Magkasamang ipagdiriwang nina Victor Consunji at Rachel Carrasco ang birthday week ng kilalang negosyante.
Si Victor ay founder ng real-estate company na Victor Consunji Development Corp. (VCDC), habang si Rachel ay co-founder ng isang gourmet food business.
Kahapon, June 11, 2023, ibinahagi ni Rachel sa Instagram Story ang litrato nila ni Victor.
Sinundan niya ito ng ilang pictures ng mga binisita nilang lugar, kabilang ang Nishiki Market sa Kyoto, Japan.

May litrato rin kunsaan maaaninag ang shadow ng couple na magkahawak-kamay.
Nitong nakalipas na apat na buwan, may ilang beses ibinahagi nina Rachel at Victor ang pagiging malapit nila sa isa't isa.
Noong Pebrero, ipinakita ni Rachel ang masayang mga litrato nila ni Victor kunsaan magka-holding hands sila sa tabing-daan.
Noong Marso, magkasama sila sa pag-unwind sa isang yacht habang karga ni Victor ang isang sanggol.
At noong Abril ay may cozy photo rin silang dalawa na kasama uli ang isang sanggol.
Noong November 2022 unang nag-post si Rachel ng pamamasyal nila ni Victor sa Paris.
Liban sa pagiging magkaibigan at pagkakaroon ng same circle of friends, sa kasalukuyan ay walang direktang pag-amin sina Victor at Rachel sa estado ng kanilang ugnayan.
