“Perfect boyfriend” ang pagsasalarawan ni Cristine Reyes, 34, sa kanyang boyfriend na si Marco Gumabao, 28.
Ito ang pahayag ng Viva actress sa lie-detector challenge at panayam sa kanila ni Bea Alonzo sa bagong episode ng vlog ng Kapuso star.
Pahayag ni Crisine, “Parang perfect boyfriend ito, e. Kasi si Marco, naiintindihan niya lahat. Parang hindi ako makapaniwala at his age.
“Super cute talaga. Tisoy, type ko, pero bagets. So ako, hindi ko na pinag-aksayahan ng panahon. Talagang ang cute niya, bye!”
Dalawang buwan na ang nakalilipas buhat nang aminin ni Marco, sa pamamagitan ng isang Instagram post noong April 24, 2023, ang relasyon nila ni Cristine. Pero ngayon lamang nagsalita ang kanyang girlfriend tungkol sa kanilang pagmamahalan.
Read: Instagram official: Marco Gumabao calls rumored girlfriend Cristine Reyes “my home”
Nagulat daw si Cristine nang aminin ni Marco sa publiko ang kanilang relasyon noong April 2023.
“Itong si Marco kasi lagi siyang nagsu-surprise, and then yung Instagram post niya. Nagulat ako dun. Lagi niya akong ginugulat.
“Siyempre kinilig ako the whole day, buong linggo, buong buwan."
Dagdag pa ni Cristine, “Ako rin nagugulat. Nakakaasar yung minsan nagre-relax ka sa bahay, wala kang makeup, naka-bun [hair] ka lang, biglang papasok siya."
Hindi raw inisip ni Cristine ang sasabihin ng mga tao sa pag-amin ni Marco.
“Hindi ko inisip yung tao. Natuwa ako sa gesture niya. On the floor talaga ako. Parang, wow, kinilig talaga ako.”
Nang itanong ni Bea kung selosa siya, “Nasa lugar ang pagseselos ko," reaksiyon ni Cristine.
Hindi rin ipinagkaila ng aktres na nanginginig ang buong katawan niya kapag nakakaramdam ng selos.
“Nanginginig yung buong katawan ko. Saka kailangan talaga, wala ako sa work para mapag-usapan kaagad.
"Kasi kapag hindi napag-uusapan agad, affected ako and, sometimes, I decide emotionally, “ pag-amin ni Cristine.
Tinanong naman siya ni Marco ng “Do you see me as someone you will spend the rest of your life with?”
Sagot ni Cristine, "Puwede… yes."
CRISTINE'S ATTRACTION TO MARCO
Nagsimula ang pagtatangi at atraksiyon ni Cristine kay Marco sa lock-in shoot ng Martyr or Murderer sa Ilocos Norte.
Kuwento ng aktres, “May mga ipina-plant siyang seeds through the years. Lagi lang kaming nagtatagpo, like random places—family affairs, friends affairs, showbiz affairs.
"So, ang daming chance talaga na lagi kaming nagtatagpo. Pero late last year [November 2022], Jake Cuenca, kaming tatlo, bonding kami [sa gym]. Until si Jake, nag-lock-in [taping] sa Cebu.
“Kaming dalawa ni Marco, kami na lang yung nag-workkout.
“I think nagkaroon ako ng attraction kay Marco, siguro yung Ilocos [shooting]. Naka-lock-in kami doon.”
Parehong walang karelasyon sa loob ng limang taon ang dalawa nang mag-umpisa ang kanilang pagmamahalan kaya tiniyak ni Cristine na wala silang inagrabyado ni Marco na ibang mga tao.
“I’m happy with our relationship kasi wala tayong inagrabyado, and dun magpu-flow yung blessings ni God,” ani Cristine.