Sa selebrasyon ng kanyang ika-48 kaarawan, binalikan ni Wilbert Tolentino ang maituturing niyang pinakamabigat na pagsubok na dinaanan niya.
August 2020 nang tamaan ng COVID-19 si Wilbert, isang vlogger, entrepreneur at talent manager.
Delta virus, ang mabagsik na variant ng COVID-19, ang naging sakit niya noon.
Ayon kay Wilbert, nakaramdam siya noon ng takot at pangambang baka hindi niya kayanin at bawian na siya ng buhay.
Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Wilbert sa kanyang 48th birthday bash, na ginanap sa Palacio de Manila, noong May 18, 2023.
"Nung nagkaroon ako ng COVID, eight percent lang kasi ang nakaka-survive, isa ako sa mga first batch na yun," balik-tanaw ni Wilbert.
"Thank you St. Luke's, kahit full capacity, in-embrace ninyo ako, tinanggap niyo ako. Alam ko may purpose si God for my second life, alam ko may misyon pa ako.
"Just imagine yung batch namin, 14 kami, sabay-sabay na na-intubate kami, eleven nawala.
"Tatlo na lang kaming natira, ako pa ang unang lumabas. Hindi ko na alam yung dalawa kung ano ang nangyari."
Pagbabahagi ni Wilbert, nagpaalam na siya sa mga taong malalapit sa kanya na baka hindi niya malagpasan ang sakit niya noon.
"Actually, nag-announce na ako sa mga angels ko, 'Guys, I'm sorry I cannot make it. Basta ipagpatuloy niyo ang business ko. Wag niyo lang kakalimutan ang bulilit ko, si Little KaFreshness.'
"Yung mga prayer warriors ko, sobrang effective. Nag-ask ako ng prayers sa social media dahil during that time, walang COVID survivor ang nakapag-advice kung paano i-survive yun.
"Wala pa tayong gamot, at the same time kinakain ako ng depression. Feeling ko, last day ko na yun."
Ngayong tumataas muli ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19, bilang isang COVID-19 survivor ay may payo si Wilbert sa lahat.
"Actually, ngayon ang COVID parang high level lang ng trangkaso. Kailangan sa mga di nakapag-vaccine, tuloy lang natin para maiwasan at mabawasan na.
"Mag-face mask, kung mahina ang immune system, palakasin ang immune system, mag-vitamins and alcohol. May sapat na eight hours na tulog."
CELEBRITIES AT WILBERT'S PARTY
Ilan sa celebrities na dumalo sa birthday party ni Wilbert ay ang singer na si Sheryn Regis at rappers na sina Skusta Clee at Flow G.
Aminado si Wilbert na hindi imbitado ang vlogger na si Zeinab Harake sa kanyang party. Pero siniguro ni Wilbert na wala silang problema ng vlogger.
"Hindi, hindi ko siya ma-invite kasi si Daryl [Skusta Clee] ay isa sa magpe-perform.
"Ayokong magkaroon ng tensyion. Pero last year present siya, kaya happy naman din ako."
Sabi pa ni Wilbert patungkol sa kanila ni Zeinab, "Casual friend, nagtsa-chat naman kami."
READ: Wilbert Tolentino speaks about reconciliation with Zeinab Harake months after word war
Ayon kay Wilbert, wala talaga siyang balak magselebra pero sorpresa sa kanya ito ng mga malalapit na kaibigan at business partners.
"May pinaglalaanan ako this year, sa birthday ng best friend ko, 60th birthday. Kasi bibihira kasi magkaroon ng 60th birthday, dapat mag-a-adjust ako.
"Since mayroon akong 690 Entertainment bar, tapos Apollo Club, siyempre yung Apollo headed by Mommy Jen, 690 headed by Kendall, at Farenheit Cafe headed by Ryan Sotto, lahat sila nag-collab sila, niregalo nila itong birthday sa akin.
"Di nila kukunin yung profit-sharing nila for two months.
"Siyempre on my part, hindi ko matiis, hindi ko rin sila papayagang mawalan ng profit-sharing for two months.
"Magtatrabaho ako, kahit ibenta ko pa ang katawan at lahat, gagawin ko."
Takaw-pansin din ang outfit ni Wilbert na futuristic ang tema.
"Itong look na ito, actually, sinuprise lang din nila sa akin kasi ang in daw ay futuristic.
"Nung nilalatag ko ang plan ko sa kanilang lahat kung bakit nagkaroon ng Wil of Life, marami akong business na ilalabas onwards this 2023.
"Ginawa nilang futuristic yung theme kaya ayun, pati ako."
WILBERT'S BIRTHDAY WISH
Nang tanungin ang kanyang birthday wish, hiling ni Wilbert ay maibalik na sa normal ang lahat at maipagpatuloy ang magandang itinatakbo ng career ng mga alaga niya.
"Kailangan malagpasan na nating itong pandemic, para bumalik na tayo sa dati na trabaho ang lahat.
"Sa mga angels ko, kila Herlene Budol, Madame Inutz, siyempre nandito pa rin, continuous lang ang aking plan para sa kanila.
"Nakikinig naman sila sa akin, yung mga platform na inilatag ko sa kanila."
Malaki ang pasasalamat ni Wilbert sa narating niya bilang isang manager, vlogger, at negosyante.
Aniya, "Forty-eight years in the making, sobrang tough, lahat ng mga struggles, dumaan ako sa butas ng karayom, kaya siyempre gusto ring i-share."
