PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TAPE targets exits from 'Eat Bulaga!'

Joey de Leon: "Basta masaya kami, nakalipat na kami sa bagong bahay namin."
by Arniel C. Serato
Published Jun 9, 2023
Joey de Leon spills more tea about TAPE new management after transfer to TV5
Joey de Leon on decision to cut ties with TAPE: "Pinapatanggal nila si Ryzza Mae [Dizon], yung bata, si Ryan Agoncillo at saka si Paolo Ballesteros. Ewan, may mga ipapasok silang bagong talents nila. Pati si Maine [Mendoza], actually. Pero sabi [namin], 'Di puwede, e, tanggalin niyo na kaming lahat.'"
PHOTO/S: Courtesy: One News on YouTube

Hindi lang si Ryzza Mae Dizon ang gustong tanggalin ng bagong TAPE management sa "old" Eat Bulaga!.

Ang TAPE Inc. ang producer ng longest-running noontime show sa bansa.

Ito ang ibinunyag ni Joey de Leon sa panayam sa kanya ng One News kahapon, June 8, 2023.

Si Joey, kasama nina Tito Sotto at Vic Sotto, ang pioneer hosts ng Eat Bulaga!.

Saad ng veteran TV host-comedian, “Sige, sasabihin ko na sa inyo yung totoo— pinapatanggal nila si Ryzza Mae, yung bata, si Ryan Agoncillo, at saka si Paolo Ballesteros.

"Ewan, may mga ipapasok silang bagong talents nila. Pati si Maine [Mendoza], actually.

"Pero sabi [namin], 'Di puwede, e, tanggalin niyo na kaming lahat.'

“Pati ano, mga official ng production, hindi lang sa hosts, e. Pati mga portions namin, gusto palitan, ewan ko, di raw sila natutuwa.

"Si Tito ang magandang magpaliwanag niyan, si Tito ang palaban, e.”

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Tito noong Abril ay sinabi niyang plano ng bagong TAPE management na tanggalin ang ilang hosts pati na ang ilang key production staff ng Eat Bulaga!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero mahigpit daw nila itong tinutulan at naging dahilan upang mag-alsa-balutan ang lahat ng hosts at ilang namamahala sa produksiyon ng noontime show.

Watch: Tito Sotto: Ryzza Mae, pinatatanggal; Vic at Joey handa na ring magsalita! (PART 4)

Sa panayam niya sa One News, nilinaw ni Joey na walang nagpilit sa ibang Dabarkads na sumama sa kanila sa pagkalakas nila sa TAPE Inc., na pinamumunuan ngayon nina Jon Jalosjos at Bullet Jalosjos, pagkatapos ng halos 44 taon.

Lahad ni Joey, "Through the years, basta gusto niyo sumama, nandito lang kami.

"Wala talagang ano… alam mo, bago pa kami maging Kapatid kami, magkakapatid na turingan namin.

"So, walang nagsisikretuhan sa amin. Pinagtatanggol namin.

"Kaya nga nangyari ito dahil may pinapatanggal sila na tatlong hosts, e. Yun ang totoo—may pinapatanggal silang tatlong hosts."

DOOMED FROM THE START?

Sa exclusive interview ng PEP.ph ay sinabi ni Bullet Jalosjos, chief finance officer ng TAPE, na "doomed from the start" ang kanilang negosasyon sa grupo ng TVJ at "legit Dabarkads."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: TAPE's Bullet Jalosjos on TVJ departing from Eat Bulaga!: "It was bound to happen."

Ano ang masasabi ni Joey dito?

Aniya, "Well, nasagot na yan ni Tito. Maraming babaguhin, e. Kasi nga after 44 years babaguhin mo, e, di magkakagulo talaga.

"May tatanggalin, may papalitan, may ika-cut na suweldo. Yan ang tototo. Across the board, malaking… malaki ang slash. So, magulo.

"Biro mo, magugulat kayo, after 44 years, wala namang ano, sitting pretty everybody, kumikita, ganyan, biglang nag-change ng management, 'We're taking over,' pak! Siyempre magkakagulo.

"E, kami nga nagulat, e, 'Ha? Ganun?' Yun ang reaction namin kaya... so yun nga ang nangyari."

Sa isa raw pagpupulong nila, kasama ang bagong pamunuan ng TAPE, ay may binitawan daw salita si Joey para maayos pa sana ang takbo ng kanilang samahan.

Lahad niya, "Ako nga, mabigat yung nabitawan ko nung isang meeting, e. Sabi ko, ‘Hindi ba puwedeng paabutin niyo lang kami ng 50 years tapos sipain niyo na kami?'

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Yan ang words ko mismo. 'Sipain niyo na kami.'

"Hindi, totoo, yun ang sinabi ko. Ito, first time ko sinabi ito. Ayoko nga ng magulo, may away, ganun.

"So, basta masaya kami, nakalipat na kami sa bagong bahay namin."

Posibleng sa unang linggo ng Hulyo ay eere na ang bagong noontime show nila sa Kapatid network.

Read: TVJ officially transfers to TV5 after 'Eat Bulaga!' exit

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joey de Leon on decision to cut ties with TAPE: "Pinapatanggal nila si Ryzza Mae [Dizon], yung bata, si Ryan Agoncillo at saka si Paolo Ballesteros. Ewan, may mga ipapasok silang bagong talents nila. Pati si Maine [Mendoza], actually. Pero sabi [namin], 'Di puwede, e, tanggalin niyo na kaming lahat.'"
PHOTO/S: Courtesy: One News on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results