Nag-iwan ng malaking palaisipan sa netizens ang pagtawag na "buntis" ni Joey de Leon sa asawa ni Vic Sotto na si Pauleen Luna.
Nitong Sabado, July 1, 2023, isa si Pauleen sa mga solid Dabarkads na nagpakita ng suporta sa pagbabalik-noontime show ng iconic TV hosts na sina Tito Sotto, Vic, at Joey.
Dito opisyal na ipinakilala ng TVJ ang bagong pangalan ng noontime show nila sa TV5 na EAT.
Read: TVJ's new show on TV5 is called "EAT..."; TVJ yet to reclaim Eat Bulaga! name
Sa isang segment ng kanilang programa, inimbitahan ng mga co-host ng TVJ ang mga pamilya nilang nasa studio.
Dito na tinawag ni Joey si Pauleen na buntis.
"Hoy buntis!" ani Joey nang umakyat si Pauleen sa stage.

Walang ibang buntis sa entablado, at tanging si Pauleen lamang ang napapabalitang diumano'y nagdadalang-tao sa kanilang pangalawang anak ni Vic.
Read: Pauleen Luna cries, Vico Sotto makes rare appearance at TVJ show pilot telecast
Makikita rin ang paglapit ni Pauleen kay Joey at pabiro niya itong tinapik sa likod.
PAULEEN'S PREGNANCY RUMORS
Nagsimula ang haka-haka na umano'y buntis si Pauleen nang hindi siya dumalo sa kasal ni Kathleen Hermosa sa Cebu.
Read: IN PHOTOS: Kathleen Hermosa now married to banker Miko Santos
Tanging si Pauleen lang ang wala doon dahil dumalo naman ang mag-ama niyang si Vic at Tali.
Lalong pang umingay ang pagdududa dahil sa huling post ng TV host-actress sa Instagram na "salon date" daw nilang mag-asawa.
Kapansin-pansin daw kasi ang pagbabago sa katawan ni Pauleen sa kuha nilang iyon.
Sa ngayon ay wala pang opisyal na kumpirmasyon mula kina Pauleen at Vic kung totoo nga ba ang pagdadalang-tao ng Kapuso star.
Hiningan din si Pauleen ng reaksiyon ng PEP Troika ngunit umiwas siyang sagutin ito.
Read: Pauleen Luna, buntis sa second baby nila ni Vic Sotto?
