PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mimiyuuuh clarifies statement on dating someone "na walang pera"

"Sige, mag-date ka ng mga broke na tao.."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 5, 2023
Mimiyuuuh clarifies statement on dating someone "na walang pera."
Social media personality Mimiyuuuh is standing by her advice to singles not to date someone who is broke: "Mag-date kayo ng someone na may drive. Mag-date kayo ng someone na kayang dalhin ang sarili. Yung hindi mangungutang at aasa sa inyo. Yun lang po yon, period."
PHOTO/S: Screengrab @Mimiyuuuh Facebook

Nanindigan ang social media influencer na si Mimiyuuuh na walang mali sa naging pahayag niya kamakailan tungkol sa "never date someone na walang pera."

Ito'y matapos siyang batikusin ng netizens sa ibinigay niyang life and love advice sa mga nais makipagrelasyon.

Nag-ugat ang lahat ng ito sa naging panayam ni Mimiyuuuh sa Cosmo nitong Lunes, July 3, 2023, kung saan binigyan niya ng payo ang isang di kilalang sender na may iniindang problema pagdating sa dating karelasyon.

Saad ng sender, "My ex and I broke up two months ago. May utang siya sa akin na malaki, and hindi ko alam kung paano siya sisingilin. Dapat sana magkusa siya since alam naman niya na dapat niya akong bayaran. Ilang beses ko na siya na-message pero puro excuses lang. Paano ba to?”

Read: How Mimiyuuuh, Megan Young overcome insecurity about their teeth

Payo ng kilalang YouTuber, bago pumasok sa isang relasyon ay dapat maging handa ka financially.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Unang-una, bakit naman ho kasi kayo magdyo-jowa ng walang pera? Diyan ka nagkamali, e, nag-jowa ka ng walang pera.

“Iyan ang aking lesson learned, never ever date someone na walang pera.

“Hindi ko naman sinasabi na it really matters. Dapat kasi stable ka muna sa sarili mo bago ka magdagdag ng tao sa buhay mo.

“I think dapat talaga siyang magkusa. And yon nga, kung wala talagang way para mabayaran ka, I think take it na lang as a consequence kasi nga nag-date ka ng walang pera.

“So, next time, huwag ka na lang mag-date ng walang pera.”

Read: Mimiyuuuh's next goal: "Ma-experience ng parents ko na makapag-eroplano!"

Ang pahayag na ito ni Mimiyuuuh ay kumalap ng iba't ibang reaksiyon mula sa mga netizen. Karamihan sa kanila ay hindi sang-ayon sa naging pahayag ng social media influencer.

Ayon sa kanila, hindi basehan ang pera o antas ng pamumuhay pagdating sa pakikipagrelasyon at pag-ibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MIMIYUUUH REACTS TO NETIZENS' REACTION

Sa pamamagitan ng isang video ngayong araw, July 5, 2023, nilinaw ni Mimiyuuuh ang umano'y maling interpretasyon ng tao sa mga sinabi niya.

Aniya, "Yun nga po, opo, nagkaroon ako ng interview with Cosmo kung saan nagbigay po ako ng advice, ganyan.

"And yes, I said what I said about huwag makipag-date sa mga taong walang pera.

"Walang pera, hindi naman po ibig sabihin na mag-date kayo ng mga milyonaryo, mga bilyonaryo, mga naka-Porsche, hindi po ganon.

"Mag-date kayo ng someone na may drive. Mag-date kayo ng someone na kayang dalhin ang sarili.

"Yung hindi mangungutang at aasa sa inyo. Yun lang po yon, period."

Inamin din ni Mimiyuuuh na nalungkot siya sa mga taong sinabihan siya ng matapobre at hindi marunong lumingon sa pinanggalingan niyang hirap.

Aniya, "Nalungkot po ako sa mga tao na sinasabi na matapobre daw po ako, na parang hindi daw po ako galing sa hirap.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Galing po ako sa hirap, opo.

"Nakipag-date po ba ako noong wala akong pera? Hindi po.

"Maybe because wala pong nagkakagusto sa akin during that time, opo. At the same time, alam ko po kasi yung priority ko, during that time.

“Priority ko pong ayusin ang buhay ko. Priority ko po ang family ko, priority ko ang career ko, opo.

"At priority ko pong gawing buo ang sarili ko bago po ako magdagdag ng ibang tao sa buhay ko.

“Kasi nga po, ayaw ko pong maging pabigat sa ibang tao."

Giit pa ni Mimiyuuuh, malaya ang sinumang i-date ang nais nilang i-date, pero kung ikaw mismo ay hindi kayang sustentuhan ang sarili ay huwag ka na lamang magdagdag ng iba pang responsibilidad.

Paliwanag niya, "Opo, puwede niyo naman po talagang i-date kahit sinong gusto niyo. Opo.

"Pero kung ikaw na po mismo hindi niyo magawang sustentuhan yung sarili mo, yung mga basic needs and wants mo, magdadagdag ka pa ba ng another responsibility, ha?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ni Mimiyuuuh, "Kaya po, ang akin lang, complete yourself first.

"Make yourself whole tapos maghanap ka rin ng someone na whole kasi ayun yung deserve mo.

"We are not responsible to complete other people. Yung ipi-fill mo yung kakulangan ng ibang tao.

"At the same time, hindi po natin dapat binababaan yung standards natin."

Sa huli, sinabi ni Mimiyuuuh na anu't ano man ang desisyong piliin ng iba ay wala na siyang magagawa.

Sabi niya, “At the end of the day po, buhay mo naman yan, e.

"Sige, mag-date ka ng mga broke na tao. Opo, i-date mo yan. Tapos kainin mo yung mga words of affirmation ninyo, opo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ MORE:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Social media personality Mimiyuuuh is standing by her advice to singles not to date someone who is broke: "Mag-date kayo ng someone na may drive. Mag-date kayo ng someone na kayang dalhin ang sarili. Yung hindi mangungutang at aasa sa inyo. Yun lang po yon, period."
PHOTO/S: Screengrab @Mimiyuuuh Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results