PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dingdong Dantes, Marian Rivera in Rewind

DongYan is back!
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 21, 2023
Dingdong Dantes, Marian Rivera topbill Star Cinema upcoming film
For the first time, Kapuso couple Dingdong Dantes (right) and Marian Rivera will be starring in a film under ABS-CBN Films’ Star Cinema.
PHOTO/S: Star Cinema

Makalipas ang halos labintatlong (13) taon ay muling magsasama ang Kapuso couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa isang pelikula.

Sa direksiyon ni Mae Cruz Alviar, pagbibidahan nina Dingdong at Marian ang family drama film na Rewind, sa ilalim ng sanib-puwersang kolaborasyon ng ABS-CBN Film Productions Inc.'s Star Cinema, APT Entertainment, at AgostoDos Pictures.

Dingdong Dantes, Marian Rivera topbill Star Cinema upcoming film

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang kanilang inanunsiyo sa "New Movie Alert" ngayong Miyerkules, June 21, 2023, na naka-upload sa ABS-CBN Star Cinema YouTube.

Kuwento ni Direk Mae, noong 2020 pa nakaplano ang muling pagsasama nina Dingdong at Marian sa pelikula, ngunit dahil sa pandemya ay hindi raw ito natuloy.

“I am so excited. This is a really exciting project and I am looking forward to working with Dong and Yan.

"This project was first offered noong 2020 pa. But because the pandemic happened, we didn’t know if this was gonna go through pa kasi nga we were afraid to work and all.

"And then ito, matutuloy na siya, so parang feeling ko meant to be.

"Part nung excitement na alam mong ang tagal and yet here we are, launching this project.

"In God’s perfect time talaga," saad ni Direk Mae.

Dingdong Dantes, Marian Rivera topbill Star Cinema upcoming film

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para naman kay Marian, isang katuparan ng matagal na niyang pangarap ang makasama ang kanyang asawa sa isang pelikula na Star Cinema pa ang magpo-produce.

Pagbabahagi ng Kapuso actress, “Sobrang excited ako maka-work ang Star Cinema at the same time, si Direk Mae.

“Gumawa ako ng movie parang 10 years ago pa with Kung Fu Divas, si Dong ang daming kuwento about Star Cinema.

"As in lahat ng ginagawa niyang pelikula sinasabi niya lahat sa akin, kung ano yung experience niya, sino yung direktor niya.

"Parang ako, sabi ko, 'Wow, sana balang-araw mapakiramdaman ko rin yung pakiramdam nung mga kinukuwento mo sa akin.'

"And then, finally, mararamdaman ko na yan."

Pagpapatuloy pa niya, "Sabi ko nga, punung-puno ng pangarap yung mga kuwento ni Dong sa akin every time may Star Cinema siya. So, sabi ko, 'Sana ako rin balang-araw.'”

Hindi ito ang unang pagkakataon na gumawa si Dingdong ng pelikula sa ilalim ng Star Cinema.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ilan na sa mga nagawa niya sa movie arm ng ABS-CBN ay ang One More Try (2012), She's The One (2013), The Unmarried Wife (2016), at Seven Sundays (2017).

Ayon pa kina Dingdong at Marian, nang mabasa nila ang script ng Rewind ay hindi na sila nagdalawang-isip pa na ito'y tanggapin.

Pagbabahagi ni Marian, "Parang bawat paglipat ko ng pahina doon sa script, parang walang tapon sa script.

"Walang dahilan para hindi ko ito gawin, especially kasama ko si Dong. Kasi alam niya, every time nagkaka-partner kami na kaming dalawa, meron kaming moment na mas tumitibay kami.

"Na parang ‘Ah, may ganun pala siya,’ so may bago akong nadi-discover sa kanya. Lalo akong nai-in love. May ganung moment.

"So, sabi ko kay Direk, gagawin ko iyan kahit mahirapan ako sa schedule."

Agad naman itong sinang-ayunan ni Dingdong.

Aniya, "Totoo yung sinabi niya [Marian]. Ako naman, sa tingin ko naman, bawat pahina at yung buong kuwento itself kahit na sabihin nating kuwento siya ng isang pamilya at mag-asawa, sa tingin ko bilang audience makikita mo yung sarili mo sa bawat characters, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre bukod sa makakasama ko siya at makaka-collaborate ko ang mga napakahusay na mga creators, gusto rin namin is bawat project na pinipili namin, maging proud yung mga anak namin.

"Ganitong klaseng pelikula at kuwento ang gusto naming ibahagi sa mga manonood.

"Very, very true to form dahil it is a family movie. It has a very, very big heart and may touch of magic realism. So many elements na magsasabing talagang pampamilya."

Dagdag pa ni Marian, "Sa madaling salita, ito yung pelikulang alam namin na magiging proud yung mga anak namin sa amin."

Ang You To Me Are Everything (2010) ang huling pelikulang pinagsamahan nina Marian at Dingdong kung kaya't ganoon na lamang ang kanilang saya at excitement na muling magpakilig sa kanilang mga tagahanga.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na iba pang detalye kung sinu-sino ang makakasama nina Dingdong at Marian sa pelikula at petsa kung kailan ito ipalalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For the first time, Kapuso couple Dingdong Dantes (right) and Marian Rivera will be starring in a film under ABS-CBN Films’ Star Cinema.
PHOTO/S: Star Cinema
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results