PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Are Megan Young and Mikael Daez ready to become family of three?

"Go with the flow naman kami."
by Rommel Gonzales
Published Jun 15, 2023
Megan Young and Mikael Daez
Megan Young on husband Mikael Daez: "We just enjoy life. Lagi pa rin kaming may nadi-discover sa isa’t isa. So just that in itself, andami kong natututunan sa kanya and andami rin niyang natututunan sa akin."
PHOTO/S: @mikaeldaez / @meganyoung Instagram

Mahigit tatlong taon nang mag-asawa sina Megan Young at Mikael Daez.

Una silang ikinasal noong January 10, 2020, kunsaan sampu lamang ang imbitadong guests.

Nasundan ito ng big wedding celebration nila noong January 25, 2020.

Madalas silang mag-post sa social media ng adventures nilang mag-asawa, kaya inaabangan na rin kung kailan sila magkakaroon ng anak.

"Eto na… hintayin niyo pa lalo," bulalas ni Megan.

Sabay sabi niya, "Hindi mo nilalagyan ng date ang mga ganyan, nangyayari lang talaga. Kung meron, meron. Let’s see what life brings."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Megan sa mediacon ng Royal Blood sa Luxent Hotel sa Quezon City, noong June 9, 2023, Biyernes.

Kung saka-sakali ay iaanunsiyo ba nila iyon sa publiko?

"Malay mo? Hindi niyo alam biglang malaki na pala yung tiyan ko!" natawang sabi ng beauty queen-actress

Tulad ng nabanggit ng couple sa podcast nila noon, consistent si Megan sa pagsasabing hindi nila minamadali ni Mikael ang pagpapamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Go with the flow naman kami."

Going strong ang relasyon nina Megan at Mikael.

Bagong kasal pa lamang sila nang magsimula ang COVID-19 pandemic noong March 2020. Kaya talagang mas napaigting ang honeymoon stage ng relasyon nila dahil halos 24/7 silang magkasama.

Ano ang sikreto kung paano hindi magkasawaan sa isang relasyon?

Sagot ni Megan, "We just enjoy life. Lagi pa rin kaming may nadi-discover sa isa’t isa.

"I mean, like with everything that we do. Like, we’re creating [online] content all the time, we’re trying to keep up with the trends also.

"So just that in itself, andami kong natututunan sa kanya and andami rin niyang natututunan sa akin."v

ON WORKING TOGETHER AGAIN

Excited sina Megan at Mikael dahil muli silang nagkatrabaho sa bagong Kapuso prime-time series na Royal Blood.

Limang taon na ang nakalipas mula nang una silang magkasama sa afternoon drama series na The Stepdaughters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I think it’s the dynamics of the characters, I think that’s the biggest difference,” ani Megan tungkol sa pagkakaiba ng trabaho nila ni Mikael noon at ngayon.

"Yung before kasi sa Stepdaughters very lovey-dovey, parang young individuals. Mas kilig noon.

"Dito kasi [sa Royal Blood], mas malalim yung pinaghuhugutan ng characters in the sense na marami na kaming baggage.

“So, parang kailangan namin talagang pag-usapan na, ‘Okay, paano ba tayo dito?' Kasi I feel like Diana’s character is [180-degree] from Megan, even Kristoff is [180-degree] kay Mikael.

“So, kailangan namin pag-usapan, ‘Kung tayo si Diana at Kristoff, paano tayo magre-react sa linya ni Napoy, sa linya ni Margaret and all the other characters?'”

Bida sa Royal Blood si Dingdong Dantes bilang si Napoy, at si Rhian Ramos naman ang gumaganap bilang si Margaret.

Dagdag pa ni Megan, "I feel like mas intimate din yung dating ng show.

"Intimate in the sense na, when you saw the trailer kanina, di ba, puro close-ups? So, I feel na mas nakikilala mo yung nuances ng bawat character.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ON CHANGES IN MISS UNIVERSE RULES

Samantala, hiningan ng reaksyon si Megan tungkol sa pagpapahintulot sa mga may asawa, may anak, at transwomen na sumali sa Miss Universe beauty pageant.

Si Megan ay nanalong Miss World noong 2013.

“Ay, sasali siya ulit sa Miss World, puwede na!" pabirong hirit ni Mikael na katabi ni Megan habang in-interview ng PEP.ph.

Dagdag ni Mikael, "2024 sasali daw siya ulit para double crown na raw siya."

Sabi naman ni Megan patungkol sa mga pagbabago sa Miss Universe, "Ako, I’m all for it! I embrace, you know, the new changes, it’s a changing world din naman, so I’m excited for the future in pageantry.

“Kasi it’s not always gonna be the same. The pageants, like Miss World and Miss Universe back in the day are completely different from how they are today.

“Yung nire-represent nila dati iba na rin ngayon. So I’m excited to see where pageantry will also be in the next twenty years."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AIRING OF GMA-7'S ROYAL BLOOD

Sa direksyon ni Dominic Zapata, mapapanood ang Royal Blood simula June 19, weeknights, 8:50 p.m., sa GMA Network.

Eere rin ito sa GTV, sa timeslot na 11:30 p.m. mula Lunes hanggang Huwebes, at timeslot na 11 p.m. tuwing Biyernes.

Kabilang din sa cast sina Rabiya Mateo (bilang Tasha), Dion Ignacio (bilang Andrew), Lianne Valentin (bilang Beatrice), at may special participation si Tirso Cruz III (bilang Gustavo Royales).

Nasa cast din ng Royal Blood sina Ces Quesada (bilang Aling Cleofe), Benjie Paras (bilang Otep), Carmen Soriano (bilang Camilla), at Arthur Solinap (bilang Emil).

Kasama rin sa serye ang Sparkle Teens na sina James Graham (bilang Louie), Aidan Veneracion (bilang Archie), Princess Aliyah (bilang Anne), at ang child actress na si Sienna Stevens (bilang Lizzie).

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Megan Young on husband Mikael Daez: "We just enjoy life. Lagi pa rin kaming may nadi-discover sa isa’t isa. So just that in itself, andami kong natututunan sa kanya and andami rin niyang natututunan sa akin."
PHOTO/S: @mikaeldaez / @meganyoung Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results