May bago na bang nagpapasaya sa puso ng actress-singer na si Maxene Magalona?
Ito marahil ang tanong ng maraming netizens na nakapanood sa viral TikTok post ng isang TikToker nitong Linggo, May 7, 2023.
Sa video, makikita si Maxene at ang diumano'y bago niyang karelasyon na magka-holding-hands-while-walking (HHWW) sa isang mall sa Greenhills, San Juan.
Nakasuot ng black shirt at brown pants ang lalaki, at kitang-kita ang mukha nito habang mahigpit niyang hawak ang kamay ni Maxene.
@ashigadgetstore ##GREENHILLSSHOPPINGCENTER###2nd FLOOR GREENHILLS SHOPPING CENTER SAN JUAN CITY METRO MANILA #OPEN FOR SWAP / TRADE-IN #INSTALLMENT THRU CREDIT CARD AND ##We ? original sound - KAWAWANG COWBOY ???? - WAWANG COWBOY ????
Ayon sa uploader, hindi niya sinasadyang makuha ang eksenang HHWW ni Maxene at ng kasama nito, dahil nagpo-promote lamang daw siya ng tindang cellphone nang mapadaan ang dalawa sa kanyang estante.
Read: Maxene Magalona reacts to "third party" tag in rumored breakup of Angel Locsin, Neil Arce
Isa pang TikTok video ang lumutang na kuha pa noong March 11, 2023, kung saan spotted din si Maxene kasama ang parehong lalaki na naglalakad sa Greenhills matapos nila umanong bumili ng cell phone.
Nakasuot ng black and white stripe crop top shirt ang aktres, habang naka-brown long sleeve at black short naman ang kaakbayan niyang lalaki.
Ayon sa comments section ng nasabing TikTok post, isang DJ sa hindi tinukoy na bar ang lalaki na nagngangalan umanong "Geoff Gonzalez."
https://www.tiktok.com/@_babyee/video/7209257997330074885
May ilan pang mapanuring netizens ang nakapansin na naka-follow sa isa't isa ang dalawa sa Instagram.


Bukod pa sa mga ito, kasama rin ni Maxene ang umano'y bago niyang nobyo nang magbakasyon siya sa El Nido, Palawan, nitong nakaraang linggo.
Nagpa-picture ang isang fan habang ang aktres ay nasa big lagoon sakay ng kayak, nasa likod niya ang lalaking may hawak na sagwan. Hinihinalang si Geoff iyon.
@usapangtormotz Yung gusto mo lang naman mag Hi kay Ms.Maxene Magalona kaso nahulog kayo sa kayak ???????? Super bait nya. #bingotravelandtours #maxenemagalona #kayaking #biglagoonpalawan #elnidopalawanphilippines #funnyvideo ? original sound - Stitch
Mahigit isang taon nang single si Maxene matapos nilang maghiwalay ng dati niyang asawa na si Rob Mananquil.
Read: Maxene Magalona confirms she’s now single months after rumored split from husband Rob Mananquil
Matatandaang January 2022 pumutok ang balitang hiwalay na sila matapos i-unfollow ni Maxene si Rob sa Instagram — bagay na kinumpirma ng aktres nang inanunsiyo niyang "single" siya noong October 14, 2022.
Read: Maxene Magalona unfollows husband Rob Mananquil on Instagram; goes solo in Boracay
Humigit-kumulang apat na taon silang nagsama ni Rob bilang mag-asawa.
Read: Maxene Magalona reflects on healing journey; cheers on fellow "self-healers"
Dalawang beses ikinasal sina Maxene at Rob.
Una, sa isang intimate church wedding sa Santuario de San Antonio Parish sa Forbes Park, Makati City, noong January 8, 2018.
Pangalawa, sa isang beach wedding sa Boracay noong January 11, 2018.
READ MORE:
- Maxene Magalona reveals how she handled breakup with husband Rob Mananquil
- Maxene Magalona recounts the moment she decided to end marriage: "Enough is enough."
- Why Maxene Magalona still posts wedding photos after breakup with Rob Mananquil
- Maxene Magalona thanks mom and mother-in-law on 4th wedding anniversary
- Maxene Magalona reflects on healing journey; cheers on fellow "self-healers"
