Dahil Will You Be My Ex? ang titulo ng bago niyang pelikula, natanong si Julia Barretto kung may nasabihan na ba siya ng “Will you be my ex?”
"Actually, in doing this film, first time ko lang marinig iyang question na 'Will you be my ex?' So definitely not," natawang pahayag ni Julia.
May paniniwala ang ibang tao na hindi na dapat binabalikan ang ex. Ano ang opinyon ni Julia tungkol dito?
Sagot ni Julia, "Feeling ko iba-iba iyon for everybody. Based on my personal experience, hindi na talaga.
“Siguro with the relationships that I’ve been in, it’s clear na it’s better off na mag-separate ways na.
“But I feel with others, it works. And I respect and support others who try again and it works out."
Malayo sa isip ni Julia ang pakikipagbalikan sa sinumang ex-boyfriend niya.
Going strong ang relasyon nila ng boyfriend niyang si Gerald Anderson.
Aniya, "It’s just not the case for me and I’m happy that that’s the case. I mean I’m very happy now."
Isa pang naitanong kay Julia: okay lang ba sa kanya na makipag-date sa ex ng isang kaibigan?
"No way," ang mabilis na sagot ni Julia.
ON WHAT SHE LEARNED FROM THE FILM
Ano naman ang learnings ni Julia sa paggawa ng Will You Be My Ex?
"I think being able to let go kahit mahal mo pa yung tao especially if iyon yung makakabuti para sa kanya tsaka para sa iyo.
“It’s setting them free. It’s very cliché, but I feel, like, ano siya, e, it’s cliché for a reason, it’s because it’s true. You set the people you love free.”
Sa Will You Be My Ex?, gaganap si Julia bilang Chris, Diego Loyzaga bilang Joey, Divine Aucina bilang Jonjie, Juan Carlos Galano bilang si Jed, at Bea Binene bilang Yanna.
Ayon kay Julia, hindi siya nagdalawang-isip na gawin ang pelikula.
"I had a one year wait because I didn’t see any of the films that were presented to me initially, fitting for me.
"So, ito yung isa sa mga pelikula na na-pitch sa akin na without reading the script.
"More or less I knew to myself na gagawin ko siya. So, binigay sa akin yung script, I think that was just the icing on the cake.”
Ipapalabas ang Will You Be My Ex? sa mga sinehan ngayong June 21. Ang director ay si Real Florido. Ang nagprodyus ay Studio Viva, Firestarters Production, at Viva Films.
ON WORK-LIFE BALANCE
May sisimulang bagong pelikula si Julia sa Hulyo.
Pero siniguro niya na may sapat na oras siya para sa pahinga.
"You know what, to be honest, I think I’ve already gotten into a point in my life where there’s so much balance. So yung work-life balance ko is steAady siya ngayon.
"Yung amount of work ko parang nabibigyan rin ako ng same amount of time to recharge and to recollect and magpahinga talaga, and that’s something I’ve been wanting to achieve for a very long time.
"And I’m just so grateful na, you know, at twenty six it’s something that I have already been able to figure out.
“And at the same time, I love working, so kahit tuluy-tuloy pa yan, tapos tatlong araw lang ang pahinga ko, okay lang din, e.
"We’re so young so parang kinakaya pa ng endurance namin, hinahanap pa siya ng katawan ko."
