Naging emosyunal si Vice Ganda nang balikan ang engagement nila ng partner niyang si Ion Perez.
Na-engage ang dalawa noong February 21, 2020.
Read: Ion Perez deeply hurt when he was not allowed to propose to Vice Ganda on It's Showtime
Sa episode ng musical game show na Everybody Sing! noong July 1, 2023, engaged couples ang mga contestant ng show na hinu-host ni Vice.
Sa isang bahagi ng show, may kinausap si Vice na isang couple. Dito ay inalala niya kung bakit walang lumabas na pictures o videos sa engagement nila.
Kuwento ni Vice, "Naiinggit ako kasi hindi ganoon yung naramdaman ko nung nag-propose sa akin si Ion.
"Naiinis ako kasi hinayaan kong talunin ng takot yung dapat saya kong naramdaman.
"Sobrang dami ng sinasabi tungkol sa amin ni Ion, nanakawan ako ng joy.
"Parang sa inyo, di ba? Ang sarap ng normal, kasi ang normal niyan sa paningin ng marami, di ba? Yung babae tsaka lalaki.
"Pero yung sa amin, hindi normal yung tingin sa amin.
"Kaya yung moment na nag-propose sa akin si Ion, yung lumuhod siya tapos nagbigay siya sa akin ng ring, nanginig talaga ako.”
Read: Vice Ganda-Ion Perez love story: A timeline
Ang ikinatakot daw noon ni Vice ay baka hindi maganda ang maging reaction ng netizens. Ayaw rin daw niyang makaranas sila ng bashing.
Lahad niya, "Sa inyo, di ba, ang sarap, mayroon kayong mga remembrance, meron kayong pictures, tsaka mga videos.
“Ako, ang una kong nasabi sa mga kasama namin, ‘Burahin niyo yung mga videos,’ kasi ayoko siyang kumalat kasi takot na takot ako.
"’Pag kumalat lang yan, iba-bash lang nila si Ion, iba-bash na naman nila ako, hindi nila iho-honor yung love.’ Parang nakakainggit kasi ang ganda ng nangyari sa inyo."

May isa pa naman daw video na natira, pero pinili niyang itago na lamang ito para sa kanila ni Ion.
Aniya, "Ang ganda rin sana ng nangyari sa amin kaya lang ang duwag-duwag ko.
“Kaya, buti na lang may kaisa-isang video na natira. Yung isang friend ko, hindi niya pala binura. Nung nagpakasal na kami ni Ion sa [Las] Vegas, sinend niya sa akin pero ayoko pa ring ilabas.
"Kasi sabi ko, ‘Ito yung pinakamagandang nangyari sa buhay ko, isi-share ko yun sa mundo tapos babastusin nila, kaya akin na lang yun. At least may natitira sa aking magandang memorya.’”
Dagdag pa ni Vice, noong nag-popose sa kanya si Ion, feeling niya ay napakaimportanteng tao niya dahil may nagmahal sa kanya nang tapat.
Saad pa niya, “Ang pinakamasuwerte lang na nangyari sa akin, yung fear ko noon, wala na.
“At yung care ko noon sa ibang tao, wala na. Kasi all my care now, lahat ng care ko, na kay Ion na lang at sa nararamdaman namin.”
Apat na taon na ang relasyon nina Vice at Ion.
Read: Vice Ganda, Ion Perez celebrate 4th anniversary with fireworks
