Proud na ipinakilala ng aktor na si Albie Casiño, 30, sa publiko ang babaeng nagpapasaya ngayon sa kanyang puso—ang non-showbiz girlfriend niyang si Michelina, 26.
Ang pagsasapubliko ni Albie sa kanilang relasyon ay kasabay ng kanyang ika-30 kaarawan at unang taon nila bilang magkasintahan noong Linggo, May 14, 2023.
Sa kanyang Instagram noong May 15, ibinahagi ni Albie ang mga larawan nila ng nobya habang sila'y nasa Guam, USA.
Ayon sa hunk actor, maraming bagay siyang ipinagpapasalamat. Kabilang na rito ang selebrasyon ng kanyang kaarawan na kasama niya si Michelina.
Mababasa sa kanyang caption (published as is), "So much to be thankful for!
"One year being with @realmichelina my 30th and your 26th.
"Love you baby to more birthdays/anniversaries together [kiss emoji]."
Agad naman itong nireplayan ng kanyang nobya.
Ani Michelina, "I love you so much Mahal."

Ang model-beauty queen na si Michelle Arceo ang huling nakarelasyon ni Albie.
Nagtagal ang kanilang relasyon ng halos tatlong taon—magmula noong 2017 hanggang 2019.
Read: Albie Casiño's girlfriend joins Wowowin beauty search
Bukod kay Michelle, naging nobya rin ni Albie sina Dawn Jimenez at Andi Eigenmann.
Read: Albie Casiño recalls how he moved on after breakup with Andi Eigenmann, Dawn Jimenez
Matatandaan na noong 2011, lumikha ng kontrobersiya ang breakup ni Albie kay Andi nang ituro siyang ama ng dinadalang anak ng aktres noon na si Ellie.
Read: A PEP LOOKBACK. Andi Eigenmann, Albie Casiño, Jake Ejercito: A five-year secret finally revealed?
Read: Albie Casiño says he has been single for eight months: "Honestly, ngayon wala talaga akong time."
