PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda reacts to 'It's Showtime' airing on GTV

Vice Ganda: "We don't feel bad sa TVJ, wala kaming ganun, ha."
by Arniel C. Serato
Published Jun 22, 2023
Vice Ganda grateful to GTV
Vice Ganda: "Very uncertain yung mga ganap kung anong mga mangyayari pa, pero it just gets more and more exciting. Win-win ito sa audience, sobrang panalo ang mga Pilipino rito.”
PHOTO/S: Courtesy: 24 Oras on YouTube

Walang pagsidlan ang sayang nararamdaman ni Vice Ganda dahil sa pagtanggap ng GTV sa It’s Showtime ngayong magtatapos na ang kontrata ng ABS-CBN noontime show sa TV5.

Ang GTV o Good Television ay ang free-to-air channel ng GMA-7.

Sa panayam ni Aubrey Carampel ng 24 Oras sa TV host-comedian, nagpaabot ito ng pasasalamat sa Kapuso network sa pagtanggap sa kanilang noontime show.

Pahayag ni Vice, “Masayang-masaya. Noong ibinalita sa amin, siyempre emosyunal kaming lahat kasi nasa kalagitnaan kami ng lungkot, yung parang nawalan ka ng tirahan tapos biglang may kukupkop na naman sa yo.

"We feel so special and we are very grateful to GTV."

Hindi rin daw inaasahan ni Vice ang mainit na pagtanggap sa kanya ng Kapuso stars na kakilala niya.

Aniya, “Ang dami ko ring friends sa GMA na nag-message sa akin agad, nakakatuwa.

"Very uncertain yung mga ganap kung anong mga mangyayari pa, pero it just gets more and more exciting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Win-win ito sa audience, sobrang panalo ang mga Pilipino rito.”

Ngayon pa lang daw ay pinaghahandaan na ni Vice at iba pang It’s Showtime hosts ang kanilang gagawing dagdag pang pagpapasaya sa mga manonood.

Saad niya, “Siyempre, hindi namin sasayangin yung pagkakataong ibinibigay sa amin ng GTV at yung suporta, yung pagpapahiram nila sa amin ng matitirhan, sobra kaming nagpapasalamat doon at hindi namin sasayangin.”

Kinumpirma ng ABS-CBN ang nakatakdang paglipat ng It’s Showtime sa GTV mula TV5 noong Martes, June 20.

Simula July 1, 2023, hindi na mapapanood ang Kapamilya noontime show sa TV5 kasunod ng programming movement sa network sa pagpasok nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, o ang TVJ, kasama ang “legit Dabarkads.”

Read: CONFIRMED: 'It’s Showtime' to transfer from TV5 to GTV

Samantala, nilinaw ni Vice na bagamat nalungkot sila nang malamang hindi na sila eere sa TV5 ay wala silang sama ng loob nila sa TVJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “We don't feel bad sa TVJ, wala kaming ganun, ha.

"Napakaipokrita kapag sinabi mong hindi kami nalungkot noong sinabi sa amin na…

"Noong una pa lang, baka hindi na tayo mag-ere sa TV5, siyempre nalungkot din kami kasi hindi namin alam kung saan kami pupunta, so ano nang mangyayari?

"So, naaawa ako doon sa mga tao, sa staff namin, kasi sobra na silang naguguluhan.

"Pero ngayon naman malinaw na sa lahat at saka masaya kami na may nagsarang pinto, may bubukas ulit na isang pinto.”

Read: TVJ on 'It’s Showtime': “Di naman sila na-bump off, e. Natapos na yung kontrata.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda: "Very uncertain yung mga ganap kung anong mga mangyayari pa, pero it just gets more and more exciting. Win-win ito sa audience, sobrang panalo ang mga Pilipino rito.”
PHOTO/S: Courtesy: 24 Oras on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results