PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Memorable Lines from 'The Write One'

RURU, BIANCA, MIKEE & PAUL
by Rose Garcia
Published May 20, 2023
The Write One stars (L-R) Bianca Umali, Ruru Madrid, Paul Salas, and Mikee Quintos
Reel- and real-life sweethearts Ruru Madrid and Bianca Umali (left), along with Mikee Quintos and Paul Salas (right), recall their favorite lines and scenes from the GMA-7 teleserye The Write One.
PHOTO/S: PR

Para kina Ruru Madrid, Bianca Umali, Mikee Quintos, at Paul Salas, very memorable ang pinagbidahan nilang serye na The Write One.

Nalalapit na ang pagtatapos ng serye na collaboration ng GMA Telebabad at VIU, kaya naman tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang lead cast nito kung ano ang pinaka-memorable lines nila sa teleserye.

Bukod sa pagbanggit ng kani-kanilang memorable lines, ipinaliwanag din nila kung bakit ito tumatak sa kanila.

Ang memorable line ni Ruru ay, "Love is an act of bravery."

Paliwanag ng aktor, "That’s my favorite line. Siguro kasi, parang na-connect ko rin siya sa sarili ko, sa personal na buhay ko. Dahil nga... well, ganoon naman tayo, di ba? Every time na magmamahal tayo, mapa-tao man yan, bagay o proyekto, kailangan mong magpakatapang para gawin yan.

“Kailangan mong maging handa na gawin yan. Kasi, kapag matapang ka, yun ang nananalo. Yun ang nagwawagi sa dulo or yun ang nakukuha mo ang gusto mo. Hindi yung natatakot kang tumalon, hindi yung natatakot kang sumugal kasi, that’s life."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-a-apply rin daw ito sa pag-ibig.

Pagpapatuloy niya, “Sa pag-ibig naman, kailangan mong masaktan para malaman mo kung ano talaga ang tunay na pagmamahal.

"And I guess, yun din naman ang nangyayari sa ating lahat, sa buhay. Pagmamahal sa buhay, pagmamahal sa mga taong nakapaligid sa atin.

"Hindi natin maiiwasan na masasaktan at masasaktan tayo, pero kailangan lang nating magpakatapang lagi.”

BIANCA RELATES TO ROLE OF JOYCE

Tumatak naman para kay Bianca ang isang eksena nila ni Ruru. Gumaganap ang dalawa bilang ang mag-asawang Joyce at Liam.

Kuwento ni Bianca, ang kanyang favorite line ay "from one of the big fights of Joyce and Liam bilang mag-asawa. Ito yung gumastos si Liam, nagbawas siya sa ipon namin para bumili ng tickets to Paris for the both of us."

Ito ang linya: "Naisip mo na naman, nag-iisip ka ba talaga? Sana kung nag-iisip ka, naisip mo na hindi natin kailangan ito, sana naisip mo na hindi natin kailangang magbakasyon. Lalo na kung pagbalik natin gutom tayo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag naman ni Bianca kung bakit ito ang paborito niyang linya, "Kaya yun ang naisip ko na line, kasi isa sa pinagmalalaki kong aspeto na nagampanan ko si Joyce is dahil naramdaman ko maging isang nanay, maging isang asawa and maging isang anak, all at the same time.

“And it’s my first time in a show to be able to become a mother and a wife na talagang totoong-totoo”

Inamin ni Bianca na isa talaga ito sa pangarap niya.

“Isa talaga iyon sa pangarap ko sa buhay and the fact that I was saying it, it felt like I was living my dream even if it was in a chaotic relationship.

"Malaking bagay yun, parang naririnig ko ang sarili ko kung yung practicality ng pag-iisip ng isang asawa at isang nanay. Uunahin ang lahat bago ang sarili. Uunahin ang pamilya, ang anak, even if it means fighting your husband para sa kinabukasan ng pamilya. Kahit na hindi na niya naalagaan ang sarili niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“And that was one of my favorite things about Joyce. Isa siyang babae na yung puso lagi ang inuuna, hindi ang sarili.”

mikee's memorable scene

Para naman kay Mikee, na gumaganap bilang Via, ang hindi raw niya makakalimutan na linya niya sa serye ay nasa unang trailer pa lang na ipinakita.

Paglalahad ng aktres, “When I told Bianca, noong nagharap-harap kami sa dinner and I asked her, ‘Are you having an affair with my boyfriend?’

"Ewan ko, ang dami kong natutunan sa line na yun. Ang ikli lang niya and it might sound cliché, you heard it before, that line.

"But it's easy to label yung mga kontrabida—when you see kontrabida, iisipin mo agad na masama. Yun ang ine-expect ko na mapi-feel ko kapag binato ko ang line na iyon kay Bianca.

“But what surprised me, imbes na galit ang mapi-feel ko, selos ang mao-overpower na feeling, but no, it was pain na looking at Bianca that I treated like a friend, mas nanalo yung feeling na sakit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It makes me think na in real life, tayong lahat, meron tayong mga gustong i-express, hingin sa mga taong importante sa atin sa everyday life natin, pero sometimes, nagiging attack mode tayo agad. But it’s not always like that.”

paul's favorite lines

Dalawa ang memorable lines ni Paul, na gumaganap sa karakter ni Hans Arevalo, sa The Write One.

Ang una ay, "Bakit, bakit Liam? Nangako ka sa akin."

Paliwanag ni Paul, "Yung bakit na yun, hindi lang din para kay Liam, kung hindi para sa sarili ko. Bakit, bakit wala man lang akong nagawa mai-save si Joyce? Mai-save ang minamahal ko? Bakit inuna ko yung pride ko? Ang daming bakit.

“Ang dami ko rin na-realize sa personal life ko at kay Hans.”

Pangalawa naman daw na linyang binigkas niya, “Via, huwag! Lasing ka na."

Aniya, "Exciting din yun at challenge rin para sa amin ni Mikee ang scene na iyon actually. Papunta pa lang ng taping, pine-prepare ko na ang sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So yun ang Top Two favorites ko.”

Bilang pagtatapos sa aming panayam, tinanong ng PEP.ph ang dalawang couples, na real-and-reel sweethearts, kung sa totoong buhay ay masasabi na nga nilang natagpuan nila ang "the write one," o ang right partner nila.

“Yes na raw agad, siyempre naman, no brainer,” mabilis at natawang sagot ni Ruru.

Sabi naman ni Bianca, “Kailangan pa bang sagutin? Yes.”

At si Mikee naman, “Kakatanong lang yan sa akin ng sister ko the other day. Ikakasal kasi iyon, si Ate Denise sa November. Nanonood siya ng mga wedding videos. She asked me, ‘tingin mo si Paul na Myk? Tingin mo siya na? Sagot ko, ‘Oo!’ Yun ang answer ko, ‘yes.’”

At isang madiing “yes” din ang sagot ni Paul.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Reel- and real-life sweethearts Ruru Madrid and Bianca Umali (left), along with Mikee Quintos and Paul Salas (right), recall their favorite lines and scenes from the GMA-7 teleserye The Write One.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results