Mariing pinabulaanan ni Jennica Garcia ang espekulasyong magkarelasyon sila ni Christian Bables.
Ito’y matapos mapansin ng kanilang fans ang kakaibang closeness nila sa isa’t isa, on at off cam.
Dagdag pa rito, ang kinakikiligang tambalan nila sa Dirty Linen bilang Lala (Jennica) at Max (Christian).
Read: Jennica Garcia admits she almost backed out of sexy-dancer role in Dirty Linen
Mas lalo pa silang pinagsuspetsahan ng netizens nang sorpresahin ni Christian si Jennica noong Mother’s Day.
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jennica sa selebrasyon ng Pie Channel first anniversary, noong May 19, 2023, nilinaw niya kung sino si Christian sa buhay niya.
Ayon sa aktres, matalik na magkaibigan at halos magkapatid na ang turing nila sa isa’t isa.
Pagbabahagi ni Jennica, “Ito nga po, promise po — lalo na po by now, pakiramdam ko po na malalaman naman ng tao if I'm lying or not — wala po talaga.
“Wala po talagang romantic na dating or anything like that between me and Christian.
“Like, when I think of Christian, like, I look at him and I see him as a brother.
"As in parang si Kotaro, parang si Angelo, ganyan.
“Siguro, effective lang po yung portrayal ng Lala-Max kaya siguro akala nila there is something going on between us pero wala po.
“Wala po talaga.”
CHRISTIAN AS A FRIEND
Malaki raw ang pasasalamat ni Jennica na naging kaibigan niya si Christian. Bukod sa pagiging sweet at malambing ay maasikaso rin daw itong kaibigan.
Hindi raw ito nakakalimot sa mga espesyal na okasyon kagaya na lamang noong Mother's Day.
Kuwento ni Jennica, "Magkasama kami nitong Mother's Day, natuwa ako kay Christian.
"Kasi si Christian very sweet yan, malambing, kapag kasama ka niya, lagi ka niyang bubusugin.
"Mahilig siyang mag-order ng foods, mahilig siyang kumain, at ayaw niyang kumain mag-isa, so we're always together.
"Na-touch naman ako kasi lagi siyang nag-aaya simula noong natapos yung [taping] ng Dirty Linen, hindi ko siya laging napagbibigyan, hanggang hindi na niya ako binigyan ng choice noong Mother's Day.
"Sabi niya, 'Hello, nasaan ka?' Sabi ko, 'Nandito ako kasama ko yung kids ko, nandito kami sa bahay ni Mama [Jean Garcia], kumakain kami.'
"After nito dadalhin ko sila sa Kidzoona, kakain kami sa labas and then grocery. And at 5 p.m., pupunta ako ng Greenbelt to buy make-up, kasi naubos na po. And mayroon akong live in the next day, so kailangan ko talaga itong isingit.
"Tapos nagulat na lang ako, sabi niya, 'Idi-dinner ko yung mommy ko, diyan na kami sa Greenbelt ng 5 p.m. para kasama kita ng Mother's Day.'
"So, sumunod siya sa akin sa Greenbelt ng 5, tapos hinatid din niya ako sa bahay.
"Mabilis na mabilis lang yon, parang one-hour lang kasi kailangan kong umuwi, kasi wala po kasi akong stay-in na helper, stay-out yung helper ko. So, kailangan kong umuwi, especially gusto rin niyang makasama yung anak niya, right?
"So, as soon as dinner was over, hinatid na po niya ako sa bahay. Masaya ako na may kasamang umuwi."
Pagbabahagi pa ni Jennica, matagal na panahon na silang magkakilala at magkaibigan ni Christian.
Ngunit ang pagsasama raw nila sa Dirty Linen ang nagpatibay sa kanilang samahan bilang matalik na magkaibigan.
Saad niya, "We did a series together, parang short film together for HIV Awareness, bago kami magkasama sa Dirty Linen.
"Doon pa lang naging magkaibigan na kami ni Christian. Hindi naman kami naging friends because of Dirty Linen.
