Walang mapagsidlan ang saya ni Sharon Cuneta na sa wakas ay isinapubliko na nina Coco Martin at Julia Montes ang relasyon nila.
Noong May 23, 2023, nadulas at napaamin si Coco kay ABS-CBN News reporter MJ Felipe na labindalawang taon na ang relasyon nila ni Julia.
Read: Coco Martin accidentally confirms 12-year relationship with Julia Montes
Hindi lingid sa kaalaman ng iba na malapit sa puso ni Sharon sina Coco at Julia. Anak-anakan ang turing niya sa dalawa matapos nilang magkasama sa FPJ's Ang Probinsyano noong 2021.
Read: Sharon Cuneta calls Julia Montes as "pinakamamahal na anak" in showbiz
Sa Instagram nitong Linggo, May 28, 2023, inihayag ni Sharon ang kanyang saya sa pagsasapubliko nina Coco at Julia ng kanilang relasyon.
Mababasa sa kanyang post (published as is), "Umamin na ang mga anak ko yaayyy!!! Happy si Mommy ‘mysha!@montesjulia08 @cocomartin_ph
"P.S. I became close to Coco & Julia when Coco asked me to join FPJ’s Ang Probinsyano towards the end of 2021."
Ipinagtanggol din ni Sharon si Coco laban sa mga kritisismo na kumukuwestiyon sa agwat ng edad nila ni Julia.
Read: Coco Martin and Julia Montes reel-to-real romance: A timeline
Ayon sa Megastar, alam niyang masaya ang dalawa sa kung anong mayroon sila, kaya imbes na makialam ay mas mabuti raw na suportahan at maging masaya na lang sa relasyon nina Coco at Julia.
Saad ni Sharon, "Whatever they may have gone through together, well, it all seems to have been for the best because they are so good to and for each other.
"They are happy and that makes me and so many others happy.
"I love them both very much - and no matter what, my friends know that I am protective and loyal and supportive - and that certainly will not change!
"I believe people should focus on what is and what will be rather than what was."
Dagdag pa niya, "Let’s all be happy with our own lives and be happy for them."
NETIZENS REACT
Maraming netizens, partikular na ang CocoJul fans, ang natuwa sa suporta ni Sharon sa relasyon nina Coco at Julia.

Ngunit kung mayroong natuwa ay mayroon ding pinag-isipan siya ng masama.
Isang basher ang nagkomento sa kanyang post at tinawag siyang "sipsip" at nagpapapansin lamang umano kaya't todo-puri siya sa dalawa.
Saad ng basher, "okay sige...sipsip pa more baka sakaling isama ka ni Coco sa Batang Quaipo [laugh in tears emoji]."

Bagay na hindi naman pinalampas ni Sharon.
Buwelta niya, si Coco ang mismong nag-imbita sa kanya noong maging bahagi ng FPJ's Ang Probinsyano.
Read: Sharon Cuneta ends FPJ's Ang Probinsyano stint
Maling-mali raw ang naiisip ng basher na siya'y nagpapalakas kay Coco para muli siyang kunin sa bago nitong teleserye na FPJ's Batang Quiapo.
Read: Sinu-sino ang pangarap na makatrabaho ni Coco Martin?
Sabi ni Sharon sa basher, "Excuse me? Saan planeta ka lumaki?
"May sarili akong mga trabaho. Busy ako.
"Ewan ko kug ilan pa kayong parang walang alam. Sa probinsyano ako ang inimbitahan di ako nagpresenta.
"Pag ako nagpresenta ng sarili ko, yun ay para makatulong hindi para matulungan."
Ibinida rin ni Sharon ang mga nakalinya niyang pelikula at serye.
Sabi niya, "Dalawa parating kong teleserye at may movies ako. Lumagay ka sa tama.
"Sa lahat ng nakakainis sa aming mga artista yung wala nang alam bastos pa."

