PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Unfinished Amorsolo painting, sino nga ba ang modelo?

“Who is this mysterious woman?”
by KC Cordero
Published Jun 8, 2023
The unfinished Amorsolo painting
Matagal nagsaliksik ang National Museum of the Philippines kung sino ang “mysterious woman” sa unfinished artwork ni National Artist for Visual Arts na si Fernando Amorsolo. Magugulat kayo kung sino siya.

Ibinahagi ng National Museum of the Philippines noong May 23, 2023, sa official Facebook page nito ang reel ng isang unfinished artwork ng National Artist for Visual Arts na si Fernando Amorsolo.

“Who is this mysterious woman?” ayon sa caption sa reel.

Hindi alam ang pangalan ng magandang babae na tampok sa portrait, at isa itong misteryo na pilit hinanapan ng kasagutan ng marami sa loob ng ilang dekada.

Read also: Jodi Sta. Maria, Fernando Zobel de Ayala show love for rescued animals

The unfinished Amorsolo painting

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: BSP naglabas ng kauna-unahang colored commemorative coin set

Ang babae sa larawan ay may kutis na kayumangging kaligatan. Teased ang kanyang makapal na buhok, simple ang makeup, at may suot siyang maliit na kuwintas at pink na pang-itaas.

Dahil hindi natapos ang obra, sa ibaba ng leeg nito ay makikita sa white canvas ang naka-expose na underdrawings at grid marks—mga indikasyon na hindi pa talaga ito tapos iguhit ni Amorsolo.

Ang mysterious portrait ay bahagi ng mga donasyon sa National Museum of the Philippines ng biyuda ni Amorsolo na si Maria del Carmen Amorsolo.

Isa ito sa mga huling artwork ni Amorsolo bago ito pumanaw noong April 24, 1972, sa edad na 79.

Unfortunately, maging si Gng. Amorsolo ay hindi kilala ang modelo ng kanyang mister.

Kaya sa loob ng maraming taon, ang pagkakakilanlan kung sino ang nasa larawan ay hindi matukoy.

Matutuklasan pa ba kung sino ang babaeng iginuhit ni Amorsolo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: PWD in Grade 10 in Negros Occidental wins editorial cartooning category

The unfinished Amorsolo painting

Read also: “Smiling lessons” inio-offer para sa mga nakalimutan na ang pagngiti dahil sa facemask

Taong 2016, pinaghahandaan noon sa National Museum ang isang donasyon na estatwa na likha ng National Artist for Sculpture na si Guillermo Tolentino, na mula sa President Manuel Roxas Foundation.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Habang inaayos ang preparasyon sa museum, binigyan ng tour si Mrs. Judy Araneta Roxas, anak ng dating Pangulong Roxas.

Nakita nito ang portrait at binanggit nito na ang nasa larawan ay si Florencia "Nena" Singson Gonzalez-Belo, ang ina ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo.

Dahil sa impormasyon mula kay Mrs. Roxas, sinimulan ng National Museum na beripikahin ang pagkakakilanlan sa hindi pa nakikilalang modelo ni Amorsolo.

Read also: Mystery solved: President Sergio Osmeña's biological father identified via DNA testing

Matapos maghalukay sa archival data, magsagawa ng napakaraming panayam, at makipag-ugnayan sa mga kakilala ni Mrs. Belo, nalutas ng National Museum ang misteryo at nakumpirma ang pagkakakilanlan sa nasa portrait noong October 27, 2018.

Ito nga si Nena Belo, ang ina ni Dra. Vicki Belo.

Sa isang social media post noong 2017, sinabi ni Dra. Vicki Belo na nagtataka siya na lahat ng kanyang tita ay may Amorsolo portraits, pero ang kanyang ina ay wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa kanyang post noon, “All my mom’s five sisters had Amorsolo portraits and when I asked her why she didn’t have any, she said that she has posed for it but didn’t know what happened to it.

“Well, it was never finished and surfaced 65 years later.”

Read also: Artwork tinawag na pangit, “sinunog” ng kliyente; painter inulan ng blessings

Dra. Vicki Belo and family

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: "Transformers" statues na naging tourist attraction, pinatanggal ng mga kapitbahay

Kasama ang mga kapamilya, binisita ng doktora ang portrait nang mag-birthday ang kanyang ina.

Nagpasalamat siya sa National Museum dahil sa ginagawang pag-iingat sa larawan nito.

Ang portrait ay kasalukuyang naka-display sa Gallery IX-Early 20th Century Philippine Portrait Hall, National Museum of Fine Arts.

Read also: VIRAL: “Bula sa unang kagat!” Bridesmaid, inakalang cupcake ang wedding giveaways; sabon pala

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matagal nagsaliksik ang National Museum of the Philippines kung sino ang “mysterious woman” sa unfinished artwork ni National Artist for Visual Arts na si Fernando Amorsolo. Magugulat kayo kung sino siya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results