PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arjo Atayde Proposes to Maine Mendoza

One step closer to forever!
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 27, 2023
Arjo Atayde, Maine Mendoza pamamanhikan
The Ataydes and Mendozas: (L-R) Art Atayde, Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Maine Mendoza, Mary Ann Mendoza, and Teddy Mendoza.
PHOTO/S: Sylvia Sanchez Instagram

Pormal nang namanhikan ang pamilya ni Arjo Atayde sa pamilya ng fiancée niyang si Maine Mendoza.

Ang pamamanhikan ay Filipino tradition kunsaan pormal na hihingin ng groom-to-be ang kamay ng bride-to-be sa mga magulang ng huli. Sa nasabing okasyon ay pinaplano na rin ang kasal.

Sa Instagram post ng ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez nitong Lunes, June 26, 2023, ibinahagi niya ang video kung saan makikita ang pagdating ng kanilang pamilya sa bahay nina Maine sa Sta. Maria, Bulacan.

Mabilis at masaya silang sinalubong ng TV host-actress.

“The Very Important destination [red heart sign emoji],” mababasa sa caption ni Sylvia.

Kabilang rin sa hashtags na ginamit niya ang #casamendoza, #pamamanhikan, #AtaydeMendoza, #family, #happiness, at #thankuLORD.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Arjo Atayde gives inside peek into wedding preparations

Nasundan pa ang post ni Sylvia nang i-upload niya kinabukasan ang mga kuhang litrato nila sa naganap na pamamanhikan.

Bukod kay Sylvia, present ang asawa niyang si Art Atayde, at ang mga kapatid ni Arjo na sina Ria, Gela, at Xavi.

Sa pamilya naman ni Maine, present ang kanyang ama na si Teodoro “Teddy” Mendoza, ang kanyang ina na si Mary Ann, at mga kapatid na sina Nico at Coleen, at iba pa nilang kaanak.

Saad ni Sylvia sa caption ng kanyang post, “The Ataydes & Mendozas will soon merge as one family [pray sign and heart emoji].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang ngayon ay hindi pa naglalabas ng detalye sina Maine at Arjo kung kailan at saan sila ikakasal.

Read: Arjo Atayde on wedding to Maine Mendoza this 2023: "I’m just looking forward to it."

Ngunit base sa nakalap ng impormasyon ng PEP Troika ay sa July 2023 gaganapin ang kanilang kasal.

Read: Maine Mendoza-Arjo Atayde, Maja Salvador-Rambo Nuñez weddings, gaganapin sa July 2023?

ARJO AND MAINE LOVE STORY

Bago maging magkarelasyon ay unang nagkatrabaho sina Arjo at Maine sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Dito rin simulang mapansin ng kanilang fans ang special closeness nila sa isa't isa.

August 2018 nang namataan si Arjo na present sa isang brand event na iniendorso ni Maine.

Hanggang sa noong October 2018, lumabas ang PEP Scoop kung saan naispatang magka-date ang dalawa sa Nono's restaurant sa Makati City.

Read: Kapuso star Maine Mendoza, Kapamilya actor Arjo Atayde spotted at Makati resto

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong December 21, 2018 nang maging opisyal silang magkasintahan.

July 29, 2022, inanunsiyo ni Maine sa Instagram na engaged na sila ng nobyong si Arjo, matapos ang tatlong taon at pitong buwan bilang magkasintahan.

Read: Maine Mendoza and Arjo Atayde are engaged

Magkasama rin silang lumipad patungong Paris, France, noong November 5, 2022, para ipagdiwang ang ika-32 kaarawan ni Arjo.

Read: Arjo Atayde celebrates his birthday with fiancée Maine Mendoza in Paris

November 30, 2022, ipinakilala ni Arjo si Maine sa pamilya ng kanyang inang si Sylvia, maternal grandmother na si Lola Rose, at ang mga tito at tita ni Arjo.

Read: Arjo Atayde finally introduces fiancée Maine Mendoza to his maternal grandmother

December 21, 2022, nang ipagdiwang naman nila ang kanilang ika-apat na taong anibersaryo bilang magkasintahan.

Read: Arjo Atayde, fiancée Maine Mendoza celebrate 4th anniversary

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Ataydes and Mendozas: (L-R) Art Atayde, Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Maine Mendoza, Mary Ann Mendoza, and Teddy Mendoza.
PHOTO/S: Sylvia Sanchez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results