"Although yung bond namin, naging solidify lang noong Dirty Linen.
"Because, I think, in the industry that I work for, we got to have acquintances. Pero iyong real friend, medyo mahirap dito sa trabaho po namin.
"Kasi usually, akala mo friend mo na iyong isang tao, pero during that series lang pala kayo, kasi hindi mo siya makakasama outside.
"Si Christian kasi, wala siya doon sa category ng acquaintances because he's the type of friend na he always talk to you, message you, and call you.
"Lalo na si Christian, ma-voice message yan, sa Viber. Like, ime-make sure niya na hindi dadaan yung weeks or a couple of days na hindi mo siya mararamdaman.
"So, talagang magme-message yan o tatawag."
IS CHRISTIAN BOYFRIEND-MATERIAL?
Hindi rin nakaligtas si Jennica sa tanong kung nakikita ba niyang boyfriend-material si Christian.
Aniya, mabuting tao ang aktor at magiging mabuti itong partner sa babaeng magugustuhan at makakarelasyon nito.
Sabi ni Jennica, "He'll be a good partner to someone. Hindi lang po talaga ako.
"Ayoko po kasing magbigay ng false hope, ganyan, or sa mga tao.
"Kasi siyempre there are people who want to be together romantically. Kaya lang, pakiramdam ko sa amin ni Christian, nauna yung kapatid ko na ito.
"Yung ganon, nauna na siya. Kaya kapag sinabing romantic, hindi ko ma-imagine na magki-kiss, maghu-hug kami, ganun, kasi parang kapatid na nga po kami."
Hindi naman daw niya isinasara ang puso niya sa posibilidad na magkaroon ng kasintahan.
Sa ngayon, masaya raw siyang kasama si Christian at gagawin niya ang lahat para maprotekahan ang kanilang pagkakaibigan.
"Siguro sa tagal ko na ring single, hindi naman po matagal, baka akala ko lang, parang two and a half years na rin po kasi, but I've been dating.
"I'm open to do dating, wala lang talagang dine-date ngayon. Pero last year, I did date a couple of people.
"Pero parang ano po, kapag healed ka na pala, medyo mataas na standard mo kasi parang alam ko na maging masaya on my own.
"Tapos kumikita na rin po ako ngayon. Ako pa naman po, makakain lang ako ng masarap na pagkain, sobrang saya ko na.
"So, parang kapag nag-iisip ako ng romantic partner, dapat magaling ka. Kasi, paano yan, kaya ko na yung sarili ko.
"Ako pa naman po kapag dating ako, nagre-react akot what person to what the person I am dating is doing."
Si Jennica ay kasal sa aktor na si Alwyn Uytingco.
Ikinasal sila noong February 2014 at mayroon silang dalawang anak na babae— sina Athena Mori, 8, at Alexis Severina, 5.
Read: Jennica Garcia says homeschooling her daughter Mori strengthens their bond
March 30, 2021, naiulat ng PEP.ph na may problema ang pagsasama nina Jennica at Alwyn.
Read: Is Jennica Garcia - Alwyn Uytingco marriage on the rocks?
Noong panahong iyon, binura na ni Jennica ang mga larawan nila ng asawa sa Instagram.
Noong May 20, 2021, sa exclusive interview ng GMANetwork.com, nagpahiwatig si Jennica na hindi na buo ang kanilang pamilya.
Deklarasyon ng anak ni Jean Garcia tungkol sa kasalukuyang sitwasyon niya: "From a family-of-four, we are now just a family-of-three, sacrifices must really be made."
Read: Jennica Garcia admits split with husband Alwyn Uytingco
Sinubukan naman ni Alwyn na suyuin ang asawa.
Noong June 29, 2021, humingi ng kapatawaran si Alwyn kay Jennica sa kanyang mga nagawang kasalanan.
Read: Alwyn Uytingco to wife Jennica Garcia: “Patawad sa lahat ng pagkakamali ko.”
