Itinanggi ni Maine Mendoza ang lumabas na ulat sa Twitter tungkol sa pagkakaroon ng TV special para sa kanilang kasal ni Arjo Atayde.
Nitong Sabado, June 10, 2023, ni-retweet ni Maine ang nasabing post sa kanyang account, at mariing iginiit na walang katotohanan ito.
Ayon kay Maine, wala silang plano ni Arjo na magkaroon ng TV special para sa kanilang kasal.
Sabi ni Maine sa tweet, "Huh? This is not true and the article is misleading. Not sure if clickbait done on purpose or comprehension is just [emoji] i am the last person to publicize a personal affair [emoji]"
Sa kasunod na tweet, ipinahayag ni Maine ang kanyang pagkadismaya sa kung paano madaling naniniwala ang ilang netizens sa mga nababasa at nakikita nila sa Internet.
Aniya, "Kakaloka din how some netizens would simply believe what they see on the Internet [emoji] Kailan ba mauuso ang fact-checking?!"
Read: Arjo Atayde gives inside peek into wedding preparations
MAINE-ARJO WEDDING ON TVJ'S NEW SHOW
Samantala, sa panayam ng The Philippine Star kay Joey de Leon, binanggit na isa ang kasal ni Maine sa maaaring abangan ng mga viewers sa bagong show tampok sina ang TVJ—or Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon—sa TV5.
Aniya, "We will start in a few days. Yes (immediately). Hindi na namin papatagalin kasi hinahanap na rin ng mga katawan namin.
"Ang maganda nito, we’re already airing during our 44th anniversary and the wedding of Maine. So yun yung mga big events na aabangan niyo."
Nitong June 7, 2023, pormal na ibinahagi ng MediaQuest president and CEO na si Jane Basas na magiging co-produced nila ang bagong show ng TVJ sa TV5.
Kasama ng TVJ sa kanilang bagong tahanan sina Ryan Agoncillo, Allan K, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.
Naganap ang anunsiyo isang linggo matapos umalis ng TVJ sa TAPE, Inc. dulot ng sanga-sangang internal issues.
READ MORE:
