Nagluluksa si Rod Garino sa pagkamatay ng aso niyang Chow Chow na si ChowKing.
Pinaalagaan niya ito sa isang pet hotel sa Antipolo City for six days nang magbakasyon siya kamakailan lang.
Panatag ang kalooban ni Rod dahil ilang beses na niyang iniwan si King sa nasabing pet care facility.
Pero pag-uwi niya, masamang balita ang sumalubong sa kanya.
Read: Meet Scooter, World’s Ugliest Dog 2023 winner; netizens inalmahan ang contest
KING COLLAPSED
Sa interview ni Rod sa TV Patrol ng ABS-CBN News, sinabi niyang nakatanggap siya ng mensahe mula sa may-ari ng pet hotel.
“Around 10:48am Monday last week, so ang message niya is, ‘Nakita po namin siya [King] sa cage, naghihingalo nung naglilinis po kami. Itinakbo po namin sa vet idineklarang patay po si King.’”
Dagdag pa ni Garino, “So, we saw him sa vet, inside his cage na nakahiga, not moving already.”
Base sa necropsy (animal autopsy), heat stroke ang ikinamatay ng aso.
“Sa ganoong facility na mayroong 24/7 air condition, bakit siya mamamatay if it was followed?
“We could have saved King if we saw the symptoms as early as possible.”
Kalmado pero halatang masakit para kay Rod ang sinapit ni King.
Read: Ang cute! Pet dog, nakilala pa ang ex-boyfriend ng amo 18 months after breakup
DOG OWNER'S NEXT STEPS vS PEt HOTEL
Para sa mga gaya ni King na walang mapag-iiwanan ng pet sa bahay, pet hotel ang pinaka-okay na option.
Dagdag pa rito, meron itong 24/7 na air conditioning.
“It was his third time in this dog hotel so I was confident they will be able to take care [of him],” sabi ni Rod.
Sadly, this was King's third and last time to stay in the said pet hotel, na ngayon ay viral na dahil sa pangyayari.
Tumanggi namang humarap sa camera ang may-ari ng pet hotel si Tristan Huertas, pero sinabi niyang nag-reach out na siya kay Garino.
Nagpahayag na rin ito ng paumanhin sa nangyari kay King.
Nag-alok pa aniya ng isang puppy ang establishment bilang kapalit ng namatay na aso, pero tinanggihan ito ni Garino.
Sabi ng pet owner, “Because it’s not a commodity that you can just replace. It’s not just about the investment on money but the emotional investment that was gone because we weren’t there to save him.”
Pinag-aaralan pa ni Rod ang susunod niyang hakbang laban sa pet hotel.
Inaabangan din ang opisyal na pahayag ng pet hotel owner na si Huertas.
Samantala, nakuha ng ABS -CBN News ang paliwanag ni Dr. Ray Del Napoles, division chief ng Quezon City Animal Care and Disease Control, sa kaso ni King.
Sabi niya, “Chow Chows po are relatively thick po ang coat at hindi po madali mag-release o sumingaw iyong body heat nila.
“So nata-trap sa body nila ang heat ng katawan. Any moment po na tumaas ang ambient temperature, the outside temperature, na-i-stress po siya kaagad.
“Hindi lang po adequate yung panting to release the body heat, so yun ang nagti-trigger ng heat stroke…”
Read: 80 adopted cats and dogs, bida sa mga major celebrations ng couple