Labinlimang taon na ang nakalipas mula nang mabiyuda si Lorna Tolentino, 61.
June 7, 2008 nang sumakabilang-buhay ang sikat na action star na si Rudy Fernandez dahil sa sakit na periampullary cancer.
Mula nang pumanaw ang kanyang mister, walang nabalitang naugnay na bagong pag-ibig si Lorna.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tinanong ang beteranang aktres kung bukas siya sa pakikipagrelasyon kung may dumating na potential partner.
"Kung mayroon, oo, kasi iniisip ko rin naman siyempre yung mag-aalaga sa akin pagtanda ko.
"Masarap din yun, masaya din naman yun. Malay natin kasi plan ni Lord yun," sagot ni Lorna.
Hindi ba niya nami-miss ang companionship?
"Di naman," sabi ni Lorna, "kasi ang dami ko rin namang kaibigan, pamilya, marami. Mga anak ko, nakakausap ko."
Nakapanayam ng PEP.ph si Lorna sa presscon ng Kapamilya prime-time series na FPJ's Batang Quiapo noong May 4, 2023.
Inisa-isa ni Lorna ang mga katangian ng isang taong maaari niyang mahalin.
Aniya, "Siyempre yung maalaga, yung i-spoil-in ka, siyempre yun ang mga iisipin mo."
Isyu ba sa kanya kung mas bata ang partner niya?
"Five years younger? Wala namang diperensiya kung five years lang. Kahit nga ten years pasok pa yan, e," sagot ni Lorna.
Pero wala raw manliligaw si Lorna sa ngayon.
"Walang panahon para dun kasi puro trabaho."
Kung saka-sakali, kumpiyansa si Lorna na susuportahan siya ng mga anak kung magkaroon man siya ng bagong pag-ibig.
Dalawa ang mga anak nina Lorna at Rudy, sina Renz at Ralph Fernandez.
"Hindi na kailangang pag-usapan kasi sa akin, okay lang kung ganun din sila, e. Di ba, kung sino ang mahalin nila. Siguro ganun din naman sila."
Sabay update niya tungkol sa pinagkakaabalahan ng mga anak.
"Okay sila, si Raf kasi more of sa computer and archiving siya, e.
"Busy rin sila family business na yung sa farm, e, yung poultry. Although maliit lang siya na negosyo."
MORE HOT STORIES ON PEP.PH
- Batang '70s at '80s, nag-nostalgia nang muling marinig ang "Voltes V" theme song
- OFW with excess baggage sinabihang i-transfer ang fee sa bank account ng check-in agent sa NAIA
- Anne Jakrajutatip, inaming nag-apologize kay Catriona Gray
- Vic Sotto asked if he was paid more than P30M for his delayed TF in 'Eat Bulaga!'
