PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis on why he fell in love with Yen Santos

Paolo shares the reason why she fell in love with Yen.
by Khryzztine Joy Baylon
Published May 31, 2023
Paolo Contis, Yen Santos
Paolo Contis (left) says that his girlfriend Yen Santos (right) had “every opportunity” to end their relationship during the height of their controversy but she chose to stay — which made him fall in love with her.
PHOTO/S: @paolo_contis on Instagram

Halos apat na buwan na ang nakararaan matapos aminin ni Paolo Contis sa publiko ang espesyal na relasyon nila ni Yen Santos.

Nangyari ang pag-amin ng Kapuso actor nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda noong January 30, 2023.

Tanong ng host na si Boy Abunda: "Si Yen Santos ba ay girlfriend mo na? Oo o hindi?"

"As a friend?" natatawang pagbibiro muna ni Paolo.

Pero pag-amin din niya kalaunan: "Yes."

Kasunod nito ay naghayag ng saloobin si Paolo sa pananaw ng publiko sa relasyon nila ng aktres.

Saad niya, "Sa amin kasi, kumbaga, what you see is what you get na naman, di ba?

"Hindi na namin puwedeng ipilit yung tao to be happy for us. Hindi namin puwede ipilit yung mga tao na paniwalaan yung gusto nilang paniwalaan.

"Sana isipin lang nila na kung ano lang yung nakikita nila na naka-post, yun lang yung truth na alam nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Paolo Contis finally admits relationship with Yen Santos; denies Yen as cause of his breakup with LJ Reyes

Ngunit ano nga ba ang mga rason kung bakit tuluyang na-in love si Paolo sa kanyang A Faraway Land leading lady na si Yen?

Sa panayam niya sa Updated With Nelson Canlas podcast nitong Martes, May 30, sinabi ni Paolo na malaking bagay na nanatili sa tabi niya ang award-winning actress.

Read: Urian 2022 best actress Yen Santos, pinasalamatan si Paolo Contis sa kanyang acceptance speech

Noong mga panahong walang naniniwala at marami ang humuhusga sa kanya, bukod-tanging si Yen daw ang umintindi at hindi umalis sa panig niya.

Pahayag ni Paolo, "Sobrang simpleng bagay lang.

"When the whole thing started, the whole crucifixion started, there was a time or there was every opportunity, she had every opportunity to leave me, but she stayed.

"Ako, sa totoo lang, ang laki-laking bagay [nun para sa akin]. Kasi noong mga times na yon, pinag-uusapan naman namin na mahirap, yes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagkaroon pa nga ng times nag-ano siya sa social media... hiatus.

"Pero she did everything she can to not get affected, as long as nakakapag-usap kami and okay kami."

Dagdag pa niya, "Hindi mo ba mamahalin yon?

"During the time some of my friends, some of the people who actually believe me were leaving, someone stayed."

Hindi kaila na dumaan sa matinding pagsubok ang relasyon nina Paolo at Yen bago pa man nito ito aminin sa publiko.

Read: "As a friend?" Netizens react to Paolo Contis inviting Yen Santos to Baguio

Ito'y matapos batikusin si Paolo nang makipaghiwalay siya sa dati niyang partner na si LJ Reyes.

Read: LJ Reyes alludes to money issue, third party in breakup with Paolo Contis

Maging si Yen ay hindi nakaligtas sa bashing dahil siya ang itinuturong third party sa hiwalayang Paolo at LJ.

Read: Pamba-bash kina Paolo Contis at Yen Santos, may kasama nang death threats

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero idiniin noon ni Paolo na hindi si Yen ang dahilan ng breakup nila ni LJ.

Read: Yen Santos breaks Instagram silence after being involved in the Paolo Contis-LJ Reyes breakup

Natanong din ni Nelson Canlas kung worth it ba si Yen sa kabila ng tila roller coaster na pinagdaanan ni Paolo.

Mabilis na sagot ng aktor, "Yeah. Kumbaga, noong lahat palayo, siya [naman] papalapit."

Read: Paolo Contis on “quiet relationship” with girlfriend Yen Santos: “Super na-demonize kami pareho.”

PAOLO CONTIS ON SETTLING DOWN

Hindi rin nakaligtas si Paolo sa tanong kung may balak ba siyang magpakasal.

Ang tanong ay bunsod na rin ng mga dating pakikipagrelasyon ni Paolo na nauwi sa hiwalayan kahit nagkaroon siya ng mga anak.

"Alam mo maraming nagsasabi sa akin hindi!" natatawang sagot ng aktor sa tanong ni Nelson.

Nais naman daw niyang ikasal, ngunit may mga bagay muna siyang kailangang unahin at ayusin.

Kabilang na rito ang pakikipag-ayos sa kanyang mga nakaaway at ayusin ang relasyon sa kanyang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Paolo, "Ako, of course I do. I want that day to come.

"But before that happens, I want to fix everything—in all aspect of my life.

"Sa mga nakaaway ko, sa mga anak ko.

"Kapag lahat yon hindi maayos, tingin ko never akong magiging buo... enough para maging maayos na asawa.

Dagdag pa rito, nais din daw ni Paolo makipagkaibigan sa kanyang mga naging kasintahan, partikular na sa ina ng kanyang mga anak.

"Hindi ito mga ex na wala lang.

"Yung mga taong may kinalaman sa akin, feeling ko kailangang maayos before I actually move forward, sa totoo lang, sa edad ko.

"Hindi na yon puwedeng pabayaan at this time regardless kung anong mangyari, it has to be fixed for me to become a whole person.

"Feeling ko, only that time ako magiging fully ready [na magpakasal]."

Dalawa ang anak ni Paolo sa dating EB Babes dancer na si Lian Paz, at isa naman kay LJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: The celebrities Paolo Contis fell in love with

Ikinasal sina Paolo at Lian sa Cauayan, Isabela, noong July 20, 2009.

Hindi nagtagal, nagkalamat ang kanilang relasyon na humantong sa pagpa-file ng annulment. Si Paolo ang naunang nag-file, na sinundan naman ni Lian noong 2019.

Read: Lian Paz confirms separation from husband Paolo Contis; says it was Paolo who decided that they separate

Ang relasyon naman niya kay LJ ay umabot ng anim na taon.

Naging live-in partners sila bago maiulat ang kontrobersiyal na hiwalayan nila noong August 2021.

Ngayon ay engaged na si LJ sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Philip Evagelista.

Read: Paolo Contis, "masaya" para kay LJ Reyes: "Deserve niyang maging masaya."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis (left) says that his girlfriend Yen Santos (right) had “every opportunity” to end their relationship during the height of their controversy but she chose to stay — which made him fall in love with her.
PHOTO/S: @paolo_contis on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results