Aminado si David Chua na idolo talaga niya ang actor-turned-politician na si former Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno.
Pareho rin silang lumaki sa Tondo, Manila. Kamakailan lamang, pinangunahan ni David ang isang gift-giving project sa Tondo.
Nakalagay sa caption niya sa Instagram, "Sa hirap at ginhawa tayo’y magsasama walang iwanan isang tawag nyo lang tuloy tuloy lang tayo! Ako po’y isang #BatangMaynila at #LakingTundo"
View this post on Instagram
Inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si David tungkol sa kanyang pagiging fan ni Isko.
Aniya, “Not many people probably know that we’re both from Tondo, one of Manila’s most-populated and toughest neighborhoods.
“Of course, we all know of Yorme’s rags-to-riches story, and how he literally gave it a major makeover and paid it forward to the city folk when he became mayor.
“On a smaller scale, and on a humbler note, I think I went through the same rite of passage, the early struggles, the showbiz connection, and how he never stopped in helping others, while at the same time reinventing himself."
Dagdag ni David, “There’s so much to be proud of about Tondo—its history, culture and gradual urban decadence. I’m proud to say that I enjoyed exploring all the nooks, crannies and small alleys of Tondo when I was a kid, and even if I knew it was a tough neighborhood, there was still so much to be positive about.”
Pumasok sa pulitika si Isko para makapagserbisyo sa mas nakararami. May balak din ba si David pumasok sa pulitika?
Sagot niya, “Iba siguro ang ‘pulitika’ sa public service. Siguro nasa dugo namin ang... hindi naman pulitika, kundi yung tulong lang sa nangangailangan—-sa abot lang naman ng makakaya.
“Ang pagtakbo naman para sa isang posisyon ay dumarating lang yang pagkakataon, mahirap na ang ‘nagbabalak.’
"Idol ko si Yorme kasi nakita ko mismo ang mga nagawa niya sa Manila. Sa simple kong paraan, tumutulong din ako and Yorme inspires me.”
Ilang beses nang nagkatrabaho sina David at Isko. Isa na rito ang ginawa nilang panayam noon bago ang 2022 elections na ipinalabas sa Rated Korina, ni Korina Sanchez, kung saan si David ang direktor.
Noong panahong iyon, tumatakbo si Isko bilang presidente ng bansa. Ngunit hindi siya pinalad na manalo.
At ngayon, nagkasama naman sina David at Isko na umarte sa feel-good sitcom na kinabibilangan ni David na Good Will sa Net25, na nasa second season na.
Nagkasama sila ng ilang araw sa lock-in taping ng show sa Balai Isabel resort sa Talisay, Batangas.
View this post on Instagram
Kuwento ni David, “Yorme may claim that he’s retired from politics, but that doesn’t mean that he’ll stop being creative with his charity advocacies.
"As a humble servant of the people of Manila, I think it’s really his destiny to lead and serve, and he can always count on my support for that.”
Samantala, tila ini-enjoy muna ni David ang kanyang pagiging bachelor kaya wala pang masasabing love life ang binata sa ngayon.
Saad pa niya, “Meron naman akong mga naging love life. Pero lahat naman tayo nagkakaroon ng kabanata sa buhay na pa-date-date lang muna kasi naka-focus sa trabaho.
“Sa ganito ding edad medyo nagseseryoso ka na rin sa relasyon na mas pihikan ka na kasi hinahanap mo na yung pangmatagalan.
“So I’m just enjoying my youth while it’s there kasi yung pagsi-seryoso, naku panghabambuhay na yun.”
