Ibinunyag ng singer na si Gigi de Lana na nabiktima siya ng scammers.
Naubos daw ang perang nakalaan para sa medical bills ng kanyang ina na si Imee dela Lana, na may Stage 4 breast cancer.
Pero hindi niya idinetalye kung paano nakuha ang laman ng kanyang bank account.
Read: Gigi de Lana faces hard truth about her mom's stage four breast cancer
Iinihayag ni Gigi ang masaklap na pangyayari sa pamamagitan ng Facebook, Martes ng gabi, June 20, 2023.
Aniya, "Please be kind. Simula ng naaksidente kami from car accident. ang dami na nang scam sakin. ninakawan ako sa BDO kinuha lahat ng laman.
“Na pang medical bills sana yun ni mama. Kaso wala kayo awa. Sinabihan pa ako sa phone call ng 'get well soon po kay maam gigi' tapos after nun ninakawan na ako ng tuloy tuloy hanggang sa maubos laman. grabe kayo. Di na kayo naawa.
“Please wag kayo mang scam or mag nakaw.”
Kalakip ng post ni Gigi ang mga larawang kuha sa kanya ilang araw matapos niyang maaksidente, kasama ng banda niyang The Gigi Vibes, noong May 2023.
Read: Gigi de Lana and band members sustain minor injuries after car accident
Ito ay para liwanagin sa kanyang bashers na hindi siya nag-iinarte.
Sabi pa niya, “Nga pala ito itsura ko nung after a few days maaksidente. Sa mga hindi alam na ganito kalala and hinusgahan ako na nag inarte ako. Please be kinder. Love you all still.
“Please let us be kinder sa isat isa”
Nitong nakaraang June 16 lamangay nag-auction si Gigi ng kanyang dalawang crop tops para sa pagpapagamot sa ina.
Read: Gigi De Lana auctions off crop tops for mom's cancer treatment; latest bids are over PHP60K each
