Hot topic ngayon sa social media ang national costume ng Binibining Pilipinas 2023 candidate mula sa Cebu Province.
Ang costume ng kandidatang si Joy Dacoron ay may pagkakahawig sa Santo Niño de Cebu.
Ipinost ni Joy sa kanyang Instagram account ang Sto. Niño costume niya — mula sa pulang kapa, korona, scepter, at globe.
Hindi itinago ng netizens, kabilang ang ilang supporters ni Joy, ang kanilang pagkadismaya. Na-offend daw sila sa ginawa ng aspiring beauty queen.
Ayon sa kanila, sagrado ang vestment ng Sto. Niño. Kawalan daw ng respeto na gayahin ito at gawing national costume ni Joy, maganda man ang intensiyon ng kandidata.
Narito ang komento ng ilang netizens:

THE INSPIRATION behind THE COSTUME
Samantala, ipinost ng fashion designer na si Chino Ledesma Christopherson sa kanyang Instagram ang idinisenyo niyang national costume ni Joy.
Sa caption, inilahad ng fashion designer ang inspirasyon nila ni Joy sa napiling national costume design.
Ang costume ay simbolo raw ng pananampalataya ni Joy, na deboto rin ng kanilang patron na Señor Sto. Niño.
“When she lost her father to an accident last year, she questioned God, ‘Ngano man, Lord? (Why, Lord?)’ The Sto. Nino paved the way for her to shed off her doubts and made her realize that everything happens for a reason. In gratitude, she is sharing this faith to the national stage.
“Thus, with pride and deep respect for their heritage, she wears this costume that signifies faith and gratefulness. Viva! Pit Senyor!” caption ni Chino.
CEBU BISHOP REACTS
Sa kabilang banda, sinasabi naman ng mga tagapagtanggol ni Joy na humingi ng permiso ang beauty queen mula sa bishop ng Cebu.
Subalit kinontra ito ng Cebu bishop.
Ayon sa obispo, hindi ipinaalam ni Joy na Sto. Niño-inspired ang kanyang national costume.
Sa kanyang Instagram account, pinasalamatan ni Joy ang mga pari sa Sto. Niño Parish Church sa Cebu.
Caption niya sa wikang Cebuano (na isinalin sa Tagalog): “Malaking pasasalamat lalung-lalo na kila Bishop Ruben Labajo, Rev. Fr. Roland Angel Anthony Torres & kuya Melchor Aloro sa pag assist sa akin at pinayagan akong mag shoot sa mga magagandang simbahan sa Cebu.”
May mga larawan pa si Joy kasama ang obispo sa loob ng simbahan.
Naglabas naman ng official statement si Bishop Labajo hinggil sa isyu.
Paglilinaw niya, hindi ipinaalam ng kandidata ang tungkol sa gagamitin niyang national costume.
Ito ang translation ng statement ng obispo: “Ang hiningan ng permiso ni Joy ay magpapa-litrato siya gamit ang simbahan dito sa Cebu bilang background.
“Wala akong idea na ipo-promote pala ang vestment ni Sto. Niño as national costume, at mas lalong hindi alam ng mga Augustinian priests yan.
“Kaya naman diyan siya sa labas nagpakuha ng litrato, hindi sa loob ng Basilica.
“Si Joy taga-Balamban naman talaga, kaya sa amin ni Padre Tata siya lumapit.
“Pero si Joy lang at ang kanyang manager at dapat tanungin kung bakit ganon talaga.”
