PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Are Kobe Paras and Erika Poturnak back together?

Are Kobe and Erika back on good terms with each other?
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 17, 2023
Are Kobe Paras and Erika Poturnak back together?
Video of Kobe Paras and Erika Poturnak, taken by a netizen who spotted them in Siarago, sparks rumors that the two are back in each other's arms.
PHOTO/S: Screengrab @shuttermodelsandtalent TikTok

Kobe Paras at Erika Poturnak, nagkabalikan?

Ito ang tanong ng mga nakapanood sa viral TikTok post ng isang netizen na nakakita umano kina Kobe at Erika na magkasama sa isang airport sa Siargao.

Sa video, makikita si Kobe na nakasuot ng puting sando, itim na short, at shades habang pinapa-check nito ang dala niyang bag.

Sa kanyang tabi, makikita naman ang isang babae na naka-white crop top at baggy brown pants. Kinilala ng mga netizen ang babae na si Erika.

Ang sabi sa caption ng uploader, namukhaan niya si Kobe kung kaya't naisipan niyang bidyohan ito.

Mababasa sa caption ng uploader, "Just saw Kobe Paras with this girl in Siargao Airport..."

Noong June 14, 2023, inupload ang video sa TikTok na ngayon ay mayroon ng 1.7 million views.

NETIZENS' REACTions

Hindi malinaw kung recent sighting ang nasa video. Kung recent nga ito, hindi maiwasang mapaisip ang netizens kung bakit magkasama ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section ng viral TikTok post, makikita ang halos magkakaparehong tanong ng mga supporters nina Kobe at Erika na: "Are they back together?"

May ilan din sa mga ito ang ngayo'y nagbubunyi sa pagbabalikan daw umano ng dalawa.

Komento ng isang netizen, "Yes naman comeback is real."

Sabi pa ng isa, "Totoo ba? Are they still together? Kobe Paras deleted their pictures on Instagram e. Pero sana true na nagkabalikan nga sila."

KOBE-ERIKA BREAKUP

Mismong ang ina ni Erika na si Ina Raymundo ang nagkumpirma sa PEP.ph (Philippine Enertainment Portal) noong March 17, 2023, na hiwalay na sina Erika at Kobe.

Ito ay sa kabila ng walang tuwirang pag-amin ang dalawa tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Read: Ina Raymundo confirms breakup of daughter Erika Poturnak, Kobe Paras

Ayon kay Ina, LDR o long distance relationship ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

"No, they're not together," pagkumpirma ni Ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diin niya, "Basta wala na, yun lang. Hindi nag-work. Long distance does not work.

"It's a mutual decision. They're good, no bitterness, nothing."

Noong June 2022, nang unang mapansin ng mga netizen na may epesyal na namamagitan kay Kobe at Erika.

Read: Ina Raymundo’s daughter Erika Rae Poturnak spotted with Kobe Paras

Ito'y matapos nilang magbahagi sa Instagram ng mga larawan nilang magkasama habang nagbabakasyon sa Bali, Indonesia.

Read: Kobe Paras, Erika Poturnak get cozy in Bali "with love"

Pero pagsapit ng September 2022, nag-unfollow sila sa isa't isa sa Instagram matapos nilang magbakasyon sa California.

Read: Kobe Paras, Erika Poturnak unfollow each other on Instagram

Nag-follow back din sila kalaunan, pero sinasabing nag-unfollow-an uli noong January 2023.

Read: Kobe Paras, Erika Poturnak end “short-lived” romance?

Si Erika ay anak ni Ina at Canadian husband na si Brian Poturnak; habang si Kobe ay anak ng ex-couple na sina Benjie Paras at Jackie Forster.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Video of Kobe Paras and Erika Poturnak, taken by a netizen who spotted them in Siarago, sparks rumors that the two are back in each other's arms.
PHOTO/S: Screengrab @shuttermodelsandtalent TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results