Kasalukuyang napapanood si Joshua Garcia, 25, sa prime-time series na Unbreak My Heart na umeere sa GMA-7.
Ang Unbreak My Heart—na pinagbibidahan nina Joshua, Jodi Sta. Maria, Richard Yap, at Gabbi Garcia—ang unang proyekto na nag-collaborate ang ABS-CBN at GMA-7, kasama ang Viu.
Si GMA-7 Chairman and President Felipe L. Gozon ay nagkomento pang hudyat ito na "TV war is finally over."
Para kay Joshua, napakalaking tulong ito para sa entertainment industry, dahil nangangahulugan din itong mas maraming trabaho para sa lahat.
"Ako ay naniniwala na okay, kami nga ang nagsimula, I'm pretty sure... Like, for example itong It's Showtime with GTV.
"Nakakatuwa kasi itong opportunity na ito, itong nangyari na ito, itong collaboration, hindi lang ito makakatulong para sa amin kundi para sa iba pa nating kapatid sa industriya.
"Kami naman, lahat kami, same goal lang kami, and that's to entertain people. Nakakatuwa na nagko-collaborate na ang lahat," saad niya.
Labis ang pasasalamat ni Joshua sa magagandang feedback at mainit na pagtanggap ng mga manonood sa Unbreak My Heart.
"Actually, halos patapos na rin kaming mag-taping ngayong July. Malaking pasasalamat talaga sa mga taong sumusuporta.
"Sa lahat ng mga nagtu-tweet, kasi importante din sa amin yun. Thank you sa lahat."
Read: Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia, intense ang mga eksena sa 'Unbreak My Heart'
ON REUNION PROJECT WITH JANELLA SALVADOR
Masaya si Joshua na tuluy-tuloy ang trabaho niya sa kabila ng pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN.
"Masaya ako kasi hindi lang ako naambunan nito kundi pati pamilya ko. Itong mga trabaho na dumarating sa akin," sabi ng Kapamilya actor.
Kumpirmadong isang serye ang muling pagtatambalan nina Joshua at Janella Salvador sa Kapamilya Network.
Tiyak na ikatutuwa ito ng JoshNella o Joshua at Janella fans.
Huling nagkatrabaho ang dalawa sa fantaseryeng Darna (August 2022-February 2023), kung saan ang Kapamilya actress ang gumanap sa karakter ni Valentina, na main kontrabida sa istorya. Hindi nagkatuluyan ang roles nila sa serye.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinahagi ni Joshua na excited siya sa muling pagtatambal nila ni Janella, lalo't balitang sa ibang bansa kukunanan ang marami nitong mga eksena.
"Hindi ko alam kung puwede kong sabihin, but of course masaya, kinonfirm ko na, na may project kami.
"Masaya ako, I'm excited kasi iba ito sa mga nagawa na namin."
Pumatok ang tambalang JoshNella sa defunct Kapamilya prime-time series na The Killer Bride, na umere mula August 2019-January 2020.
Mas mature na ang tema ng napipinto nilang balik-tambalan?
Sagot ni Joshua, "Yes. Maganda itong proyekto na gagawin namin, it's a collaboration din. At para mag-shoot kami sa abroad, malaking bagay yun. Ibang-ibang timpla kumpara sa Darna."
Read: Vice Ganda bonds with Kapuso stars Mavy Legaspi, Kyline Alcantara, Ken Chan, Rodjun and Rayver Cruz
ON CO-INVESTING IN A MUSIC SCHOOL WITH ENCHONG DEE
Isa si Joshua sa shareholders sa Academy of Rock (AOR), kasama ang kapwa artista na si Enchong Dee.
Sa speech ni Joshua sa opening ng Rock The Word, A Charity Concert ay nabanggit nitong parang mga anak na niya ang mga estudyante sa music school nila ni Enchong.
Ayon sa aktor, dito niya napatunayang "worth it" na mag-invest sa AOR.
"Oo, ganun yung pakiramdam, di kasi ako naging ganun ka-active sa AOR kasi nga na-busy ako sa Unbreak My Heart.
"And this is the first time na makanood ako ng recital na ganito. Natutuwa ako. Sabi ko, parang ito na yung gusto kong pagkakaabalahan ko sa mga susunod na araw.
"Hindi mo masabi [baka] may ma-discover ka dito na isang star din, at the same time nakakatuwa na nakakatulong ka sa pag-explore ng mga bata.
"Alam naman natin na kailangan na ma-experience ng mga bata halos lahat para makapili sila kung ano ang gusto nila, kung anong talent."
Proud na proud si Joshua sa ipinamalas na talento na napanood sa charity concert na ito.
"Tulad ng sinabi ko kanina, nakakatuwa at nakakalambot ng puso na makakita ng mga kabataan, and I'm sure marami ang mai-inspire dito.
"And sana yung mga magulang, patuloy nilang i-encourage yung mga anak nila na mag-try ng iba't ibang, alam mo yun, para makapag-explore sila. Itong event na ito is a charity event at the same time it's a recital."
Pumasok sa showbiz sa edad na 15, na-discover si Joshua nang sumali sa Pinoy Big Brother: All In noong 2014.
Nanghihinayang si Joshua na walang katulad ng Academy of Rock na mas nakatulong daw sanang huminang sa talento niya nung bata pa siya.
"Yun nga, nung bata ako wala akong ganito, wala akong instrument, walang nagtuturo sa akin. With AOR, natutulungan namin ang mga bata."
Magbubukas din kaya ang Academy of Rock ng scholarships sa mga kabataang kapos sa pinansiyal na aspeto, pero kinakikitaan naman ng talento at potensyal?
"Yun, pag-uusapan namin kasi parang kanina lang pumasok sa isip namin," sagot ni Joshua.
Read: Joshua Garcia's Palawan beach photos send fans into a tizzy
