Hindi napigilan ng TV host-actor na si Ryan Agoncillo na maging emosyunal nang alalahanin kung paano niya sinabi sa asawang si Judy Ann Santos na isa siya sa mga tatanggaling host sa Eat Bulaga!.
Nangyari raw ito sa pagpasok ng bagong management ng Television and Production Exponents (TAPE) Inc., ang producer ng "old" Eat Bulaga!. Pinamumunuan ito ng magkapatid na Jalosjos na sina Jon at Bullet.
Si Joey de Leon — isa sa pioneer hosts ng 44-year-old noontime show — ang nagbuking nito sa One News noong June 8, 2023.
Ayon kay Joey, hindi niya eksaktong alam kung ano ang dahilan ng mga Jalosjos sa plano ng mga itong tanggalin si Ryan sa show.
Ngunit base raw sa mga naririnig ng TVJ ay may gustong ipasok na bagong talents ang TAPE.
Nagbigay ng reaksiyon si Ryan tungkol sa isyu nang humarap siya sa mediacon ng TVJ at "legit Dabarkads" sa TV5 ngayong Martes ng hapon, June 20, 2023.
Nang malaman daw ni Ryan ang plano ng TAPE, naging mabigat sa kanyang kalooban na tanggaping mawawala siya sa programang itinuring niyang pamilya.
Ang misis niyang si Judy Ann Santos ang unang pinagsabihan ni Ryan ng malungkot na balitang nakarating sa kanya.
Alam daw ni Ryan na ang asawa ang unang makakaintindi at dadamay sa kanya.
Saad ni Ryan, “It has been 14 years, nasa Eat Bulaga! pa rin ako.
"Kaya noong sinabi na tagpas kaming lahat, ang sabi ko na lang sa asawa ko pag-uwi ko, 'I think I just got fired.'”
Maging ang iba pang co-hosts ni Ryan ay dinamdam na rin ang nagbabadyang pagtanggal sa kanila, ngunit mas pinili raw nilang manahimik na lang.
Tila may kinalaman ito sa general assembly na dinaluhan ng lahat ng staff at hosts ng show noong February 28, 2023.
Dugtong ni Ryan, "From February 28, dinala na ng grupo yon, at wala kayong marinig, that's the style of Eat Bulaga!.
"We deal with our own problems quietly, just like a very good family does."
RYAN ON THE DAY TVJ RESIGNED FROM TAPE
Maging ang mga huling sandali ng "legit Dabarkads" sa pamamahala ng TAPE ay tandang-tanda pa rin ni Ryan.
Noong May 31, 2023, ang eksaktong araw ng pagkalas ng TVJ sa TAPE.
Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers
Noong araw ring iyon ay nag-resign din ang iba pa nilang co-hosts.
Kuwento ni Ryan, "Galing akong bakasyon, tumawag yung EP [executive producer] namin, sabi, 'Kuya Ry, papasok po ba kayo bukas?' Sabi ko, 'Of course, anong oras? Normal days.'
"By the time when I got to work, actually nagulat ako, nag-aalmusal kami ni Allan K.
"Hindi na kami nakakain kasi pagdating ko po doon sa programa, I didn't know what was going on kasi galing kaming bakasyon. And it took about five minutes [for me] to figure out what's really going on.
"But we went on air. A few moments later, nagkatinginan na lang kami. Sabi namin, 'Eto na ito. Eto na yung pinaghahandaan natin ng ilang buwan.'"
Lahat na raw ng emosyon ay naramdaman noon nila Ryan.
Sabi niya, "Phones were ringing, nandun kami sa kuwarto, lahat tawanan, iyakan, all the emotions you can imagine.
"Hindi ko madampot yung phone ko. Sabi ko, 'First person I tell is my wife.' So, hanggang pag-uwi, nagkakagulo na online, we don't even know if we aired or where we aired.
"Ayon na yon. Basically, hindi ko ma-describe sa inyo how we feel na hindi ako umiiyak and how it feels to be backed up by the TVJ..."
Ang pagre-resign daw ni Ryan sa TAPE ay kusang-loob niyang ginawa na walang kahit na sinong nagdikta sa kanya.
Suportado naman daw ito ng kanyang asawa maging ng buo niyang pamilya.
Ani Ryan, "But I'll tell you, what. My wife didn't ask. My parents didn't ask. When I made that decision, ang luwag, e. Tama. And [they said], 'You will be okay,' and that's what I felt.
"We didn't know gaano kalayo paningin namin. Pero as long as yung katabi ko ay ang TVJ at Dabarkads, there was just you knew that it was the right moves."
Read: Tito Sotto on the day TVJ left TAPE: "Parang sila ang may-ari sa amin. Nakakapikon na."
RYAN on how he became part of 'EAT BULAGA!'
Dinamdam daw ni Ryan ang pagkakatanggal sa kanya dahil malaking bahagi sa kanyang buhay ang noontime show.
Kung kaya't ganoon na lamang daw ang kanyang saya at pasasalamat nang malaman na isa siya sa mga ipinaglaban nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey — o mas kilala sa tawag na TVJ — sa pamunuan ng TAPE Inc.
Pagbabalik-tanaw ni Ryan, isa lamang siyang tagahanga ng TVJ noon nang kunin siyang regular guest ng Eat Bulaga!.
Kalauna'y naging co-host siya ng programa na lubos niyang pinagpapasalamat.
Pagbabahagi niya, "Well, sabi nila, [you] should not meet your heroes, di ba? As I was born the same year that these gentlemen started the show.
"I was the fan, I became the regular guest, hanggang sa naging co-host right at the time when I got married.
"It was part of the plan, when Tita Malou asked me on a Friday night na 'Ryan, would you like to be part of Eat Bulaga!?' Walang isip-isip, I reported in the next day."
Ang tinutukoy na "Tita Malou" ni Ryan ay si Malou Choa-Fagar, ang dating chief operating officer ng TAPE Inc.
Read: Vic Sotto on Eat Bulaga! trademark: "Kukunin lang ng kung sinu-sino? Aba! Hindi puwede."
Dagdag pa ni Ryan, "As in, parang nasabi ko na lang ata sa asawa ko, 'Sweetheart, papasok ako sa Eat Bulaga!.'
"Tsaka lang niya nalaman na host ako noong nakita niya sa portion na regular na.
"It was a part of the plan for the family, kasi it would afford me the time to spend with my then just starting family."
READ MORE:
- FULL TRANSCRIPT: Tito Sotto reveals untold details about internal issues in 'Eat Bulaga!'
- EXCLUSIVE Part 1: Tito Sotto drops bombs on those warring with 'Eat Bulaga!'
- EXCLUSIVE Part 2: Tito Sotto on Jalosjos family meddling in 'Eat Bulaga!' production: "Di nga namin sila nakita ng 43 years!"
- TAPE's Mayor Bullet Jalosjos assures public Tito, Vic & Joey will not leave 'Eat Bulaga!'
- Mayor Bullet Jalosjos, tinawag na "fake news" ang mga ulat tungkol sa rebranding ng Eat Bulaga!
