nanatili sa ospital sa loob ng isang buwan.
Bukod kay Marie, kabilang sa Star Patrollers—tinawag din bilang Mario’s Angels—sina Niña Corpuz, Gretchen Fullido, Ginger Conejero, at Ganiel Krishnan.
Si Marie ay retirado na bilang Star Patroller pero dumating siya sa burol ni Mario sa Loyola Memorial Chapel sa Commonwealth, Quezon City, July 7, 2023.
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nagkuwento siya tungkol sa maraming taong pagsasama nila ni Mario bilang magkatrabaho.
MARIE ON MARIO: “NEVER YAN NAGKASAKIT”
“He's a big loss… hindi ako makapaniwala just like everybody else here, like all of us,” pahayag ni Marie ukol sa pagkamatay ng mentor.
“I think the feeling that everyone feels is, ‘Totoo ba ‘to?’”
Ibinahagi ni Marie kung bakit nahihirapan siyang tanggapin ito.
“Kasi the time that I worked with Mario for over 15 years, never yan nagkasakit. Never, like [nag-] sick leave…
“Siguro pag pinagsama-sama mo yung sick leave, aabutin ang taon.
“Kasi hindi niya ginagamit. He was always so strong. Ang lakas-lakas niya.
Malinaw na nais tumbukin ni Marie ang sipat at dedikasyon sa trabaho si Mario.
“Kaya naman nabalitaan ko pa na, ‘A, heart attack daw.’
“Sabi ko, ‘Ay, gigising yan. Wala yan.’ Because Mario's very strong...
“I'm still in denial…” sabi ni Marie.
Read: Celebrities mourn passing of ABS-CBN entertainment reporter Mario Dumaual
SEEING MARIO FOR THE LAST TIME
Nabanggit ni Marie na 2019 nang magretiro siya bilang ABS-CBN entertainment reporter matapos ang dalawang dekada sa ABS-CBN News.
Ang huling kita raw nila ni Mario ay February 2020, isang buwan bago nag-lockdown dahil sa pandemic.
Pinagtuunan ni Marie ang kanyang pribadong buhay.
Pero ang nasa isip ni Marie ay magkikita silang muli ni Mario pagkatapos ng pandemic.
Nakalulungkot na sa muli nilang pagkikita ay wala na ang kanyang mentor.
“Kaya hindi ako makapaniwala kasi sa isip ko, mag-uusap pa kami, magkikita pa kami.
“Everybody took a standstill during lockdown, during pandemic, and then kikita-kita ulit tayo.
“Like, we're all seeing each other now. Parang ginawa niya nga itong, ano e, chance for everybody [to meet].”
LESSONS MARIE LEARNED FROM MARIO AS A REPORTER
Usisa namin kay Marie, gaano kalaki ang impact ni Mario sa kanya pagdating sa profession niya?
“Everything I know in entertainment was taught by Mario,” sagot ni Marie.
Una raw rito ang pakikisama.
“When I started, ipinakilala niya ako sa lahat. Kila Lhar [Santiago], sa lahat ng reporters sa kabilang channel, sa writers… Lahat ng mga parang haligi ng industriya.
“He taught me respect first before learning how to do the stories. Kasi kailangan may appreciation ka sa entertainment.
“Kasi nung pagpasok ko, ‘Ah, entertainment, okay.’ Minamaliit tayo, e.
“Pero he had this way of giving value and saying, ‘Ito ay isa sa pinakamahirap.’
“Which is true. People don't realize that it's one of the hardest stories, or hardest beats because you're doing stories on people's lives also.
“And sometimes they don't want to talk to you. And you have to ask the question, the hard question.”
Bilang isang batikan sa industriya, may kakayahan daw si Mario na tanungin ang mahihirap na tanong sa mga artista.
Ani Marie, “He asks for permission. He also has their confidence, e.
“So, pag nagtanong na siya or pag may pinagdadaanan, they open up to Mario.
“Tinuro niya yun. And I wouldn't have done that. I would've been a young reporter just blatantly asking questions without processing na, ‘Ay, kailangan ng respeto.’
“You've seen big celebrities hold on to him. We've seen like, the big celebrities, pag may kontrobersiya nakahawak kay Mario, pag pupunta sa coverage.
“Pagdating natin, lahat tayo naghahabol. Siya, hakahawak sila kay Mario.”
Dahil isang batikang reporter, alam daw ni Mario kung paano ibato ang mahihirap na tanong sa mga artista.
“Respect, the confidence that they have, you know, parang the way they know that he will take care of their story,” paliwanag ni Marie.
