Espesyal na episodes ang inihanda ng Biyahe ni Drew ni Drew Arellano sa GTV na mapapanood ngayong araw, July 2, 8:15 p.m. sa Good Television o GTV.
Maraming sorpresa si Drew sa 10th anniversary special nila na kinunan sa South Korea kasama pa ang asawang si Iya Villania.

Kaabang-abang ang back-to-back episodes na ito—kung saan mapapanood naman sa July 9 ang part 2—dahil masisilayan sa episode na ito ang pagdiskubre ng Kapuso couple sa pinakamasasarap na Korean dishes, pag-explore sa Korean beauty, at pagbisita sa mga sikat na lugar sa South Korea, kagaya ng popular na BTS bus stop at isa sa mga film location ng hit K-drama series na Goblin.

Kuwento ni Drew, “We want viewers to have the chance to experience South Korea, most especially maraming Pilipino ang K-pop and K-drama fans.
"Once we air the episode, automatic na iisipin nila na they want to experience what we have shown sa Biyahe ni Drew as we will give them options that will be useful when they travel.”
Para talaga sa mga mahihilig magbakasyon ang show na ito na nagsimula nung 2013. Sa loob ng sampung taon, naisama na ang mga manonood nito sa iba't ibang vacation spots, lalo na sa mga local tourism destinations. Naitampok na nito ang lahat ng rehiyon sa bansa.
Nakapaglakbay na rin ang team sa 14 bansa—mula sa mga karatig bansa sa Asya hanggang sa Jordan, Israel, Zimbabwe, at Zambia.
Bilang isang host na game sa lahat ng bagay, nasubukan na ni Drew ang samu’t saring extreme adventures kasama na ang skydiving, free diving, scuba diving, rock climbing, canyoneering, e-foiling, surfing, paragliding, at vertical bivouac climbing.

Nakasalamuha na rin niya ang kalikasan sa iba’t ibang paraan — mula sa paglangoy kasama ang mga pating, butanding, sea turtles, at milyun-milyong sardinas hanggang sa dolphin watching, bat watching, at marami pang iba.
Maliban sa pagtatampok ng must-see places at things-to-do para sa isang biyahe, itinataguyod din ng Biyahe ni Drew ang responsible travel, sustainable tourism, respect for local culture, pati ang appreciation para sa locals, at hard working members ng tourism industry.
Bilang host ng show sa loob ng 10 taon, tunay nang nakilala si Drew bilang “Ultimate Biyahero.”
Aniya pa, “I feel proud being regarded as the “Ultimate Biyahero” because it’s not just me–it’s mostly my team. It’s such an honor to host a travel show for this long, and to experience so many beautiful places, to eat so much good food, and to meet interesting people along the way. If I could do this for another 10 years, that would be awesome."
Ngayong 2023, local travel pa rin ang pangunahing pinagtutuunan ng pansin ng Biyahe ni Drew dahil patuloy ito sa adbokasiyang mapalaganap ang Philippine tourism.
Gayunpaman, dapat ding abangan ng mga biyahero ang pagbisita ng show sa Bali, Indonesia, para sa budget-friendly at Instagram-worthy cultural immersion.
Nakatakda ring bumisita ang Biyahe ni Drew team sa Hanoi, Vietnam, kung saan sasamahan muli si Drew ng isang surprise celebrity guest.
Panoorin ang Biyahe ni Drew tuwing Linggo, 8:15 PM sa GTV. Mapapanood din ito ng Global Pinoys sa GMA International Channel, GMA Life TV.