Handang-handa na ang dating PBA player na si Bobby Ray Parks Jr. na makuha ang matamis na "oo" ng YouTube vlogger na si Zeinab Harake.
Noong May 8, 2023, tuluyan nang isinapubliko ng dalawa ang espesyal na relasyon nila.
Ito'y matapos mag-post ni Bobby Ray sa Instagram ng video tampok ang sweetness nila ni Zeinab.
Makikita sa video na maingat niyang inaayos at sinusuklay ang buhok ni Zeinab habang ito ay nakayuko.
Dito rin niya ibinuking na nililigawan niya ang kilalang YouTuber.
Aniya sa video, "Buti na lang ako yung nanliligaw no? Ikaw yung walang patience. e."
Kinilig at natawa naman si Zeinab sa sinabi ni Bobby Ray.
Kapansin-pansin din sa huling parte ng video ang nagbabadyang paghahalikan ng dalawa ngunit hindi ito natuloy.
Maging si Zeinab ay proud ding flinex si Bobby Ray sa kanyang Instagram Stories.
Sa parehong araw, ipinost niya ang silhouette picture ni Ray habang nasa basketball court.
Read: Zeinab Harake, former PBA player Bobby Ray Parks Jr. flex each other on Instagram
Nitong Huwebes, May 11, 2023, muling pinakilig ni Bobby Ray ang netizens nang magkomento siya sa Instagram post ni Zeinab.
Sa IG post ng YouTuber, makikita ang sexy-photo niya kuha sa dalampasigan ng isang beach.
Simpleng caption ni Zeinab, "Day 1 to Day 3 New Vlog."
Kapansin-pansin na ni-like ito ni Bobby Ray at nag-iwan siya ng komento.
Aniya, "Sheeesssshhh sagutin mo na po ako soon please."
Agad naman siyang nireplayan ni Zeinab ng, "WHAHAHAHA [heart emoji]."

ZEINAB-BOBBY RAY DATING RUMORS
Bago ang pagsasapubliko sa Instagram nina Zeinab at Bobby Ray ng namamagitan sa kanila, nauna nang kumalat sa social media ang mga larawan nila habang magkasamang nagbabakasyon sa Japan.
Kitang-kita ang sweetness ng dalawa nang maispatan si Bobby Ray na nakaakbay kay Zeinab habang sila'y naglalakad at bitbit-bitbit nito ang mga gamit ng YouTuber.
Noong September 11, 2022, unang kinumpirma ni Zeinab na may bago na siyang karelasyon.
Pagtatapat niya, hindi celebrity ang bago niyang kasintahan.
Mas mabuti raw ito dahil parehas nilang gustong maging pribado ang kanilang relasyon, pero hindi naman nila ito itinatago.
Read: Zeinab Harake, masaya sa kanyang bagong low-key relationship
Ang huling nakarelasyon ni Zeinab ay ang rapper na si Skusta Clee. May isa silang anak si Bia, 2.
Read: Zeinab Harake recalls darkest moment after breakup with Skusta Clee
Samantala, si Ray naman ay kasalukuyang naglalaro para sa koponan ng Nagoya Diamond Dolphins sa Japanese Basketball League.
Sya ay anak ng yumaong basketball player na si Bobby Parks, na naglaro bilang import sa koponan ng Shell.
