Sa pagpapaalam ng lahat ng hosts ng Eat Bulaga! sa ere sa pamumuno ng TVJ nung nakaraang May 31 sa kanilang YouTube channel, masasabi raw na wala nang kakompetensiya ngayon ang It's Showtime.
Agad namang klinaro ni Kim Chiu, isa sa mga hosts ng ABS-CBN noontime show, na wala silang kumpetisyon ng Eat Bulaga! gaya ng sinasabi ng iba.
"Wala naman kaming franchise, di naman sila kalaban.
“May prangkisa sila. Pare-parehas lang na ang gusto namin ay maghatid ng saya,"
KIM NOT RUSHING PLANS OF SETTLING DOWN WITH XIAN LIM
Sa loob ng mahigit na sampung taong relasyon nila Kim Chiu at Xian Lim, marami sa mga KimXi fans ang naghihintay kung kailan magle-level up at mauuwi na sa engagement, kasalan at pagkakaroon ng sariling mga anak ang dalawa.
Karamihan kasi sa mga kasabayan nilang mga artista, kung di man engaged o kasal ay may sarili nang mga anak ngayon.
Sa panayam kay Kim sa nakaraang launching niya as Sisters sanitary napkin endorser na ginanap sa Luxent Hotel, Timog Ave., Quezon City nung nakaraang May 31, biniro ang Kapamilya actress kung hindi pa ba siya nakakaramdam ng kagustuhang magkaroon na rin ng sariling pamilya at mga anak, tulad ng ibang showbiz couples natin sa ngayon
Biro niya, "Mas kabahan ka pag nabuntis at di pa kinasal, matakot tayo nun!
Pero mas seryoso niyang pahabol, “Kung kailan? Depende, depende, basta happy kami."
Bilang bagong endorser ng Sisters sanitary napkin, tinanong si Kim kung di ba nahihirapan si Xian pag mayroon siyang buwanang dalaw kung saan may mga mood swings ang karamihan sa mga babae.
Lahad niya, "Alam na niya yun kaya lalayo na siya. Sasabihin niya, ‘mainit na naman ang ulo mo,’ ganyan, ganyan. Chocolate na lang ang panlaban.
KIM GRATEFUL FOR SISTER LAKAM’S QUICK RECOVERY
Bilang isang sister o kapatid, dumaan sa matinding pagsubok kamakailan ang pamilya nila Kim kung saan nagkaroon ng sakit ang kanyang Ate Lakam, ang nakatatanda niyang kapatid.
Sa mga socmed posts nga ni Kim noong mga panahong yun ay inamin ni Lakam na nawalan siya ng pandinig, hindi siya makapagsalita o makakita dahil sa kakaibang virus na tumama sa kanya.
Labis naman ang pasasalamat ni Kim na nalagpasan ng kanyang Ate Lakam ang pagsubok na ito at ngayon ay nasa maayos na itong kalagayan.
Aniya, "Matindi talaga. Very thankful ako.
“Wala, ang Panginoon ang nag-ano ng lahat. Di ko rin alam ang sagot basta very happy lang. Sobrang okay na siya.
"Malaki ang sinakripisyo ng Ate ko para sa akin, kaya sasamahan ko siya hanggang sa pagtanda niya."
KIM SHARES SISTERLY ADVICE
Ramdam ng lahat ang pagmamahal at sobrang pag-aalala ni Kim nung kasalukuyang nakaratay sa banig ng karamdaman ang kanyang Ate Lakam.
Pero tulad ng ibang magkakapatid, inamin din ni Kim na meron din naman silang mga di pagkakaunawaan, pero madali naman nila itong naaayos.
Ani Kim, "Hindi maiiwasan yun, pero dapat mag-compromise na lang.
“Kung mainit ang isa, layo ka muna. Balik ka na lang uli pag malamig na.
“Don't fight fire with fire kasi mag-aaway-away kayo.
“Parang dyowa lang naman din ang mga kapatid natin. Mas matimbang lang."
KIM THANKFUL FOR HER LOYAL SHOWBIZ FRIENDS
Pinagpapasalamat din ni Kim na nakatagpo siya na mga totoong kaibigan na maituuring niyang para niyang mga kapatid o sisters for life.
Pag-amin niya, "Mahirap naman talagang makahanap ng kaibigan sa showbiz. Busy yung schedule, di nagkikita-kita.
“Tapos, nandito kami sa mundo na we're very hungry on what we are doing, so minsan di maiiwasan ang inggitan, ganyan.
“Pero masarap lang pag pag nakakita ka ng kaibigan na kapag nagkita kayo, parang kahapon lang kayo huling nagkita.
“Nagtatawanan, nagshe-share ng mga secrets and hindi naman lingid yun na sila Bela, Angelica yung mga tinatakbuhan ko talaga na mga kaibigan ko, nasasabihan ko ng mga problema ko."
Sa naturang presscon proper ay natanong din si Kim kung may kaibigan ba siya na masasabi niya na nag-traydor sa kanya.
Pagbabalik-tanaw niya, "Yung mga nag-traydor na kaibigan, matagal na yun.
“Luma na yun, parang di niyo naman alam yun.
“Pero tama na, magkaibigan na kami.
“Saka maikli lang, mabilis ang buhay lalo na nung nagka-pandemic, mas nare-realize mo na mas mag-dwell ka na lang sa mga bagay na nagma-matter sa iyo…
“Kasi di mo alam… today, next week or next month kung saan ka na mapupunta or kung ano na ang health condition mo.
“Alagaan na lang natin ang health natin at ang pagiging happy is also part of of healthy lifestyle."
