PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vin Abrenica on brother Aljur's private life

Vin admits "may kurot sa akin" when people say he's a better actor than Aljur.
by Rommel Gonzales
Published Jun 17, 2023
Vin Abrenica and Aljur Abrenica
Vin Abrenica explains why he doesn't give advice to brother Aljur Abrenica, who has a very controversial love life.
PHOTO/S: Rommel Gonzales / @ajabrenica Instagram

Nilinaw ni Vin Abrenica na nirerespeto niya ang mga desisyon sa pag-ibig ng nakatatanda niyang kapatid na si Aljur Abrenica.

Si Vin ay happily married sa misis na si Sophie Albert.

Open book naman sa publiko ang hiwalayan ni Aljur sa misis na si Kylie Padilla, pati na ang bagong relasyon ni Aljur sa girlfriend na si AJ Raval.

READ: Aljur Abrenica admits cheating on Kylie Padilla: "Totoo naman."

READ: Ex-couple Kylie Padilla at Aljur Abrenica, nagtagpo sa 1st Summer MMFF Parade of Stars

Nang tanungin si Vin kung binibigyan niya ng tips si Aljur sa personal na buhay nito, ipinaliwanag ni Vin ang dynamics nilang magkapatid.

"Ayokong magsalita para sa lahat, but boys kasi, we don’t talk about… kaming magkapatid, lalo na dikit kami, boys kami.

"We grew up with an Alpha dad. My dad is, from my lolo who is an ex-military, my dad is an Alpha dude.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa amin we never talk about our relationships na, 'Tol, naging ganyan ko si ganyan,' o 'Dumaan sa akin si ganyan. Pare ex ko si ganun.' We never talk about it, e.

"We respect each other na kaya mong ma-handle yang part ng buhay mo at ito naman yung part ng buhay ko."

Mas natural daw iyong si Vin ang humihingi ng payo mula kay Aljur.

"We only share each other’s experiences kapag may nag-open up, kapag ako nag-open up ako sa kanya which is ako yung madalas.

"Kasi mas bata ako e, na parang it’s easier na, 'Kuya ano ang gagawin ko? Kuya nangyari sa akin to!'"

Paliwanag pa ni Vin, "Siya, panganay siya, so hindi siya nagsasabi na, 'Tol, dumaan sa akin ‘to.'

“He wants to set an example, na panganay siya, kaya we all look up to him, kaming mga nakakabata sa kanya.

"So, iyon, we don’t talk about relationships."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vin sa mediacon ng The Revelation. Ginanap ang event sa Rafael’s Tapas Bar sa Newport World Resorts sa Pasay City noong June 10, 2023.

ON WORKING TOGETHER

Co-stars sina Vin at Aljur sa pelikulang The Revelation. Una silang nagkatrabaho sa Ang Hapis At Himagsik ni Hermano Puli noong 2016.

Mula ito sa House of Prime Films at Hand Held Entertainment Productions ni Kate Javier at ipapalabas sa mga sinehan ngayong June 21.

Mas marami raw advantage kaysa disadvantage ang pagsasama nilang magkapatid.

"At first, honestly, ang iniisip ko yung mga disadvantage talaga noong una kasi alam mong you’re too comfortable, which turned out to be my advantage nung nagkaroon na kami ng eksena.

"Every time na nakakasama ko si Kuya sa eksena, which is super weird para sa akin, kasi sobrang sarap na kaeksena ko siya.

"As an actor, as your craft, kailangan preparado ka and all. But, parang dito it’s more comfortable.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kuwento pa ni Vin, "Mas buo yung emosyon kasi sa sobrang daming pinagdaanan niyo na sa buhay niyo noon napakadali na lang humugot. Halos napagdaanan na naming lahat in our lives, in our lifetime.

"So, para sa akin mas madali mas naging comfortable and mas naging buo yung every scene na ginawa namin."

READ: Babae, nag-request sa graphic designer na alisin ang 'trash lady' sa picture, ano’ng naging resulta?

ON COMPARISON BETWEEN THEM

Bida sina Vin (bilang Vincent) at Aljur (bilang Lance) sa The Revelation kasama sina Ana Jalandoni (bilang si Gwen) at Jelai Andres (bilang Alex).

Ang The Revelation ay sa panulat ni Joyzel Dulay at sa direksyon ni Ray An Dulay.

Iba-iba ang opinyon, iba-iba ang panlasa ng bawat tao, at may ibang nagsasabing mas nagagalingan sila kay Vin bilang artista kaysa kay Aljur.

Ano ang nararamdaman ni Vin kapag may nagsasabing mas mahusay siyang aktor kaysa sa kuya niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Direktang sagot ni Vin: "Honestly, for me, thank you to the people who think that way. But super, it’s really flattering. But at the end of the day kasi talaga he’s my brother.

"Maybe they can just say na, 'Oh, you’re a good actor.' But masakit lang masabi na mas magaling ka compared sa taong… Itong taong ‘to, he’s my brother at mahal ko siya.

“Well to be honest, I’m just being honest, I’m pouring my heart, iyon ang nararamdaman ko."

Ayon pa kay Vin, malaki ang bilib niya sa kanyang kuya.

"I’m flattered at the same time, may kurot siya sa akin. Ako, I look at him as a really, really good actor.

"Isa siya sa naging inspirasyon ko, I grew up watching all his teleseryes and movies from nag-start siya up to now. Isa ako sa mga fan niya, iyon ang masasabi ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vin Abrenica explains why he doesn't give advice to brother Aljur Abrenica, who has a very controversial love life.
PHOTO/S: Rommel Gonzales / @ajabrenica Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results