Umalma ang isang Pinay resident sa Taiwan matapos ma-offload ang kanyang pinsan sa airport sa Pilipinas.
Papupuntahin sana ni Ammie Liau ang kanyang pinsan sa Taiwan para mamasyal, pero naunsiyami ito dahil sa aberya sa Bureau of Immigration (BI), na nag-require ng birth certificates ng mga ninuno.
Read: Pasahero naiwan sa flight dahil sa matagal na interview ng immigration officer
Sa report ni Karen Villanda ng Ulat Bayan ng PTV4, ipina-rebook ni Ammie ang flight from June 29, 2023 to July 1.
Pero pagsapit ng araw ng flight, hinanapan umano ng immigration officer (IO) ng ten birth certificates ng kanilang mga ninuno.
Si Ammie kasi at ang pinsan nito ay seventh-degree relatives.
Lahad ni Ammie sa ulat ng PTV, “Kasi sabi niya [IO], ‘Ay, pag ganyan, ma’am,’ sabi niya, ‘nasa mga fifth or seventh degree na kayo ng pinsan mo, so kailangan mo ito... magdala ng sangkatutak na, sampung birth certificate ng mga tao sa mga kanunuan niyo.’
"Yung parang ma-prove na paanong connections namin, so do I need to do this research? Sampung birth certificate, pipilahin ko iyan sa PSA [Philippine Statistics Authority]?
“Siyempre, kumbaga, saan tayo hahanap ng ano… patay na mga lola, lolo natin…
“Anong assurance nila pag ma-provide ko yun?
“More or less, by the next time, meron na naman silang hihingin na iba [requirements].”
Sa huli ay hindi nakaalis ang pinsan ni Ammie, at nasayang ang PHP17,000 na cost ng ticket.

Inilahad ng Taiwan-based na si Ammie Liau ang sinapit ng kanyang pinsang na-offload dahil hinanapan ng immigration officer ng birth certificates ng kanilang mga ninuno.
Panawagan ni Ammie, sana raw ay maging malinaw ang BI pagdating sa kanilang mga requirements lalo pa't hindi biro ang presyo ng pamasahe.
Ani Ammie, “Gusto ko they will come up with the implementations, proper guidelines talaga.
“Gaya ng ginagawa dito [Taiwan], may proper guidelines.
“Wala nang aangal sa mga pasahero kasi kasalanan mo pag di mo nadala.”
Read: Bureau of Immigration clarifies issue about bringing yearbook, diploma of departing passengers
BUREAU OF IMMIGRATION REACTS
Nag-react naman dito ang BI, na paiimbestigahan ang pangyayari dahil ang mga hinanap ng dokumento ng IO ay hindi parte ng normal na proseso.
Sabi ni BI spokesperson na si Dana Sandoval, “This might not be the normal [process] po, and we would have to check po with siguro the actual case ng taong ito to verify po itong story na ito, kung ano po yung naging actual assessment sa kanya, ng ating mga IO…
“And ano po talaga ang mga ibinigay sa kanya na requirements.”
Sinabi rin ni Sandoval na malayang maghain ng reklamo ang mga pasahero kung sa tingin nila ay hindi tama ang inquiry sa kanila ng IO.
Sabi ni Sandoval, “We have our Board of Discipline naman and we elevate that to the Department of Justice [DOJ]. And if nakita po ng DOJ na meron pong pagkakamali yung IO, and appropriate sanctions are being given.”
Paliwanag ng BI, hindi raw sila naghihigpit sa mga pasahero, lalo na sa mga first-time travelers.
Istrikto raw sila sa mga nakikitaan nila ng red flags dahil sa mga previous cases ng human trafficking.
Samantala, bago ang isyung ito, ilang mga pasahero na ang naglabas ng kanilang “horror stories” about immigration officers. Karamihan sa kanila ay na-offload.
Read: Passengers’ horror stories with immigration officers at NAIA
Kabilang na rito ang isyu ni Cham Tanteras, na hinanapan ng yearbook ng immigration officer, pero sa huli ay hindi pa rin nakasakay sa eroplano.
Isa pang pasahero ang hindi umabot sa flight dahil sa sobrang tagal na pagtatanong sa kanya ng immigration officer.
Ang masaklap: Hindi nire-refund ng BI ang mga ibabayad ng mga na-offload na pasahero para sa rebooking ng kanilang plane tickets.
Ang ikinakatuwiran naman ng BI: ang paghihigpit nila ay bahagi ng kampanya laban sa mga kaso ng human trafficking o naloloko ng illegal recruiters.
