Inabangan ang pag-ere ng It’s Showtime sa GTV Channel na pagmamay-ari ng GMA-7 ngayong Sabado, July 1, 2023.
Inabangan din ang paglabas ng Kapuso stars sa Kapamilya noontime show.
Sa opening number, naki-join sa performances ang GMA stars na sina Barbie Forteza at Sanya Lopez.
Gayundin sina Pokwang, Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Mark Bautista, at Christian Bautista, na pawang dating Kapamilya stars.
Kasama nilang nag-perform ang It's Showtime hosts at iba pang Kapamilya stars.
Kinaaliwan ng viewers ang pagbati ng Kapuso stars ng opening greeting ng It’s Showtime na, “What’s up, Madlang People?!”
Read: Vice Ganda on 'It’s Showtime' airing on GTV: “Pinakamatinding plot twist ng taon.”

(Clockwise: Alexa Ilacad, Kim Chiu, Belle Mariano, and Kapuso actress Barbie Forteza)
“ANG SAYA NAMAN DITO”
Sa unang commercial break, nag-guest din ang Kapuso stars sa It’s Showtime Online.
Hindi maitago nina Barbie, Sanya, Rayver, Rodjun, at Pokwang ang kanilang excitement na makapag-guest sa Kapamilya noontime show.
“Ang saya dito,” sambit ni Barbie.
“Ang saya naman dito, grabe,” pagsang-ayon ni Sanya.
Sabi pa ni Sanya, “Grabe din yung pag-welcome niyo sa amin, and gusto naming i-congratulate ang It’s Showtime.
“Grabe, ramdam na ramdam namin na pamilya tayo dito, Kapamilya, Kapuso na.”
Tinanong sina Barbie at Sanya ng It’s Showtime online hosts na sina Ana Ramsay at Wize Estabillo kung ano ang pakiramdam nila sa pag-guest sa Kapamilya noontime show.
“Surreal but nice,” maiksing sagot ni Barbie.
Pag-amin naman ni Sanya, “Sobra kaba ko dito kasi first time ko tumuntong sa stage ng Showtime, and grabe yung kaba ko talaga…”
FORMER KAPAMILYA ON IT'S SHOWTIME
Hindi naman maiwasan ng former Kapamilya at ngayo'y Kapuso nang sina Rodjun, Rayver, at Pokwang na maging sentimental na muling makatapak sa kanilang dating tahanan.
Sa ABS-CBN studio pa rin ginaganap ang It’s Showtime.
Sabi ni Rodjun, “Thank you, siyempre, Showtime, kasi na-miss ko talagang mag-perform kasama ang lahat ng mga Showtime family…
“Sana mas madami pang collab, singing and dancing, at mas madami pang performances.”
Ani Rayver: “Nakaka-miss yung mga tao dito sa Kapamilya natin, kaya Kapamilya, Kapuso, big things are coming and umpisa pa lang ito.”

Binanggit naman ni Pokwang na maraming humarang na mga dating katrabaho para bumati sa kanya.
“Ang daming humaharang sa akin dito, halik nang halik.”
Na-miss din daw ni Pokwang ang mga dressing room sa ABS-CBN Studio.
Dagdag niya, “Masaya lang na magkasama na ang Kapuso, Kapamilya.
“At the end of the day, ang winner dito yung mga followers natin, yung atin mga fans.
“Mas lalawak ang pagbibigay ng saya sa kanila, hindi ba?
“Share-share lang tayo ng happiness sa ating mga Kapamilya at Kapuso.”
