Sa isang pambihirang pagkakataon, mapapanood sa Kapamilya noontime program na It's Showtime ang ilan sa pinakamalalaking Kapuso stars.
Ngayong Sabado, July 1, 2023 ang unang araw ng pag-ere ng It's Showtime sa GTV, ang subsidiary network na pag-aari ng GMA-7.
Read: GMA-7, ABS-CBN sign historic deal for 'It's Showtime' airing on GTV
Sa pamamagitan ng official social media accounts ng It's Showtime, ibinahagi nila ang listahan ng Kapuso stars na bibisita sa studio ng ABS-CBN upang makisaya sa Kapamilya noontime program.
Kabilang sa maggi-guest sa It's Showime ngayong Sabado ay sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Christian Bautista, Mark Bautista, Richard Yap, Pokwang, Rayver Cruz, at Rodjun Cruz.
Inaasahang magpi-perform at makikilaro sa mga segment ang Kapuso stars sa programa ng dati nilang karibal na network.
Kaabang-abang din ang magiging interaction ng Kapuso stars sa mga host ng It's Showtime na kinabibilangan nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Ogie Alcasid, Kim Chiu, Karylle, Jhong Hilario, Amy Perez, Ryan Bang, Jugs Jugueta, Teddy Corpus, Jacqui Manzano, Ion Perez, Cianne Domingues, Lassy, at MC Muah.
Maituturing na kasaysayan ang pagsasanib-puwersa na ito ng Kapamilya at Kapuso stars, na noon ay iniisip ng marami na imposibleng mangyari.
Sa contract signing sa pagitan ng GMA-7 at ABS-CBN executives para sa pagpapalabas ng It's Showtime sa GTV noong Miyerkules, June 28, ay idineklara ni GMA Chairma and CEO Atty. Felipe L. Gozon, "TV war is officially over."
