Walang mapagsidlan ang saya at pasasalamat ng veteran award-winning journalist na si Korina Sanchez sa muli niyang pagbabalik sa kanyang home network, ang ABS-CBN.
Nitong Miyerkules, July 5, 2023, ay pumirma ng kontrata si Korina kasama ang ABS-CBN executives para sa pag-ere ng kanyang news magazine and lifestyle show na Rated Korina—na dating co-produced ng Brightlight Productions.
Ang Brightlight Productions ay production company na pagmamay-ari ni Bacolod City Mayor Albee Benitez.
Sa Instagram nitong Huwebes, July 6, ibinahagi ni Korina ang ilang larawan at video na kuha sa naganap na contract signing. Kasama niya rito sina ABS-CBN Chairman Mark Lopez, ABS-CBN President-CEO Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes, OIC of Finance Group Vincent Paul Piedad, at Global Resource Creative Exchange president and talent manager Girlie Rodis.
Kalakip nito ang kanyang pasasalamat at mensahe sa muli niyang pagbabalik sa Kapamilya Network.
Mababasa sa caption ni Korina (published as is), “And, just like that, Im baaaack. Well, I never really left.
“Rated Korina had always aired still on the ABSCBN platforms the past years, thanks to Brightlight Productions and Mr. Albee Benitez.
"Now, as a balikbayan, I come in as a partner with my ABSCBN family who I grew up with via the co-production of Rated Korina.
"The baby is now a lady, hahaha!"
Inisa-isa ring pinasalamatan ni Korina ang ABS-CBN bosses sa naging mainit nilang pagtanggap sa kanya.
Mensahe niya, "Heartwarming, sincere hugs from my family here: Chairman Mark Lopez, Pres & CEO Carlo Katigbak and COO and Broadcast Head Cory Vidanes and OIC of Finance Group Vincent Paul Piedad. THANK YOU.
"You can take the girl out of ABSCBN. But you cant take that ABSCBN training out of the girl.
"And this is the experience I hopefully bring to my other broadcast homes and make a contribution as best I can, while I can, in whatever ways made possible to me."
Dagdag pa ni Korina, "The “welcome back home” is still in my ear, and my heart."
Samantala, sa comments section ng kanyang post ay bumuhos ang congratulatory message galing sa fans, colleagues, at malalapit na kaibigang celebrities.
Kabilang sa nagpaabot ng pagbati kay Korina ang kapwa niya journalists na sina Karen Davila at Dyan Castillejo.
Mensahe ni Karen, "Wooohooo! You never left K! You are forever etched in the history of ABS!'
Read: Korina Sanchez on "rivalry" with Karen Davila: "Naunahan ng intriga."
Komento naman ni Dyan, "Awesome Korina ! The best."
Maging ang Kapamilya actresses na sina Sylvia Sanchez at Lorna Tolentino ay hindi pinalagpas na batiin si Korina.
Saad ni Sylvia, “Congratulations [claps signs emoji] Iba ka naman kasi talaga.”
Sabi naman ni Lorna, "Congratulations [red heart emoji]."
Read: Korina Sanchez to Karen Davila: "Bakit sa tingin mo pinag-aaway nila tayo?"
KORINA'S ABS-CBN SHOWS
Hindi maikakailang malaking bahagi sa buhay at karera ni Korina ang ABS-CBN, na naging tahanan niya sa loob ng 33 taon (1986-2020), bago niyo ito tuluyang lisanin noong September 2020.
Read: Korina Sanchez officially bids goodbye to ABS-CBN: “Hanggang sa muling pagkikita.”
Ito'y dahil sa pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) at sa hindi pagbibigay ng Kongreso ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN.
Bunsod ng kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN, libu-libong talents at empleyado ang kinailangang pakawalan. Isa si Korina sa mga na-retrench na talent ng network.
Ilan sa mga tumatak na programa ni Korina sa ABS-CBN ay ang Hoy Gising! (1992-1997), Balitang K (1996-2001), Bandila (2006-2009), The World Tonight (1987-1995), TV Patrol (1995-1996, 2001-2004, 2010-2015), Morning Girls with Kris and Korina (2003-2004), at Rated K (2004-2020).
Bukod sa Rated Korina, may dalawa pang talk show ang beteranang broadcast journalist, ito ay ang Korina Interviews, na umeere sa Net25, at TikTalks, sa OnePH.
READ MORE:
- Korina Sanchez, may bagong show sa OnePH
- Korina Sanchez enjoying shift from hard news to light talk shows
- 'Rosalinda' star Fernando Carrillo balik-Pinas; inalala ang date nila ni Korina Sanchez
- Kakai Bautista, di makapaniwalang kinuhang co-host ni Korina Sanchez
- Korina Sanchez on bashers: "Pag ang kausap mo ang mga walanghiya, kailangan medyo walanghiya ka rin!"
