May bagong boyfriend na ba ang dating Asia’s Next Top Model winner na si Maureen Wroblewitz?
Para kasing in love na in love ang model-actress sa bagong post niya sa Instagram ngaong araw, June 21, 2023.
Sa naturang post, makikita ang larawan niyang nakangiti habang hinahalikan siya ng isang lalaking hindi kita ang mukha sa camera.
Binati niya ang nasabing lalaki na nagdiwang ng kaarawan.
Feeling daw niya, siya ang “luckiest girl in the world” dahil sa pagiging mabait nito at pagiging maunawain.
Buong post ni Maureen, “happy birthday to the one that makes me feel like i’m the luckiest girl in the world.
“Not only because you are kind, patient, understanding with the most beautiful heart and soul but most importantly, because your gentle love teaches me how I can love myself more everyday [heart emoji]”
View this post on Instagram
Kinilig naman ang followers ni Maureen sa kanyang post.
Karamihan sa mga ito ay nagsabing deserve niya ang magkaroon ng karelasyon.
Ang iba naman ay nagtatanong sa katauhan ng lalaki.



Maaring ibang lalaki ito sa lalaking kasama ni Maureen sa Siargao noong November 2022.
Noong panahong iyon, baka nasa dating stage pa lang ang dalawa, pero ang sure daw ay hindi pa committed si Maureen kahit kanino.
Ayon sa ulat ng PEP Troika, hindi lang daw ang lalaking kasama nito ang nanliligaw sa dalaga noong huling bahagi ng 2022 kundi marami pa.
Mukhang hindi pa raw handa si Maureen na pumasok sa panibagong relasyon. Pero ang dami raw umaaligid at pumoporma na ang iba ay hindi na lang pinapansin ni Maureen.
Masugid lang daw ang lalaking nakita sa social media. Fil-Am daw ito na nag-aaral dito sa Pilipinas at nagmo-model din daw.
Read: Guwapong lalakeng kasama ni Maureen Wroblewitz, boyfriend na niya o suitor pa lang?
