PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carla Abellana Open to It's Showtime Invite

Carla Abellana gives update on her new series with Gabby and Beauty.
by Melba R. Llanera
Published Jul 7, 2023
Carla Abellana on It's Showtime
Carla Abellana on collab between GMA-7 and ABS-CBN: "I'm looking forward na makakita pa ako ng mga Kapamilya stars around the studios, or kahit sa mga events of GMA why not?"
PHOTO/S: @carlaangeline Instagram

Isa si Carla Abellana sa mga artista ng Kapuso Network na bukas mag-guest sa It's Showtime kung mabibigyan siya ng pagkakataon.

Ang kilalang noontime show ng ABS-CBN ay nagsimulang umere sa GTV, subsidiary ng GMA-7, noong July 1, 2023.

Hindi na-renew ang blocktime agreement ng It's Showtime sa TV5, dahil ibinigay ang timeslot sa E.A.T., ang bagong noontime show na pinangungunahan nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline

"Kung papayagan or kung mai-invite ako dun, why not? Puwede akong mag-guest co-host, or manood lang, mag-visit lang.

"I'm looking forward na makakita pa ako ng mga Kapamilya stars around the studios, or kahit sa mga events of GMA why not?"

Ikinatuwa ni Carla ang mga nangyayaring collaboration sa pagitan ng ABS-CBN at GMA-7, na noo'y imposibleng mangyari dahil sa network war.

"Nakakatuwa yung mga announcements na ginagawa nila. Oh my god, parang nakakapanibago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It's very suprising, but it's also very refreshing na it's something na di natin ine-expect na mangyayari pero nakakatuwa."

Kung may pagkakataon, sino sa mga Kapamilya actors ang gusto niyang makasama sa isang proyekto?

"Kahit sino," sagot ni Carla. "Sabi ko nga. siguro nakakapanibago pag nakita mo sila around the studio."

Read: Carla Abellana: "Ayoko nang mag-asawa. Pero..."

Ilan sa mga Kapuso stars na nag-guest at tumungtong sa ABS-CBN compound para sa It's Showtime noong July 1 ay sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, Rayver Cruz, at Rodjun Cruz.

Si Vice naman ay bumisita sa GMA-7 compound via chopper ride para sa pasabog na opening number ng show.

CARLA ABELLANA ON WORKING WITH GABBY AND BEAUTY

Isa sa mga nakapilang teleserye ni Carla sa GMA-7 ay ang The Stolen Life kasama sina Gabby Concepcion at Beauty Gonzales.

"Patapos na kami sa aming teleserye, The Stolen Life, sa GMA. Di ko alam kung lalabas sa afternoon prime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We-ve been taping since January. Yung airing di ako sure kung kailan kami eere, but very soon yan in GMA Afternoon Prime."

Paglalarawan ni Carla sa working relationship niya kina Gabby at Beauty: "Secomd time ko nang makatrabaho si Gabby, it's always a joy.

"Ang ganda ng pinagsamahan namin sa unang teleserye namin, Because Of You. Masayahin siyang tao, easygoing, di siya mahirap katrabaho, and nakakatuwa.

"Si Beauty naman, it's my first time working with her. Love ko siya, para kaming partners talaga, pareho kasi kaming Geminis.

"We have a lot in common, we relate with each other. She's very giving as a co-actor.. I love her energy. I love working with her."

Kung bida at mabait sa ibang mga serye na nagawa na niya, ibinalita ni Carla na kakaiba ang role niya sa The Stolen Life.

"Kasi ano Stolen Life, so may astral projection yung theme ng teleserye, so pareho kami ni Beauty na nag-dalawa yung role.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pareho kaming nagiging good, nagiging bad, kasi yung mga souls namin lumilipat sa katawan ng isa't isa.

"Medyo mahirap siya kasi ngayon pa lang ako magpe-play ng role na dalawa."

Aminado si Carla na na-challenge siya sa pagganap ng dual role.

"Hindi ako nag-enjoy. Ang hirap-hirap niya. Pero kumbaga, yung enjoyment, yung fulfillment, it's more of after na lang, tapos na, nagawa ko yun, naitawid ko yun.

"Pero di talaga siya masaya. Para kaming mga baliw na yung utak namin sini-switch , 'O, mabait ka dito, o kontrabida ka dito.'

"Mahirap na mentallynagswi-switch, di siya masaya, mahirap siya."

Read: Jake Ejercito on Kim Chiu: "Kahit tulog ka, gigisingin ka niya para chikahin ka."

OTHER UPCOMING PROJECTS

Sisimulan din ng Kapuso actress ang isa pa uling panibagong serye at isang pelikula na maaari raw isali sa Metro Manila Film Festival 2023.

"Mayroon nang naka-line up na panibagong teleserye, napag-usapan na siya, nabasa ko na yung magiging role ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ayoko munang maudlot or what, but hopefully by the end of the year, possible yun na may bago nang project.

"Tapos may movie offer for MMFF. Pag naayos yun, para this year yun."

Read: Faye Lorenzo, iniyakan ang pagkakatanggal sa 'Bubble Gang'

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carla Abellana on collab between GMA-7 and ABS-CBN: "I'm looking forward na makakita pa ako ng mga Kapamilya stars around the studios, or kahit sa mga events of GMA why not?"
PHOTO/S: @carlaangeline Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results