Maraming ipinagpapasalamat ang Kapamilya actress na si Kim Chiu lalo't sunud-sunod ang dating ng proyekto sa kanya ngayong 2023.
Read: Kim Chiu: Reinvented
Bukod sa regular hosting stint sa noontime show na It's Showtime, napapanood din si Kim sa Prime Video series na Fit Check: Confessions of An Ukay Queen.
Bibida rin si Kim sa Kapamilya prime-time series na Linlang kasama sina Paulo Avelino, JM de Guzman, at Maricel Soriano. Nakatakda itong ipalabas ngayon ding taon.
Nitong nakaraang July 3, 2023, inilunsad naman si Kim bilang brand ambassador ng Spicy Chao Fan ng Chowking.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press, ipinahayag ni Kim ang pasasalamat sa lahat ng blessings na kanyang natanggap ngayong taon.
Aniya, "This year, I can say that this year is a blessed year for me. Ang daming nangyayari in the past two years during the pandemic.
"And ngayon, with mga offer, I'm just thankful that they're giving their trust sa akin sa mga big projects na mga ganito."
At dahil maganda ang takbo ng kanyang career, hindi naman naiwasang matanong si Kim tungkol sa estado kanyang buhay pag-ibig.
Nang tanungin kung handa na ba siyang mag-level up kung sakali sa kanilang relasyon ng boyfriend na si Xian Lim, sagot ni Kim, "Darating tayo diyan. Sabi ko nga, time management is the key...
"So, parang let's do it in one day at a time, right time, right place."
KIM CHIU: ONE DAY AT A TIME
Ganito rin ang paniniwala ni Kim kapag tinatanong kung ano ang nakikita niya para sa kanyang sarili sa loob ng tatlong taon.
Base na rin sa kanyang mga karanasan, maraming nangyari na hindi niya inaasahan nitong mga nakaraang taon.
"Parang ako naman, I don't really think advance nang super kasi parang baka ma-fail ko lang yung expectation ko on what I will be in the next three years.
"Ako, I take it day by day, slowly lang. Kasi sa dami ng nangyayari ngayon, hindi natin alam."
Isa na nga rito ang pag-ere ng It's Showtime sa GTV, na affiliate network ng GMA-7.
Pagbabahagi ni Kim, "Nasa GTV na nga It's Showtime, hindi natin... walang nakapagsabi noon three years ago.
"So, parang ano lang, I'm just enjoying whatever is happening right now. And I'm just very thankful and one day at a time, that's more important."
Read: Jhong Hilario, Kim Chiu salute GMA-7 for giving 'It's Showtime' a new home
Masaya si Kim sa pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at GMA-7 para sa It's Showtime. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala sa partnership ng dating rival networks.
Aniya, "Yes, lalo na nung Saturday, yung nangyayari na may mga Kapuso stars sa Showtime stage, it felt really surreal or parang unreal na, 'Nangyayari ba talaga ito?' But it is happening."
At dahil may tyansa na siyang may makatrabahong Kapuso leading men, sino naman kaya ang nais nitong makatambal?
Sabi ni Kim, "Andun na si Xian e, siguro magkikita na kami!"
Bukod kay Xian?
Sagot ni Kim, "Kahit sino naman, basta maganda yung project niya. Thank you."
READ:
- Jake Ejercito on Kim Chiu: "Kahit tulog ka, gigisingin ka niya para chikahin ka."
- Kim Chiu now building owner in Cagayan de Oro recalls time when "walang-wala talaga kami"
- Kim Chiu admits It's Showtime never competed with Eat Bulaga!: "Di naman sila kalaban."
- Kim Chiu unveils new family home: "Fruit of labor."
