PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aidan Veneracion Gets Autistic Role in Royal Blood

First role. First project.
by Rommel Gonzales
Published Jun 21, 2023
Aidan Veneracion is part of Royal Blood cast
Aidan Veneracion is playing Archie, a teen with autism in GMA-7 series Royal Blood, but he admits to eyeing a different role during the audition.
PHOTO/S: File

Isang autistic ang papel ng Sparkle young male star na si Aidan Veneracion sa Royal Blood teleserye ng GMA-7.

Mahirap na role ito lalo na para sa mga baguhang artista, kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aidan kung paano niya pinaghandaan ang kanyang papel bilang si Archie.

Tugon ng aktor, “Una po sa lahat nung audition pa lang namin, parang clueless din po kasi ako talaga. Fun fact, hindi po ako nag-audition for this role.

“Bale magkaiba kami,” sabay-turo ni Aidan sa kapwa Sparkle teen male star na si James Graham na nasa likod niya,

Si James ang gaganap bilang si Louie sa teleserye, at ayon kay Aidan, “Kumbaga yung role niya, iyon ang in-audition-an ko, siya naman yung sa akin.

“Parang kami parehas. Mas gusto niya yung role ko, mas gusto ko yung role niya hanggang sa nag-workshop kami.

"Tapos doon na namin nakilala yung role namin, at sabi ko, ‘Hindi, mas gusto ko si Archie, mas gusto ko si Archie, sana si Archie.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At bukod sa pagwi-wish na mapasakanya ang role, nag-research na rin siya about the autism spectrum disorder.

Sa pagpapatuloy ng newbie, "Parang kine-claim ko na, mina-manifest ko na.

"Doon naman po sa preparation ko, nag-research po ako about dun sa spectrum.

"Kasi at first parang hindi pa po sa akin nasasabi kung anong kind talaga ng autism, anong spectrum.

“So talagang ni-research ko po lahat ng mga spectrum para kung saan man, ano man pong spectrum ang ibigay sa akin, makakapag-adjust po ako.

“At the same time din po that time, hindi pa po ako kasama sa workshop namin sa Sparkle sa character work na level 3 po namin.

"Tapos nakiki-sit in lang po ako hanggang sa natanggap ko po yung role, ayun tinulungan po ako ni Ms. Ana Feleo sa pagpe-prepare po.”

Si Ana ay isang aktres at head acting facilitator/coach ng GMA/Sparkle GMA Artist Center. Siya ay anak ng yumaong aktor na si Johnny Delgado at ng batikang actress- director na si Laurice Guillen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ni Aidan, “And of course with the writers, sinend po nila yung reference nila for my character, at the same time, nanonood din po ako, ginagawa ko pa rin yung job ko, nagre-research po ako.

“And with the help din po nung acting coach namin sa set na si Ms. Ruth Alferez po, ayun, and sila direk."

Nagbigay din daw ng input ang Royal Blood’s production manager na si Redgyn Alba, at ayon nga sa kanya, ang The Good Doctor ni Freddie Highmore ang naging reference ng autistic character ni Archie.

Sa naturang American series ay may autism at savant syndrome si Dr. Shaun Murphy na siyang karakter ni Freddie.

Ani Aidan, “Sa proseso naman po, more on, talagang ang goal kasi namin nina Ms. Ana po is to get kung ano yung mundo ni Archie, kung paano siya mag-isip, since ibang-iba sa personality ko.

“Kaya ang goal ko rin po is kailangan makuha kung ano ang mundo at kung ano ang tumatakbo sa isip ni Archie.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“At the same time po, hanggang ngayon po, mas nakikilala ko pa po kung ano ang character ko.”

Asperger’s syndrome (high-functioning form of autism spectrum disorder) ang spectrum ng karakter ni Archie.

Humingi rin daw si Aidan ng tips kay Ken Chan sa dahilang napakahusay nitong nagampanan ang papel ni Boyet, na isa ring autistic sa highly successful GMA-7 series na My Special Tatay, na umere noong 2018.

Kuwento ni Aidan, nagkakilala raw sila ni Ken sa isang fan meet event.

"So nag-usap po kami, tapos hiningan ko po siya ng tips kung paano ang ginawa niya that time as Boyet.

“And ayun po, important din talaga na as an actor din po, bilang baguhan, first role ko pa po ito at first project.

“So challenging po siya para sa akin kaya nung nalaman ko po na ito ang role ko, inisip ko talaga na kailangan kong maghanda for this.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Lalo na yung mga kasama ko dito, mga batikang actor at actress dito sa industriya natin so hindi talaga ako nagpapa-petiks-petiks lang.

“I make sure na pagpunta ko ng set, laging in character na ako.”

Kaano-ano ni Aidan si Ian Veneracion?

“Bale tito ko po pero malayong kamag-anak na po.”

Nakausap ng PEP.ph si Aidan sa grand mediacon ng Royal Blood ng GMA-7 nitong June 9, Biyernes, sa Luxent Hotel sa Quezon City.

Sa direksyon ni Dominic Zapata, ang Royal Blood ay pinagbibidahan ni Dingdong Dantes bilang si Napoy, kasama sina Megan Young (bilang Diana), Mikael Daez (bilang Kristoff), Dion Ignacio (bilang Andrew), Rabiya Mateo (bilang Tasha), Lianne Valentin (bilang Beatrice), at si Rhian Ramos (bilang Margaret).

May mahalagang papel naman sa serye si Tirso Cruz III bilang si Gustavo Royales.

Nasa cast rin sina Ces Quesada (bilang Aling Cleofe), Benjie Paras (bilang Otep), Carmen Soriano (bilang Camilla), at Arthur Solinap (bilang Emil).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama rin sa serye Sparkle young female star na si Princess Aliyah (bilang Anne) at ang child actress na si Sienna Stevens (bilang Lizzie).

Napapanood ang Royal Blood weeknights 8:50 p.m. sa GMA-7, at 11:30 p.m. mula Lunes hanggang Huwebes, pati sa GTV at 11 p.m. tuwing Biyernes.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aidan Veneracion is playing Archie, a teen with autism in GMA-7 series Royal Blood, but he admits to eyeing a different role during the audition.
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results