Pinagkakatuwaan ngayon ng netizens ang old photo nina Charo Santos at Tommy Abuel.
Ang larawan ay nai-post ng isang member ng Facebook Page na Nostalgia Philippines, isang community ng mahihilig sa throwback, partikular sa mga naganap sa Pilipinas sa iba’t ibang larangan kabilang na ang industriya ng pelikulang Pilipino at mga artista.

Read also: Kim Atienza bonds with former 'It's Showtime' co-hosts Billy Crawford, Eric Tai
Naibahagi na rin ito ng netizens sa iba’t ibang social media platforms.
Kung pagbabatayan ang suot na T-shirt ni Tommy, mahihinuhang kuha ang larawan nang magkatambal sila ni Charo sa pelikulang Itim.
Ang Itim ay na-produced noong 1976 ng Cinema Artists Philippines at may running time na 105 minutes.
Ito ang directorial debut ni Mike De Leon, at acting debut naman ni Charo.
Ang sumulat ng screenplay ay sina Clodualdo del Mundo Jr. at Gil Quito.
Read also: Tito Sotto to Jalosjos brothers: "Leave 'Eat Bulaga!' alone."
Sa mga hindi pa nakapanood ng Itim, isama ninyo ito sa inyong bucket list dahil kabilang ito sa listahan ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino sa Ten Best Films of the Decade sa Pilipinas.
Tinanghal din itong Best Picture sa 1978 Asian Film Festival, kung saan kinilala namang Best Actress si Charo.
Nakatanggap din ang Itim ng apat na parangal sa Gawad Urian: Best Cinematography, Best Music, Best Editing, at Best Sound.
Read also: Alden Richards reiterates loyalty to TVJ

Read also: TAPE execs Jon and Bullet Jalosjos divulge "questionable expenditures" in Eat Bulaga!
Noong 2022, na-restore digitally ang kopya ng nasabing pelikula at nagkaroon ng theatrical premiere bilang bahagi ng Cannes Classics section sa ginanap na 75th Cannes Film Festival.
Ang ikinatutuwa ngayon ng netizens, magkasamang muli sina Charo at Tommy—bagaman at hindi magka-love team—sa teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo ng ABS-CBN na pinangungunahan ni Coco Martin.

Read also: Paolo Contis appeals to the public to give them a chance
Gumaganap si Charo bilang si Tindeng na lola ng karakter ni Coco na si Tanggol.
Si Tommy naman si Don Julio Montenegro, na sa kuwento ng serye ay tunay na lolo ni Tanggol.
Read also: What do netizens say about revamped 'Eat Bulaga!' and its hosts?

Read also: Joey de Leon posts original ‘Eat Bulaga!’ logo amid trademark war
Biro ng netizens, baka raw dumating sa punto na sa tatakbuhin ng serye ay may backstory rin sina Lola Tindeng at Don Julio.
Pinansin din nila ang angking ganda ni Charo noon pa man, at ang kakisigan ni Tommy.
May mga nagkomento rin na napanood nila noon ang Itim, at naaalala nila ang nasabing pelikula kapag pinapanood nila ngayon sina Charo at Tommy sa Batang Quiapo.
Read also: Coco Martin and Julia Montes addressing their relationship status through the years
